Part 28. Ang Pagbabalik ni Yukio

38 0 0
                                    

"Nagtagumpay kang likumin ang iyong mga tagapagtanggol Nahirang na Suzaku, si Yukio na lamang ang kulang at maaari na ulit kayong maglakbay para sa susunod niyong mga misyon", saad sa kanila ni Taikun,, sila ay nakabalik na ng ligtas sa templo ni Suzaku kasama si Tatsunori at ang sanggol na si Asahiko,,,

"Ngunit paano natin mapapabalik si Yukio? sa tingin ko ay bihag parin siya ng nahirang na Seiryu" - sagot naman ni Aya,,,

"Wag kayong mag-alala, gumagawa na ngayon ng paraan si Yukio upang makabalik"

"Talaga ba Taikun?? sigurado kaba dyan?" agad niyang tanong dito, bigla siyang nagalak sa sinabi nito

"Ganun na nga, lumapit ka sakin sandali Asuka"

"Eh? bakit?" sinunod niya naman ang sinabi nito at lumapit kay Taikun, isang abo naman ang inihagis nito sa buong katawan niya kaya napaubo siya,,

"Ahggh, ugghh,, ano ba yun Taikun"

"Isa iyang banal na basbas upang hindi ka agad madapuan ng masamang mga elemento na gagamitin ng kasamaan laban sa iyo",

Bigla naman ang pag-iyak ng sanggol mula sa kuna nito,,

"Errrggg, umiiyak na naman siya,,," -Aya habang tinatakpan ang magkabilang tenga

"Baka nagugutom na siya, ano ba ipapakain niyo sa batang yan?"

"Gatas! kailangan niya ng gatas"- wika naman ni Houjun

"Ayaw niya ba ng tinapay??"- Hiroshi

Linapitan naman ito ni Tatsunori at marahang kinarga

"Ano kaba Hiroshi hindi niya pa kakayanin kumain niyan!"

"Pasensya na kayo mga kasama,, hindi ko lang kase mapigilan ang hindi mapaiyak eh,,, wahhh ,,, wahhh"

Lahat sila ay nanlaki ang mata na napatingin sa sanggol ng biglang magsalita ito,,

"Wag mong sabihing ang batang yan ang nagsalita???"- sabay turo ni Hiroshi sa sanggol na hawak ni Tatsunori

"Chiriko?? ikaw na nga ba yan?" - Aya

"Nagsasalita ang batang ito???" agad niya naman nilapitan ang bata, at tumingin sa kanya ito

"ganun na nga nahirang na suzaku"

"Ehhh???"

"Marahil ay nagbalik narin ang iilang ala-ala ni Chiriko, pero sa panahong ito ikaw na si Asahiko" - saad naman ni Houjun,,

"Wah,, ang cute mo naman,, ang liit liit mo pa pero nakakapagsalita kana" natutuwang saad niya sa sanggol ngunit bigla naman itong umiyak ulit

"Oy, wag mong inaaway ang bata Asuka,, grabee ka talaga" - Hiroshi

Nagtawanan naman silang lahat ng magkaasaran ang dalawa, masaya na pinagmasdan ng binatang si Kaoru ang nahirang, nagpapasalamat siya at muli ng bumalik ang sigla at lakas nito.


***


"Gumising ka Yukio,,, Yukio!!!!"

Tinig ni Hiroaki ang nagpagising sa kanya, pagdilat niya ay nasa isang madilim na silid siya at parehas na nakatali ang magkabilaan niyang kamay at paa,,

"Hiroaki??,, Ikaw ba yan?? Nasaan ka??"

Hanap niya dito, huli niyang natatandaan ay aalis na siya para bumalik sa kanyang mga kasama pero pinigilan siya ni Juri, nang hagkan siya nito ay dun na nawala ang ala-ala niya,,

"Ako nga ito Yukio,,, parehas tayong nasa loob ng katawan ng kapatid kong si Juri,,"

"Katawan ni Juri? Pero papaano?"

REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon