Part 24. Ang Pag-ibig ni Kaoru

29 0 0
                                    


"Hay, kailan kaya babalik si Asuka?, ilang araw na siyang hindi pa pumapasok", naboboring na saad ng dalagang si Aya habang nakapangalumbaba sa labas ng bintana,,

"Nakakaawa naman siya, parang nauulit lang ang nangyari noon sakanila,, ahrayyy!" agad ito beneltokan ni Aya

"Bakit kaba namamatok dyan babaeng hurcules?" 

"Hindi yun mangyayari sakanila, naniniwala parin ako sa wagas nilang pagmamahalan dahil yun ang nagpapalingas sa kapangyarihan ni Suzaku, naniniwala din akong magbabalik si Yukio para kay Asuka", 

"Bakit hindi nalang natin puntahan sakanila si Asuka, masyado ng mahaba ang pagpapahinga niya" saad muli ni Hiroshi,, 

"Wag muna natin siyang pilitin, kailangan magpahinga ng espiritual na lakas niya upang magpatuloy sa kanyang tungkulin,," singit naman ni Houjun na biglang sumulpot sa harapan nila

"At saan ka naman galing bigla bigla kana lang sumusulpot dyan?"

Nangingiti na napakamot ulo naman ito

"Kakarating lang namin ni Kaoru, binisita niya ang nahirang na Suzaku"

"Hah? hindi niyo man lang tayo sinabihan??"

"Minsan may pagkamasarili din talaga ang lalaking yun pagdating kay Asuka" saad naman ni Aya

"Wag mo sabihing nagseselos ka? ahray!!!" isang malakas na hampas naman ang natamo nito

"Hindi kaba talaga titigil? matagal ko ng tanggap na kahit kailan walang papalit na ibang babae sa puso ng dating Emperador,, wagas ang kanyang pag-ibig para sa nahirang" 

"Ehh?? nakakalungkot naman,, tingin ko mababasted lang siya kay Asuka dahil kahit hindi mag-aminan ang dalawang baliw nayon, halata sa mga titig at kilos nila" 

"Ikaw ang baliw dyan, maiba tayo kamusta na si Asuka Houjun?" 

"Nadadatnan namin siya na laging tulog, naghahatid lamang ng mga bulaklak si Kaoru at umaalis din siya agad" 

"Ehh? ang torpe naman pala ng dating Emperador," 

"Sinong Torpe?" 

Nagulat silang lahat sa biglang pagsulpot ng binata sa likod nila, kamot ulo naman ang binata, at sila'y napatawa lang,, 

"Ah, he-he-he, itong si Hiroshi!" 

"Ugh? bakit ako?" 

"OMoo kana lang ungas!" 

"Onga ako nga Hahaha" 

"Kamusta na siya?" tanong naman ni Aya, umiling lang ito at lumakad na paalis sa kanila,,,

"Hays, ang lungkot naman ng ganito..."


***

"Asuka,,, Asuka,,," 

Naidilat niya ang kanyang mga mata, laking tuwa niya ng makita ang maamong mukha ng binata, agad siyang napabangon at yumakap dito

"Yukio,, salamat at nagbalik ka" 

"Makinig kang mabuti sa sasabihin ko Asuka,, kailangan mo ng mahanap ang dalawa pa sa tagapagtanggol dahil ang isa sa kanila ay nanganganib na hindi maisilang sa mundong ito, kailangan niya ang tulong niyo" 

"P-Pero paano ka Yukio? babalik kana ba samin?" 

Napailing naman ito at yumuko, 

"Yukio"

"Babalik ako Asuka,, pipilitin kong bumalik para sayo,,, basta't ipangako mo na magiging matatag at matapang ka kahit wala ako sa tabi mo,,," muli nag-init ang mga mata niya sa sinabi nito

REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon