"National Library Museum"
Napatitig ang dalaga sa lumang building na kanyang kinatatayuan muli na naman siyang dinala ng kanyang mga paa dito. Ilang araw narin siyang nagpupunta dito dahil sa ginagawa niyang research para maipasa ang kanyang subject. Ang magsaliksik tungkol sa mga mahihiwagang pangyayari sa buhay ng tao, ewan ba niya ba't ito pa ang napili niya. Kaya naman dito siya napadpad sa lumang library kung saan nakatago ang ibat ibang uri ng libro. Ngunit iba talaga ang pakiramdam niya tuwing nagagawi siya sa lugar na ito, may kakaiba na hindi niya maipaliwanag, pakiramdam din niya may kung anong pwersa ang humihila sa kanya pabalik sa silid na ito,
"Asuka ano pa inaantay mo? Tara na at maya maya lang ay magsasara na tong library" untag sakanya ng classmate niyang si Aki at nauna ng pumasok sa loob ng gusali. Sumunod narin siya dito.
Wala masyadong tao sa library, babalikan nya lang naman ang libro na nakita niya nung isang araw. Habang naghahanap siya isang matandang lalaki ang lumapit sa kanya,
"Anong Aklat ba ang hinahanap mo hija?" Saad nito kaya nadako ang tingin niya dito.
"Mga mahihiwagang kwento po sana para sa napili kong project research, pero parang nawala na dito yung nakita ko nung isang araw"
"Mahiwagang libro ba kamo?"
"Mga kwento po na mahiwaga,"
aniya at muling tinuon ang sarili sa paghahanap."Meron akong alam na mahiwagang Aklat kagaya ng hinahanap mo. Pero sadyang mahiwaga ang Aklat na iyon at mapanganib kailanman ay wala ng makakapagbukas ng unang pahina, maliban na lamang kung mababago ang kapalaran ng mga bituin",
"Ano Po?" Nagtatakang napatingin siya sa seryosong mukha ng matanda na ilang sandali lang ay ngumiti rin ng kaonte.Nawewerduhan man siya dito ay bigla naman siyang nagkainteres sa sinabi nito kaya itinuon niya sandali ang atensyon dito. Mukang misteryoso ang matandang ito, nakasuot ito ng itim na tuxedo at itim ding sumblero na parang pang magician.
"Anong Aklat po ang tinutukoy nyo? Nandito pa hoh ba yon ngayon?"
"Kagaya ng sinabi ko ang libro ay kailanman hindi na mabubuksan ng kahit na sino kahit pa ito ay mahanap, ngunit unti unting nagbabago ang kapalaran ng mga bituin" anito. napakunot noo naman siya , parang medyo naguguluhan na siya sa tinuran nito
"Ah ganun po ba, hindi ko rin pala mababasa ang Aklat na sinasabi niyo"
" Sadyang mahiwaga ang aklat ng Apat na tagapangalaga ng langit at lupa, "seryosong saad sakanya ng matanda .
"Aklat ng Apat na tagapangalaga ng Langit at Lupa?"
"Narinig mo na ba ang kwento sa isang dalaga sa alamat na nabiyayaan ng malakas na kapangyarihan ng matawag niya ang isa sa tagapangalaga ng langit at lupa? Ito ay nakakamangha ngunit sa bandang huli ay kamatayan . Kamatayan ang sinapit ng lahat,marami ang nag buwis ng buhay, maraming kasamaan ang bumalot sa buong mundo. At muli sa kasalukuyan muling mabubuhay ang alamat, isinilang na muli sila, panibagong kabanata at panibagong laban ng liwanag at kadiliman, Muling dadanak ang mga nakakakilabot na pangyayari at muli ay kamatayan"
mahinang saad ng matanda na may bakas pa ng kalungkutan,hindi niya alam kung ano ang tinutukoy nito pero nagdahilan ito para magtayuan ang mga balahibo niya, parang ayaw na niya hanapin o basahin ang aklat na sinasabi nito.
"Ngayon ko lang po yan narinig, at nakakatakot nga po "-
Aniya at ibinalik na ang atensyon sa paghahanap ng libro ng makita nya ang hinahanap ay nagpasya na siyang magpaalam sa matanda. Sa tingin niya ay isang lumang kwento lamang iyon o baka marahil ay alamat, baka mawili siya kay manong at makalimutan ang gagawin .
BINABASA MO ANG
REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARS
FantasyAng aklat ng Apat na tagapangalaga ng Langit at Lupa ay tuluyan ng naglaho. Maraming taon ang lumipas ang tungkol sa Alamat ay muling nabigyan buhay sa kasalukuyang panahon. Muling isinilang ang pitong tagapagtanggol ni Suzaku, Mahihirang muli ang...