"Magaling at napagtagumpayan niyo ang hindi birong pakikipaglaban sa halimaw na ibon, hindi lang lakas ang inyong pinakita kundi ang pagtutulungan bilang isang grupo na kakailanganin niyo sa mga darating pang pagsubok at panganib", saad sakanila ni Taikun ng salubungin sila nito pagkalabas nila sa loob ng mapa,,
Nangingiti naman ang dalaga habang pinagmamasdan ang kumikinang na polseras sa kanyang dalawang kamay,,
"Ang ganda, pang galante,, saktong sakto ito sa darating na Party" masayang saad nito
"Party?, bakit may party?" -Asuka
"Hindi mo ba alam? Anniversary na next week ng Phoenix University kaya may gaganaping malaking event isasabay narin ang pag welcome sa mga fresh student" nakangiting sagot naman nito, napakamot ulo naman siya hindi naman siya mahilig sa ganung event eh,
"Ahh ganun ba hehehe,"
"Hayy, makakapagpahinga narin sa wakas" - saad naman ni Hiroshi,
"Mabuti pa nga, ganun narin ang gagawin ko" Houjun,
Isa isa na silang nagpaalam para magpahinga, nagtuloy narin siya sa kanyang silid, hindi lang pahinga ang kanyang kailangan kundi kailangan niya rin mag-aral. May isang araw pa siya para magreview sa nalalapit niyang exam. Katatapos niya lang mag shower at magpalit ng damit ng may kumatok sa silid niya, napamaang siya ng makita ang binatang si Yukio mukhang katatapos lang din nitong maligo,,
"Yukio?"
"Pwede ba pumasok?"
"Ah, hehehe, ou naman tuloy ka" aniya at nilakihan ang pagbukas ng pinto, kinabahan kase siya eh at natulala siya sa mukha nito,,
"Magpapahinga kana ba Asuka? baka kase makadistorbo ako sayo"
"uhm hindi pa, balak ko pa mag review" aniya habang inaayos ang upuan sa study table niya,
"Sakto lang pala ang dating ko, matuturuan kita sa pag rereview mo" nakangiting saad nito bago naupo sa upuan
"Ehh? hindi ka paba pagod Yukio?"
"Hindi ako mapapagod pagdating sayo Asuka, gusto kong maipasa mo ang Exam mo para sabay tayong aattend ng Event" nakangiting saad nito,
"Eh? hindi naman ako mahilig sa ganung Party eh,,,"
"Pero gusto kitang makasama sa Party na yun" muling saad nito at hinawakan ang kanyang kanang kamay,, ngumiti naman siya dito sabay tango
"Sige sasama nako"
"Okay simulan natin, The prime function of accounting is to classify and record business transaction,,,"
Napangiti ang dalaga habang pinagmamasdan magsalita ang binata, sobrang saya ng pakiramdam niya na nandito ito sa kanyang tabi, unti unti na nilang nahahanap ang mga kagamitan bilang tagapagtanggol ni Suzaku, kakaharapin pa nila ang kadiliman,natatakot siya sa mga posibleng mangyari, pero naniniwala siyang malalagpasan nila ito ng sama sama, iniisip niya rin kung ano ang mangyayari sa kanila ng binata pagkatapos ng lahat lahat.
"Asuka?? ano iniisip mo?" untag nito sa kanya, napasulyap naman siya dito
"Ah, e hehe,, wala naman"
"Sige na sabihin mo na, handa naman akong makinig sa sasabihin mo" saad nito, natitigan niya naman ang gwapong mukha nito,
"Naisip ko lang kung ano ang mga posibleng mangyari pagkatapos ng lahat ng to, sana nariyan kapa rin sa tabi ko", ngumiti naman ito at hinawakan ang dalawa niyang kamay para hagkan,,
"Hindi ako mawawala sa tabi mo, alam ko magtatagumpay tayo labanan ang lahat at pagkatapos nun sabay tayong gagraduate sa University,, marami pa kong gustong gawin na kasama ka,, malibot ang mundo, magkapamilya at tumandang kasama ka Asuka,"
BINABASA MO ANG
REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARS
FantasyAng aklat ng Apat na tagapangalaga ng Langit at Lupa ay tuluyan ng naglaho. Maraming taon ang lumipas ang tungkol sa Alamat ay muling nabigyan buhay sa kasalukuyang panahon. Muling isinilang ang pitong tagapagtanggol ni Suzaku, Mahihirang muli ang...