Kinabukasan malakas na buhos ng ulan na may kasamang kulog at kidlat ang sumalubong sa paglalakbay nila, agad sila naghanap ng matutuluyan upang makisilong, isang bakanteng bahay sa gitna ng kagubatan ang nadatnan nila kaya doon sila sandaling tumigil.
"Mukhang matatagalan tumila ang ulan, mahihirapan tayong umakyat ng bundok" - ani Houjun
Tila malalim naman ang iniisip ni Hiroaki, bumalik ang mapait na ala-ala ng binata. Ganitong ganito din ang nangyari noon, naglalakbay silang mag-ama paakyat ng bundok ng bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang kidlat.
Wala silang mahanap na masisilungan kaya nagpatuloy sila sa paglalakad, hanggang sa makarating na sila sa gitnang parte ng taas, bago pa man sila makarating sa kweba na pwede nila masilungan ay isang malakas na kidkat ang tumama sa kanyang ama.
"Amaaaa!!!"
"Ahhhhhhh!!!"
Halos umusok at umapoy ang katawan nito ng matamaan ng malakas na kidlat, kitang kita ng mga mata niya kung pano nawalan ng buhay ang kanyang ama, pabagsak ito na umaapoy pababa sa bangin,,, wala siyang nagawa kundi ang umiyak at sumigaw. Huli na ng masaklolohan sila, isang matigas na bangkay na ang kaniyang ama.
Simula ng kunin ng lugar na ito ang buhay ng kanyang ama ay sinumpa niyang hindi na siya babalik pa dito. Ngunit ngayong kailangan ng lunas ng kanyang kapatid wala na siyang ibang pagpipilian pa kundi ang sumubok ulit at balikan ang masakit na alaala ng nakaraan.
Isang oras ang lumipas nagpasya na silang magpatuloy, ambon na lamang naman ang pagbagsak ng ulan.
"Pagkatapos ng isang bundok, mararating na natin ang bayan,, makakapamili na tayo ng mga kakailanganin nating gamit at pagkain" ani Houjun habang sila ay naglalakad
"Talaga may palengke dito? wow baka may tinda silang burger, fries at ice cream" nagagalak niyang saad, napangiti naman ang binata sa kanya
"Mukang gutom na gutom kana"
"Uhm ilang bundok pa ba aakyatin natin?"
"Tatlong bundok at dalawa pang malalaking ilog"- sagot nito, nanlaki naman ang mata niya saka niya natanaw ang dalawa pang naglalakihan na bundok na halos matakpan ng ulap.
Ilang oras din ang nilalakad nila,,sa sobrang tirik ng araw ay nanunuyot na ang lalamunan niya at wala naring laman ang dala niyang tubigan, pakiramdam niya di magtatagal babagsak na ang tuhod niya sa pagod,, pero agad siyang inalalayan sa braso ng binata
"Asuka?? Okay ka lang?"
"Nauuhaw na ko" aniya, bigla naman hinagis ni Hiroaki ang tubigan nito kay Yukio,
"Magpahinga muna tayo sandali, ilang kilometro nalang naman at nasa bayan na tayo"- Houjun, iniabot naman sakanya ng binata ang tubigan, hindi na siya nag atubili pa at agad yung binuksan para uminom,
"Salamat, pero magpatuloy na tayo Houjun," aniya , tumango naman ito at nagpatuloy na sila sa paglalakad, kahit nakakaramdam na siya ng panlalambot ng tuhod ay hindi niya pinahalata sa mga ito, ayaw niyang siya pa ang maging dahilan para mapatagal ang paglalakbay nila. Kailangan nilang makuha agad ang halamang gamot na iyon dahil naghihintay sakanila si Juri.,,
"Ahh"
Napailing siya ng bigla siyang mapaluhod, hindi na talaga kaya ng mga binti niya,,,
"Kakargahin nalang kita" narinig niyang saad ni Yukio at pumuwesto patalikod sakanya para abahin siya, hindi na siya nakatanggi pa dahil kelangan niya din ng konteng pahinga, pakiramdam niya ay hindi napapagod ang binata, kahit tagaktak na ang pawis nito ay nagawa pa siyang kargahin ng walang kahirap hirap.
BINABASA MO ANG
REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARS
FantasyAng aklat ng Apat na tagapangalaga ng Langit at Lupa ay tuluyan ng naglaho. Maraming taon ang lumipas ang tungkol sa Alamat ay muling nabigyan buhay sa kasalukuyang panahon. Muling isinilang ang pitong tagapagtanggol ni Suzaku, Mahihirang muli ang...