Part. 7 Priestess of Genbu

57 1 0
                                    

Isang malambot na palad na humahaplos sa kanyang pisngi ang nagpagising sa kanya, maamong mukha ni Kaoru ang bumungad sa kanya at marahan siayng  niyakap .

"Asuka,,, Salamat at gising kana,," saad nito na puno ng pag aalala, inalalayan naman siya nitong makabangon

"Kaoru, pano ko napunta dito? si Sara?? nasaan siya??? nailigtas ba siya??" - ngunit napailing lang ito maging si Aya, napayuko naman siya kasabay ng pag patak ng luha niya,, 

"Walang malay kang hinatid dito ng nagngangalang Yukio, ipinagpaumanhin niya dahil hindi niya natulungan ang iyong kaibigan, patawad Asuka pero maging kami ay hindi nakagawa ng paraan para iligtas si Sara"- Kaoru

"Binalikan namin ang kapatid niyang si Kara, pero maging ito ay wala nadin sa kanila. May masamang loob na kumuha sa magkapatid"- paliwanag naman ni Aya, saka niya napansin ang ang sugat sa pisngi ni Kaoru at nakabenda nitong kaliwang kamay.

"Anong nangyari? bakit ka may sugat?"

"Sinundan ko kayo sa gubat, huli na ang pagdating ko dahil naputol na ng isa sa mga taga Seryu ang lubid ng tulay, hindi ko siya nahuli dahil mabilis din siyang nakatakas" 

"Wag ka mag-alala Asuka, matibay ang buto- buto nyan ni Kaoru" patawa tawang saad naman ni Aya sabay hampas pa sa balikat nito

"Salamat at ligtas ka, hindi ko akalain na naroon din sa lugar na yun ang lalaking taga Seryu, marahil siya ang kumuha kay Sara at Kara"

"Hindi ko maisip kung ano ang kailangan nila sa magkapatid,"- Aya

"Wag mo na munang alalahanin ang bagay na yun Asuka, magpalakas ka muna at magpagaling, gagawa tayo ng paraan para mailigtas ang magkapatid, "- Kaoru

"Pero, si Yukio" maya maya'y saad niya, ng maalala ang binata, bigla siya nalungkot ng maalala ang huling pag uusap nila,

"Isa siya sa tagapagtanggol ng Suzaku, taglay niya ang espiritu ni Tamahome, pero ayaw niyang makiisa sa atin" - mariing saad ni Kaoru, nasa tono ng boses nito ang pagkadismaya

"Hindi ako makapaniwala na magagawa niya ito satin, ang talikuran tayo pero wag kang susuko Asuka, marahil ay naguguluhan pa lang sa ngayon si Yukio," sabi naman ni Aya, hindi niya naman sigurado kung mababago niya pa nga ba ang isip nito pero kailangan, dahil alam na niya ngayon na isa ito sa kailangan niyang tipunin. 

Bigla naman ang pagbukas ng pinto at niluwa nun ang matandang si Taikun,, 

"Ehhh???Taikun??" nagtaka muli siya sa itsura nito, huling kita niya dito ay ang batang anyo nito

"Salamat naman at gising kana nahirang na suzaku, marahil sapat na ang tatlong araw mong pahinga" bungad nito sa kanya

"Huh? tatlong araw???" nagtatakang nagpalipat lipat ang tingin niya kay Aya at Kaoru na parehas tumatango 

"TATLONG ARAW AKONG TULOG ?????" 

"OU NGA !!! WAG KA SUMIGAW !!" napapikit naman siya, di padin siya makapaniwala sa sinabi nito, bakit ganon katagal, ganun ba kalubha ang nangyari sakanya? dinaig niya pa matulog ang isang buntis

"Totoo Asuka, heto nga oh dinala ko na dito yung mga libro na pag aaralan mo dahil tatlong araw kang skip sa klase" - nangingisi namang saad ni Aya, bumalik naman agad siya sa pagkakahiga, pakiramdam niya ay sumakit ulit ang ulo niya ng makita ang ilang patong na libro

"Bago ka mag aral ng mga librong iyan, kailangan nating mag usap" seryosong saad naman bigla ni Taikun, kaya napabangon naman ulit siya

"Hah?"

"Tungkol sa dalagang si Sara" 

Nahimik silang lahat sa sinabi nito, natuon naman ang atensyon niya sa susunod na sasabihin ni Taikun, 

REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon