Part 11. Hiroaki

36 0 0
                                    

Napaangat ang ulo niya ng bigla bumukas ang pinto ng silid dalagang si Juri. Mahimbing padin ang tulog nito at hindi parin nito binibitawan ang kanyang kamay. Pumasok sa loob ang nakakatandang kapatid nito na si Hiroaki. Marahil ay alam na nito ang katauhan niya.

"Hindi ko akalain na sa kabila nito ay hindi mo parin iiwan ang kapatid ko Yukio"

"Hindi ko siya pwedeng iwan sa kanyang malubhang kalagayan"

"Hanggang kailan mo kayang talikuran ang iyong nahirang na Suzaku para saking kapatid?" - mahinahon pero seryosong tanong nito sa kanya.

"Hindi ko alam"

Lalo lang naguluhan ang kanyang nararamdaman sa pagitan ni Juri at Azuka. Kay tagal niyang inantay ang sandaling ito na muling matagpuan at makilala ang dalaga. Pero hindi niya naman kayang iwan si Juri na labis na nangangailangan sa kanya,

"Hindi kita itunuring na kalaban Yukio, kahit alam kong isa ka sa tagapagtanggol ng Suzaku. Pero ito ang pakatatandaan mo, ayokong makita na masasaktan o mapapahamak ang kapatid ko kaya hanggat maaga pa magdesisyon kana mamili ka kung sino ang kaya mong protektahan "

Hindi siya muling nakasagot sa tinuran nito, alam ng puso't isipan niya kung sino ang babaeng gusto niyang protektahan higit pa sa kanyang buhay pero hindi niya rin magawang iwan si Juri. Parang nakababatang kapatid na ang turing niya dito, halos sabay silang lumaki madalas din niyang nakukwento dito ang tungkol sa babaeng pinapangarap niyang makasama balang araw.

"Azuka, patawad"

***

Hanggang sa magkamalay siya ay hindi maalis sa isip niya ang hindi pagsama sakanila ni Yukio, napapikit siya. Mas pinili nitong magpaiwan, bigla niyang naalala ang dalagang si Juri, nagpaiwan ito dahil sa kanya. Labis na kirot sa dibdib ang kanyang naramdaman,

"Hay, hindi niya na naman ginalaw ang pagkaen niya" - malungkot ang tinig na saad naman ni Aya,

"Kagagawan toh ni Yukio, ano ba talagang problema niya bakit ayaw niyang makiisa satin??, ginagawa na lahat ng paraan ni Azuka para sakanya tapos ganun ganun lang???" - gigil namang saad pa nito

"Huminahon ka Aya, hindi pa natin alam ang tunay na dahilan ni Yukio, malabo na tatalikuran niya tayo dahil siya ang isa sa tagapagtanggol ng Suzaku" - Houjun

"Kahit ano pang dahilan yun hindi niya dapat sinasaktan ang kalooban ni Azuka, susuntukin ko talaga siya pag nagkita kami" -

Napalapit naman sa tabi niya ang binatang si Kaoru at marahang sinipat ang kanyang noo.

"Wala kanang lagnat, may dinaramdam kapa ba Azuka?"

Napailing naman siya, kasabay ng isang buntong hininga.

"Patawarin niyo ako Kaoru, kung nagpadalos dalos ako ng pasya,, maging kayo ay muntik ng mapahamak dahil sakin" - nakayukong saad niya

"Wag mong alalahanin ang bagay na iyon Azuka, kailangan mong magpalakas. Mas marami pang pagsubok ang nakaabang sating lahat. Malalagpasan natin ito kung magtutulong tulong tayo"

"Wag mo din masyadong alalahanin si Yukio, marahil may matindi siyang dahilan kung bakit hindi siya satin sumama. Pero nasisigurado ko, na hinding hindi niya magagawa na talikuran tayo" dagdag pang saad nito.

"Yukio..."

***

Muli bumalik sa normal na buhay ang araw niya pagpasok sa University. Parang normal lang ang lahat, mga maiingay niyang kaklase na nagdadaldalan habang ang iba naman ay nagkakantahan.

REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon