Agad nilang dinala ang sugatang dalaga sa loob ng templo, nilunasan ni Tatsunori ang malalim na sugat nito,,
"Anong nangyayari Tatsu?, bakit hindi parin siya gumigising?",
napayuko naman ang binata bakas sa kanyang mukha ang kabiguan na mailigtas ang buhay ng dalaga.
"Tatsu sumagot ka!!!" -Hiroshi, ayaw tanggapin ng kalooban niya ang nakikita, wala na ang malalim na sugat nito sa dibdib ngunit hindi na ito humihinga,,
"Hindi!!", nanginginig ang boses na natakpan ni Aya ang bibig,,
"Asuka!!!!", nilapitan naman ito ng binatang si Yukio at niyugyog ang balikat nito,
"Asuka gumising ka!!!, wag kang magbiro ng ganyan Asuka!!!!",
Malungkot na tumayo ang binatang manggagamot, at maluha luha na tumalikod sa kanila
"Patawad mga kasama ngunit hindi abot ng aking kapangyarihan ang buhayin siya,, tuluyan ng humiwalay ang kanyang espiritu sa kanyang katawang lupa",
"Hindi yan totoo Tatsu!!!!", nakakuyom ang palad na hiyaw ni Hiroshi, hindi na napigil ng binata ang pagtangis hindi siya naniniwala na wala na ito,,
"Asuka,," mahinang saad ni Kaoru, naikuyom niya ang palad saka tumalikod, hindi niya kayang makita sa ganitong sitwasyon ang dalaga na walang buhay,ngunit hindi narin niya maramdaman ang presensya nito ..
"Asuka!!!!", patuloy sa pagluha ang binata habang akap akap ang katawan ng dalaga, kahit anong tawag nila sa pangalan nito ay hindi ito tumutugon,
"Tatsu, paano na ang ating nahirang? namatay siya dahil sa akin", umiiyak ring saad ng batang si Asahiko,,
"Hindi ko rin alam ang isasagot Asahiko, patawad", nakayukong saad nito,,
"Hindi pa huli ang lahat!, wag kayong magtangis diyan!!!"
Sabay sabay silang napalingon sa biglang pagdating ni Taikun,,
"Taikun!!!"
"Matandang Kabute!!,"
"Sabihin mo Taikun ano ang pwede naming gawin upang maibalik si Asuka",-Kaoru
"Marahil ang kanyang espiritu ay papunta na sa ilog patawid sa kabilang buhay, kailangan siyang masundo doon upang mapigilan ang kanyang pagsakay sa bangka ,, dahil oras na makatuntong ang kanyang mga paa dito, hindi na siya kailanman makakabalik",
"Isa lang sa inyo ang makakapunta doon, isa na malapit sa kanyang puso", ani Taikun habang nakatingin kay Yukio,
"Pupunta ako Taikun, sabihin mo kung paano,, gagawin ko ang lahat maibalik lang ang kanyang buhay",
"Isa itong mapanganib na gagawin Yukio, dahil pupunta ka sa mundo ng mga patay na,, kahit anong mangyari ay wag na wag kang gagawa ng anumang ingay upang hindi nila mapansin ang iyong buhay na presensya. Gamitin mo ang mahiwagang kapa ni Houjun upang hindi karin nila makita, Kailangan mong gawin ay hanapin si Asuka at parehas kayong makabalik sa liwanag",
"Mayroon ka lamang sampung minuto upang makatagos sa kanilang mundo, oras na makita mo siya hawakan mo siya ng mahigpit at isuot sa kanyang braso ang pulang tali na ito," sabay abot sa kanya nito
"parehas niyo ring isaklob ang mahiwagang kapa at madali kayong bumalik sa naghihintay na liwanag",
Tumango naman ang binata at marahang inilapag muli ang katawan ng dalaga, naghahanda naman ng orasyon si Houjun para sa gagawin nilang ritwal sa espiritu ni Yukio upang makatagos ito sa portal papasok sa mundo ng mga espiritu.
BINABASA MO ANG
REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARS
FantasyAng aklat ng Apat na tagapangalaga ng Langit at Lupa ay tuluyan ng naglaho. Maraming taon ang lumipas ang tungkol sa Alamat ay muling nabigyan buhay sa kasalukuyang panahon. Muling isinilang ang pitong tagapagtanggol ni Suzaku, Mahihirang muli ang...