Part. 5 Ang Misteryosong Matanda sa Aklatan

77 1 0
                                    

Isang sunog na gusali ang nadatnan nila ni Aya ng puntahan nila ang dating Aklatan. Dito niya noon na kilala ang Matanda, natatandaan niyang binanggit nito ang tungkol sa Mahiwagang Aklat ng Langit at Lupa. Hindi niya lang nabigyan pansin noon ang sinabi nito dahil akala niya ay kathang isip lang ito ng matanda

"Anong nangyari dito? halos lahat nasunog"

"Dito ko madalas makita ang Matanda ng lalaki, hindi ko akalain na totoo ang mga sinasabi niya. Minsan niya rin akong binalaan tungkol sa kadiliman"

"Maigi pang bumalik na tayo baka marahil may iba pang paraan na maiisip si tandang Taikun" - napatango na lang siya sa sinabi ni Aya, sabay silang naglalakad pabalik ng University ng di kalayuan sa kabilang kalsada ay naroon ang isang pamilyar na pigura.

Nagmamadaling lakad ang ginawa niya upang matanaw ito.

"Aya, ayun siya yung matanda"
sabay turo niya dito at patakbong tumawid, hindi niya napansin ang paparating na malaking truck ng basura

"Asuka!!!!"

Peeeepp Peeeep

Isang malakas na busina ang nagpatigil sa pagtakbo niya, huli na ng makita niya ang rumaragasang truck papunta sakanya.

"Ahhhh!!!!"

mariing napapikit siya pero isang bisig ang humila sakanya at mabilis siyang naialis sa kanyang pwesto palayo sa kapahamakan. Marahan siyang inilapag nito, pagtingala niya ay isang mukha ng lalaki.

"Muntikan kana, sa susunod mag ingat kana Miss," saad nito bago tuluyang umalis, naiwan siyang laglag ang panga, hindi niya masyado nakita ang mukha nito

"S-sandali!" habol niya pero mabilis na nawala na ito, nanghihinang napaupo siya, sinalubong naman siya ng humahangos na si Aya

"Asuka??, Asuka okay ka lang??"

"uhm, okay lang ako. Salamat sakanya" - habol tingin niyang saad sa daang tinahak ng lalaki, 

"Hays, pinakaba mo ko. Bat kaba nagmamadaling tumawid??"

"Yung matanda, andun siya kanina" - sabay turo niya, pero wala na dun ang matanda

"Mabuti naman at ligtas ka, kundi makakalbo ako ni Kaoru"

"Pasensya na Aya,"

"Wag mo ng uulitin yun Asuka, kailangan mong magdoble o triple pang ingat"- tumango naman siya sa tinuran nito. Akala niya din kanina ay katapusan na niya, pero salamat narin sa lalaking dumating kanina para iligtas siya. Hindi nga lang siya nakapag pasalamat dito, parang bula na kaseng nawala ito, ngunit pakiramdam niya ay may kakaiba dito,, 

Pinasya na nilang bumalik sa University pero bigla niyang naalala na kailangan niyang kumuha ng ilang gamit kaya pinauna na niyang bumalik si Aya. Nagdalawang isip pa ito kung hahayaan pa siyang mag isa pero nahiya naman siyang isama pa ito ayaw niyang makaabala pa dito. Kahit pa iginigiit nito na obligasyon daw nitong protektahan siya.

Hindi na ito namilit ng iginiit niyang kaya na niya mag isa. Gusto niya rin kase makapagpahinga muna sa kwarto niya. Halos hindi pa siya makapaniwala sa mga nangyayari. Sa isang iglap bigla magbabago ang kapalaran niya.

Iisipin niya palang ang pag aaral niya ng apat na taon sa University ay malaking obligasyon na, paano pa ang pagiging nahirang na suzaku?

Hindi niya namalayang nasa tapat na siya ng gate nila. Bigla niya tuloy namiss ang luto ng kanyang ina at mapang asar na Kuya.

"Andito na ko, Mama,, Kuya!!!"

nagmamadaling hinubad niya ang suot na sapatos at dumiretso sa sala. Isang pigura ng lalaki ang nakita niya sa sala na matamang nakaupo sa sofa kaharap ng kuya niya. Nakita niya pa ang mapanuring tingin ng kuya niya sa kaharap nito.

REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon