Hindi parin maalis sa isip niya ang binata, nahihirapan siyang tanggapin ang naging pasya nito, hindi na niya mabubuo pa ang pitong bituin ni Suzaku, dahil tinalikuran na sila ni Yukio,
Labis siyang nasasaktan, ngunit ayaw niyang ipahalata sa mga kasama na napanghihinaan siya ng loob. Hindi niya narin alam kung dapat pa nga ba siyang magpatuloy.
Kasalukuyan siyang nasa taas ng rooftop at nagpapahangin, pinili niyang mapag-isa upang makapag isip ng maayos, gusto niya munang umuwi sakanila para makapagpahinga, nitong mga nagdaang araw ay pakiramdam niya naubos ang lakas niya dahil sa kalungkutan, bigla din siyang nasabik na makita ang mama niya, kumirot ulit ang dibdib niya ng maalala ito kaya muli nagbagsakan ang luha niya.
"Miss na kita Mama, Kuya"
Agad siyang nagpunas ng luha ng may maramdaman siyang papalapit sa gawi niya.
"Juri??"
"Kamusta ka naman Asuka?"
Malayong malayo na ang itsura nito sa dating dalaga na mahina at maamo ang mukha, pakiramdam niya may kung anong pwersa ang bumabalot dito.
"Alam kong ikaw ang nahirang nilang Suzaku, pero malas mo dahil hindi mo na makukumpleto ang pitong tagapagtanggol dahil tuluyan na kayong tinalikuran ni Yukio at ako ang pinili niya, kaysa sayo"
muli siyang nasaktan sa sinabi nito kaya napayuko siya"Naintindihan ko ang sinasabi mo Juri, nirerespeto din namin ang pasya ni Yukio"
"Meron lang akong gustong bawiin sayo" anito, sabay hablot sa leeg niya ng kwintas na bigay sa kanya ng binata
"Ah Juri???"
"Hindi sayo nararapat ang kwintas na ito,"
"Ibalik mo sakin yan Juri, bigay sakin yan ni Yukio" aniya dito
" ito ay pagmamay ari ni Yukio, at nararapat lang na sakin ito mapunta dahil ako ang pinili niya"
"Ibalik mo sakin yan Juri!!" aniya, at pilit na inagaw dito ang kwintas, nakuha niya naman pero naputol ito at tumalsik ang batong pendant nito, agad niya itong pinulot ngunit inapakan nito ang palad niya kaya napadaing siya sa sakit
"Ahray! ano bang ginagawa mo nasasaktan ako!" bigla naman hinila nito ang buhok niya paitaas kaya lalo siyang napadaing sa sakit
"Ikaw ang dahilan ng pagdurusa ko, nadugtungan nga ang buhay ko pero hindi ako ang mahal ng lalaking mahal ko"
"Ah,, Juri!!! bitiwan mo ko!!!"
"Galit ako sayo Asuka,, galit ako sayo!!! inagaw mo siya sakin!!!!!"
"Ahhh, ano baaa!!! bitiwan mo ko!!!!"
sa sobrang sakit ng pagkakahila nito sa buhok niya ay wala siyang pagpipilian kundi ang saktan ito, agad niya itong nasikmuraan kaya napaduwal ito at napaatras,
Sa galit nito ay sinugod siyang muli"Layuan mo ko!!!!"
Napatalsik ito ng may pulang liwanag ang bumalot sa kanya at hindi siya nito nagawang saktan,
"Juri!!! Juri!!!"
Bigla naman ang dating ng binatang si Yukio na agad sumaklolo sa nanghihina na dalaga,
"Yukio, nais akong saktan ni Asuka" - umiiyak na yumakap ito sa binata,
"Juri, ayos ka lang ba?"
"Masakit, masakit ang katawan ko,, balak niya akong patayin Yukio"
"Bakit mo siya sinaktan Asuka?"
"Hi-hindi ko sinasadya" mahinang saad niya, namumuo nadin ang luha sa kanyang mga mata,, ngunit isang malakas na pwersa ang biglang umatake sa kanya, isang kulay pulang liwanag, na sa tingin niya ay galing sa binata, malakas na tumalsik siya sa pader
BINABASA MO ANG
REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARS
ФэнтезиAng aklat ng Apat na tagapangalaga ng Langit at Lupa ay tuluyan ng naglaho. Maraming taon ang lumipas ang tungkol sa Alamat ay muling nabigyan buhay sa kasalukuyang panahon. Muling isinilang ang pitong tagapagtanggol ni Suzaku, Mahihirang muli ang...