Mahimbing ng natutulog ang kanyang mga kasama, ngunit siya ay hindi parin dinadalaw ng antok. Binubundol na naman siya ng kaba at pagkabalisa, kay bilis namang nakatulog ng mga ito at humahagok pa si Hiroshi. Nais niya mag banyo kaya naisip niyang gisingin si Aya para magpasama,
"Aya,,, wuy Aya,, samahan mo naman ako mag Cr,,, Aya" muling tapik niya dito, pero kahimbing parin ng tulog nito,,,
"AHyaaa" pinisil na niya ang pisngi nito pero ayaw paring magising,, humihinga naman ito,,
"Grabe naman kung matulog",
Pinasya niyang mag-isa lumabas, at naghanap ng palikuran ngunit nahirapan siya dahil sobrang dilim ng paligid,, sa kabilang banda ay may nakita siyang kubo na bukas pa ang ilaw sa loob marahil ay gising pa ang taong nandito kaya naisipan niyang puntahan para pagtanungan.
Pero natigilan siya ng may narinig siyang ilang kaluskos sa paligid,
"Nasisiguro niyo bang tulog na silang lahat?" ani ng boses lalaki
"Ou, mahimbing na silang natutulog lahat, mabilis tumalab ang pampatulog na hinalo sa kanilang kakanin"- saad naman ng isa,,
"Magaling,, ano mang oras ay parating na ang ating panginoon,, tiyak matutuwa siya sa ating mga alay"
Napamaang siya at binundol ng malakas ng kaba,, ang kakaning kinain ng kanyang mga kasama,,,
"Hindi!!"
Hahakbang sana siya paalis ng isang kamay ang tumakip sa kanyang bibig mula sa kanyang likuran,,,
"uhmm!! uhmm!!!" pagpupumiglas niya pero inakap siya nito patago sa dilim na parte ng kubo
"sshhh,, ako lang ito Asuka",, sabay tanggal nito ng kamay sa bibig niya, nakahinga siya ng maluwag ng makilala ang boses nito
"Yukio,, salamat at ikaw lang pala,, pero ang mga kasama natin,, nasa panganib sila" mahinang saad niya, tumango naman ito
"Naramdaman ko ng may mga umaaligid sa paligid, nang lumabas ka agad kitang sinundan,, tayo na"
Hinila na siya nito papunta sa kanilang mga kasama, kailangan nilang magising ang mga ito...
"Ayaaa!!!,,, Ayaaa gising,,"
"Mga kasama gumising kayo, nanganganib ang buhay natin dito!!!" Yukio, habang niyuyugyog si Hiroshi at Houjun,,
"Bakit ayaw nila gumising?" puno ng pagtatakang saad ng binata,,
"Marahil dahil ito sa kanilang kinain na kakanin na may halong pampatulog,,, hindi ito pwede!!!, Kaoru!!!, Ayaaaa, magsigising kayo!!!!"
Ngunit hindi parin nagigising ang kanyang mga kasama, ilang sandali ay isang ingay ang narinig nila mula sa labas at pagyanig ng kanilang kinatatayuan,,,
Saka naman napamulat si Houjun at nagtataka sa nangyayaring pagyanig,,
"anong nangyayari, bakit parang nahihilo ako"-
"Houjun!!!, salamat at gising kana,, nasa panganib tayo!!"- ani ng dalaga
"ano kamo??"
"Hiroshi,, Ayaaa gumising na kayo paki-usap,, Kaoru!!!"
Ngunit hindi parin nagigising ang tatlo,
"Hiroshiiii!!!!"
*pak*
Bigla naman itong napadilat ng mabigyan niya ng isang malakas na sampal
"Ahhhraayyy!!!" kasunod na nagising ay si Tatsunori,
BINABASA MO ANG
REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARS
FantasyAng aklat ng Apat na tagapangalaga ng Langit at Lupa ay tuluyan ng naglaho. Maraming taon ang lumipas ang tungkol sa Alamat ay muling nabigyan buhay sa kasalukuyang panahon. Muling isinilang ang pitong tagapagtanggol ni Suzaku, Mahihirang muli ang...