"Saan na tayo patungo Houjun?, hindi namin namalayan ang bigla mong pagdating",- Hiroshi
"Pasensya na kung pinag-antay ko kayo, patungo tayo sa templo ng mga Monghe kung saan ako nag-aral noon",
"Matatagpuan na ba natin dun ang iyong Shakujo?", -Aya
"Sa tingin ko oo, matutulungan tayo ng aking guro",
Ilang sandali pa ay narating na nila ang tahanan ng kanyang guro, malapit sa malaking templo. Isang matandang kalbo ang sumalubong sa kanila na may nakakwintas na malalaking prayer beads sa leeg nito,,
"Houjun,, nagbalik kaa,, ikaw nga ba yan?" agad lumapit ang binata para yumukod dito bilang pag galang,
"Ako nga po guro, kasama ko po ang aking mga kaibigan sa paghahanap sa banal na Shakujo, kasama ko rin po ang kumatawan kay Suzaku", nagawi naman ang tingin ng matanda kay Aya,
"Hindi po ako,, siya po" sabay turo nito sa katabi na abala ang tingin sa paligid
"Kinagagalak kitang makita nahirang na Suzaku, naway matulungan niyo ang aming bayan sa malaking unos na nangyayari dito",
"Kinagagalak ko rin po kayong makilala", sagot naman ng dalaga sabay yuko, medyo nahiya siya na hindi niya agad ito nabigyan ng pansin,
"Alam kong darating ang araw na babalik ka Houjun, halikayo pumasok sa loob", anito at naunang pumasok sa loob ng bahay, tahimik na sinundan naman nila ito,,
"Kaya pala amoy ensenso lagi si Houjun, kaamoy ng bahay na ito", saad naman ni Hiroshi, agad naman nilakihan ng mata ito ng dalaga,
Pagpasok sa loob ay pinaunlakan sila nitong maupo sa malawak na lamesa kung saan nakahanda ang tasa na may lamang tsaa.
"Alam niyo ba guro kung nasan ang hinahanap namin?"
"Ou naman Houjun, maraming taon ang lumipas walang sino mang Monghe ang nakakahawak sa banal na Shakujo ni Suzaku, marahil hinihintay lamang nito ang pagdating ng tunay na nagmamay-ari sa kanya", anito, sabay higop ng kanyang tsaa,,
"Maaari po ba naming malaman kung nasan ito?" tanong naman ng dalagang nahirang, tumango naman ito
"Ayos Houjun, mukang ikaw lang ang hinihintay ng tungkod mo", -Hiroshi,
"Ano mang oras ay magagawa ng karapat dapat na mahawakan ang banal na Shakujo, ngunit Houjun ang mga demonyo ay patuloy na namiminsala dito sa ating bayan, marami sa aking mga kasama ang nagbuwis ng buhay. Ngunit ang demonyo na ito ay sadyang makapangyarihan",
Nagtangis ang panga ng binata sa narinig, muli kumirot ang hinagpis sa kanyang puso ng maalala ang sinapit ng kanyang pamilya,,
"Hanggang ngayon ay hindi parin nila nilulubayan ang bayang ito",
"Kailangan namin ang tulong mo gamit ang banal na Shakujo ni Suzaku,, iyon na lamang ang nakikita kong tanging paraan",
"Gagawin ko lahat ng aking makakaya Guro, patawad kung kayo'y aking tinalikuran noon", nakayukong saad ng binata
"Naiindihan kita anak,, hindi biro ang iyong dinanas,, ako'y nagpapasalamat na muli kang nagbalik",
"Maaari na po ba nating puntahan kung nasaan naroon ang banal na Shakujo?",
Tumango naman ito, sinundan naman nila kung saan patungo ang matanda. Papasok sila sa loob ng tahimik na templo, sa bandang likuran nito ay naroon ang isang hagdan paibaba.
"Nang nabubuhay pa ang iyong guro na si Kaiden, ipinasya naming ilagay sa ligtas na lugar ang banal na Shakujo ni Suzaku dahil maraming masasamang loob ang nagtatangka na makuha ito,, ng pumanaw siya sa mundong ito ako na lamang ang nakakaalam ng lihim na kublian nito", saad nito habang maingat na nababa sa hagdan, may bitbit itong sulo upang magkaliwanag ang kanilang dinaraanan,
BINABASA MO ANG
REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARS
FantasyAng aklat ng Apat na tagapangalaga ng Langit at Lupa ay tuluyan ng naglaho. Maraming taon ang lumipas ang tungkol sa Alamat ay muling nabigyan buhay sa kasalukuyang panahon. Muling isinilang ang pitong tagapagtanggol ni Suzaku, Mahihirang muli ang...