Naidilat niya ang kanyang mga mata ng isang nakakabinging tinig ang tumatawag sa kanya, hinihingal na napabangon siya, hinanap agad ng mga mata niya ang binata.
"Yukio?? Yukio!!!"
Bigla siyang binundol ng kaba, natatakot siya na baka tuluyan na siyang iwan ng binata, kahit nanghihina ay pinilit niyang tumayo at lumabas ng kanyang silid.
"Yukio!!,, yukio!!!"
"Miss, Juri pumasok po sa school si Yukio, ibinilin niya pong magpahinga lang daw po muna kayo at babalik din siya agad"- salubong na saad sakanya ng isa sa mga dama, sinamaan niya lang ito ng tingin, napayuko naman ito
"Ihanda mo ang damit ko, papasok ako"
"Pero Miss Juri, inihabilin ng Doctor na kailangan niyong magpahinga"
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" - asik niya dito, muli lang itong napayuko
"Juri!"
Napalingon siya sa paparating niyang kapatid palapit sa kanila.
"Pupuntahan ko si Yukio"
Mariin niyang saad dito habang nakakuyom ang mga palad, alam niyang pipigilan lang siya nito pumasok, masama din ang loob niya sa kapatid dahil ang nais nito ay paglayuin sila ni Yukio, pero hindi siya papayag, ayaw niyang malayo kahit saglit sa binata. Hanggang sa pumatak nalang ang kanyang mga luha, bumibigat na naman ang kanyang pakiramdam.
"Hayaan mong makapag aral ng maayos si Yukio, nagsabi siyang babalik siya agad kaya wag ng matigas ang ulo mo, magpahinga kana sa iyong silid"
"Ayoko!,," -tangis niya, narinig niya ang pagbuntong hininga nito kaya agad siyang tumakbo papasok sa kanyang silid, sinundan naman din siya nito.
"Juri"
"Hirap na hirap na ako Kuya, kailan ba ako lulubayan ng sakit na toh? gusto ko naman maging masaya, yung maging normal ang buhay ko. Hindi yung buong buhay ko nandito lang ako lagi sa apat na sulok ng silid na ito. Si Yukio lang ang nagpapalakas ng loob ko, nagpapasaya sa kin , huwag mo naman siya sakin ilayo,,
saka mo na siya hayaang lumayo pag tuluyang wala na ako"
"Alam mong hindi magtatagal sa tabi mo si Yukio, darating ang araw iiwan kadin niya"- anito na lalong nagpabigat ng kalooban niya
"Hindi yan totoo, hindi niya ako iiwan. Nangako sakin si Yukio na mananatili lang siya saking tabi" tatakbo sana siya palabas ng kwarto ng pigilan siya nito at akapin
"Ayoko lang masaktan ka bandang huli, maraming bagay kang hindi nauunawaan sa tunay na pagkatao ni Yukio, kaya nakikiusap ako sayo. Palayain mo na siya,,at alisin sa buhay mo"
Lalo siyang napahagulhol sa sinabi nito, hindi niya kaya, Mahal niya si Yukio hindi niya kakayaning mawala ito sa buhay niya, mas nanaisin niya nalamang siguro ang mawala kesa hindi ito makasama.
Mula ng magka isip siya, si Yukio na ang nariyan para sa kanya, lagi itong nariyan para iligtas siya sa kapahamakan at sa mga taong nagtatangka ng masama sa kanya. Malaking parte na ng buhay niya ang binata at hindi niya matatanggap kung isang araw ay bigla itong mawawala sa kanya, hindi niya kakayanin.
***
Napangiti siya ng makita ang papalapit na binata sa kanya, nginitian naman siya nito at ginawaran ng halik sa noo
"Kamusta ang pakiramdam mo? naging mabait kaba sakanila?"- tanong nito, tumango naman siya
"Juri may kailangan pala akong sabihin sayo"
BINABASA MO ANG
REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARS
FantasíaAng aklat ng Apat na tagapangalaga ng Langit at Lupa ay tuluyan ng naglaho. Maraming taon ang lumipas ang tungkol sa Alamat ay muling nabigyan buhay sa kasalukuyang panahon. Muling isinilang ang pitong tagapagtanggol ni Suzaku, Mahihirang muli ang...