Sa tulong ng matandang nagbabantay sa bundok mabilis silang nakarating pabalik sa bukana ng bundok kalatong, paglabas nila mula sa malalaking apat na bato ay nakita niya ang paparating na si Kaoru at Aya, sa sobrang galak ay nagtatakbo siyang yumakap sa dalaga,,,
"Aya"
"Asuka!!!, Salamat at ligtas ka, pinag-alala mo kami ni Kaoru"
Napasulyap naman siya sa binata na nakatingin lang sa kanya,
"Kaoru", agad din siyang niyakap nito ng mahigpit,
"Pinag-alala mo ko ng husto Asuka,,, "
"Patawad" tanging saad niya,,,
"Alam mo bang nagkanda ligaw ligaw pa kami ng paglalakbay Asuka, dalawang bundok ata ang napuntahan namin kakahanap sayo,,,, eh? May bago tayong kasama?" anito ng mapansin ang papalapit nilang mga kasama, nakangiti naman na pinakilala niya ang binata
"Siya si Hiroshi, ang pinuno ng mga gahaman este Tulisan hehehe, at siya rin ang isa sa tagapagtanggol ng Suzaku"
"Pero mas kilala ako sa nakaraan kong buhay na si Taisuke Genru"
"Ahhhh,,, Salamat naman at natagpuan kana ni Asuka,, ako si Aya ang dating Noriko"
"Ikaw na ang Noriko??? Babae kana talaga??? Ahray!" agad naman itong nakeltokan ng dalaga
"Isa nakong ganap na dalaga,,, ho-ho-ho"
Napakamot naman ang ulo ang binata
"Para ka paring lalaki sa lakas mong mambatok"
"Ay malakas ba? Ho-ho mahina pa nga yan eh"
Nangingiting pinagmasdan niya naman ang mga ito,, sa wakas napagtagumpayan nilang makuha ang halamang gamot para kay Juri at natagpuan niya rin ang pang lima sa bituin ni Suzaku, alam niyang hindi pa ito ang wakas ito ay pasimula palang ng kanilang mga pagsubok na kakaharapin,,
"Pano bayan Asuka, dalawa nalang at makukumpleto mo na kaming pito" saad naman sakanya ni Aya, nakangiti na tinanguan niya naman ito,,,
"Kailangan na agad nating makabalik, may nararamdaman akong malakas na kapangyarihan na nag-aantay satin,,," biglang saad naman ni Houjun,,, lahat sila napatingin ng mabitawan ni Hiroaki ang hawak na supot kung saan naroon ang halamang gamot..
"Juri,,,,"
Napagpasyahan ni Houjun na mauuna na silang tatlo ni Hiroaki at Yukio na makabalik, dahil hindi kakayanin ng kanyang kapangyarihan kung lahat sila ay makakatagos sa lagusan. Kaya naman , silang apat ni Kaoru, Aya at Hiroshi ang magkakasama pabalik sakay ang barko na gamit ng mga ito. Unang pumasok sa loob ng mahiwagang sumblero si Houjun, kasunod si Hiroaki at panghuli si Yukio, hindi maalis ang tingin niya sa binata, maging ito sa kanya,,, bago ito tuluyang higupin ng mahika ni Houjun nakita niya pa ang pag ngiti nito hanggang sa tuluyan na itong nawala.
"Yukio,,," bulong ng isip niya,
"Tayo na Asuka," napatango lang siya at sumunod na sa mga ito, Bago tuluyang umalis muli niyang sinulyapan ang mataas ng bundok ng kalatong,,,
BINABASA MO ANG
REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARS
FantasyAng aklat ng Apat na tagapangalaga ng Langit at Lupa ay tuluyan ng naglaho. Maraming taon ang lumipas ang tungkol sa Alamat ay muling nabigyan buhay sa kasalukuyang panahon. Muling isinilang ang pitong tagapagtanggol ni Suzaku, Mahihirang muli ang...