Part 37. Bakal na Pamaypay ni Genru

34 1 0
                                    

"Sigurado kabang okay kana Asuka?, handa kana ulit maglakbay?" - nakalapit ang mukha ni Hiroshi na saad sakanya, tinulak niya naman gamit ang kanyang hintuturo ang noo nito, 

"Ou nga, hindi mo kailangang ilapit ng husto ang mukha mo", 

"Sinisigurado ko lang na ikaw na talaga yan, at hindi isang masamang elemento,,", 

"Ahh ganon ahh!!!" aniya sabay batok dito,,

"Ahrayy!!!" 

"HIndi kana nagbago Hiroshi, gusto mo talaga yung lagi kang nasasaktan"- Houjun

"Ewan ko ba sa isa na yan, kakabalik lang ni Asuka nang-aasar na naman siya"- Aya, 

"Bakit ba pinagtutulungan niyo na naman ako, si Tatsu nalang talaga ang kakampi ko dito", 

"Wala akong kinalaman diyan", mahinahong sagot naman ng binata, 

"Kahit si Tatsu ay ayaw rin makisali sa kalokohan mo", nangingisi namang saad ni Kaoru,,

"Pati ba naman ikaw Kaoru?,"

"Hayaan mo na Hiroshi, nandito pa naman ako", sabay tapik sa balikat niya ni Yukio, 

"Talaga ba Yukio?, kahit iyakin ka? hahaha", napasimangot naman ang binata sa kanya

"Nagbago na isip ko", 

"Biro lang Yuki, ha-ha-ha,, ang tunay na lalaki umiiyak", 

"Malala na siya", - Houjun,, 

Nagkatawanan lang sila sa itsurang nagtatampo ni Hiroshi, masaya siya na nakabalik siya sa kanyang mga kasama, ilang kagamitan nalang ang kailangan nilang makuha upang tuluyan na nilang matawag si Suzaku, at higit sa lahat ang matalo nila ng sama sama ang Reyna ng kadiliman. 

***

"Ahhhhh!!!!" ,,,

*toggshhh*

"Ahraay!!!, naman ang bigat!!!!",,, napaimpit ang binata ng masubsob siya padapa sa lupa at may kung anong bagay ang nakadagan sa kanya,, nagpipiglas siya ng makita ang dalawang dalaga na napaupo sa likod niya,, 

"Ahehe, pasensya kana Hiroshi,, nakakabigla ang pag higop satin ng mapa eh"- Aya, inalalayan naman sila makatayo ni Yukio,, 

"Ayos lang ba kayo?" 

"Ou okay lang, salamat at nariyan si Hiroshi,,"

"Ako Yuki dimo tatanungin kung okay lang?, nabale ata ang balakang ko sa dalawang mabibigat na toh", anito habang tinutulungan itayo ng binata,, 

"Nagbalik tayo sa bundok kalatong", maya-maya'y saad ni Houjun,, 

"Anong sabi mo???",,, 

"Marahil nandito sa parte ng bundok nakakubli ang bakal na pamaypay ni Genru",- wika naman ni Tatsunori,,, bigla naman ang pagseryoso ng mukha ng binata

"Kailangan ko magmadali dahil nais din mapasakamay ni Hideo ang bakal na pamaypay na iyon", aniya ng maalala ang kasamahan niyang umagaw sa kanyang pamumuno,,muli nag-init ang kanyang pakiramdam  sa mga ito

"Ang mga taksil na yun", 

"Okay lang yan Hiroshi, wag kang mag-alala at gagawin natin ang lahat upang tayo ang makakuha sa sagradong pamaypay ni Genru", nakangiting saad naman sa kanya ng dalagang nahirang, natango tango naman si Aya sa kanya

"Hindi tayo babalik ng templo hanggat hindi natin iyon nakukuha,", 

"Maraming Salamat, pero ipapaalala ko lang sa inyo na hindi basta basta ang aking mga kasama kalabanin, marami silang mga patibong na hindi mo aasahan", 

REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon