Panay ang hikab niya habang naglalakad sila, bukod sa ilang oras lang ang naitulog niya ay kumakalam nadin ang kanyang sikmura. Isang oras padaw ang lalakarin nila para marating ang kabilang bayan at dun palang sila makakakain.
"Hay tiyak madami akong mabibiling pagkain nito, sobra nadin ang gutom ko" sabay himas pa ni Hiroshi sa tyan niya, habang nilalaro laro naman nito sa daliri ang supot ng ginto,,, pero wala ni isa sa kanila ang kumikibo dito, marahil ang mga kasama niya ay gutom nadin
"Ikaw Asuka, may naiisip kana bang kainin pagdating sa bayan?"
"Bakit manlilibre kaba?" aniya
"Hmm pag-iisipan ko, ha-ha-ha"
"Malapit na tayo sa Hardin ng Kalatong"- narinig niya namang saad ni Houjun,
"Sa bayan ba malapit na tayo? kase nagugutom na talaga ako eh" ani naman ni Hiroshi, habang ang dalawa ay tahimik lang
"Pagkatapos natin makadaan ng ligtas dito sa hardin, ang pababa nito ay ang bayan na"
"OKAY! Tayo na!!"
Nauunang maglakad si Houjun papasok sa sinasabi nitong hardin, kasunod si Hiroaki, Hiroshi at Yukio, panay naman ang tingin niya sa paligid, sobrang ganda sa loob nito, iba't ibang uri ng halaman at bulaklak, mukhang maganda dito kuhaan ng picture kaya lang lobat na ang phone niya. Nahagip pa ng tingin niya ang isang napakagandang bulaklak na muntik pa niyang pitasin.
"Kahit anong mangyari wag na wag kayo pipitas ng bulaklak, upang hindi magalit ang nagbabantay dito" narinig niyang sabi ni Houjun kaya nilampasan niya nalang ang magandang bulaklak.
Isang malagong bunga ng ubas naman ang napansin niya sa bandang kaliwa niya, nagningning ang mga mata niya sa nakita, tiyak na hinog na ito at mukhang matamis. Hindi naman siguro madamot ang nagbabantay ditto kung hihingi siya ng bunga nito,,, at isa pa ay nagugutom na talaga siya,,, mabilis na kumilos siya upang mapitas ang ilang bunga,,,
"At higit sa lahat, wag kayong magpapalinlang sa mga nakikita niyong bunga dahil ito ay may lason"
"Ang tamis naman nito, ang sarap" nangingiting saad niya at sunod sunod niyang sinubo ang ilang bunga, napalingon naman sa kanya ang mga kasama niya
"Hoy! Ano yan? Bakit ka mag isang kumakain dyan?"
"Hah?"
"Asuka??"
"Husme!!! Kasasabi ko lang,, hindi mo pwedeng kainin yan!" tarantang saad sa kanya ni Houjun, pero nakailang subo na siya sa bunga ng ubas, pagkalunok niya ng huli niyang isinubo ay nanlabo ang paningin niya, nabitawan niya rin ang iba niyang hawak na prutas dahil nakaramdam siya ng pakahilo, bago siya tuluyang matumba ay naagapan siya saluhin ni Yukio
"Asuka!!, Asuka anong nararamdaman mo?"
Naririnig niya ito pero hindi niya magawang makapagsalita, bigla sumama ang kanyang pakiramdam, parang siyang lutang na nanghihina,
"Anong nangyari sa kanya?" – Hiroshi
"Ang bunga na kinain niya ay may taglay na lason"- Houjun
"Hindi!,"
"Asuka sumagot ka! Asuka!!!"
Ilang sandali pa napansin nila ang pagmanas ng mukha at buong katawan ng dalaga, wala narin itong malay,,,
"Asuka!!! Houjun anong gagawin natin upang mailigtas siya!!!"
"Kailangan muna nating makaalis dito, dahil may nararamdaman akong panganib na paparating!!!"
Agad binuhat ni Yukio ang walang malay na dalaga, tingin niya ay hindi na maganda ang lagay nito dahil ilang sandali lang ay sobra na ang pamamaga ng mukha at buong katawan nito, labis na ang kanyang pag-aalala, habang tinatahak nila ang daan palabas ng Hardin ay mga alulong ng Asong lobo ang narinig nila at kaluskusan sa paligid. Ilang sandali pa ay humarang na palibot sa kanila ang mga Asong Lobo. Kasabay ng paglabas ng mga ito ang isang lalaki, kasabay ang biglang pagpapalit anyo ng mukha nito bilang Lobo.
BINABASA MO ANG
REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARS
FantasyAng aklat ng Apat na tagapangalaga ng Langit at Lupa ay tuluyan ng naglaho. Maraming taon ang lumipas ang tungkol sa Alamat ay muling nabigyan buhay sa kasalukuyang panahon. Muling isinilang ang pitong tagapagtanggol ni Suzaku, Mahihirang muli ang...