Part 48. Ang Banal na Aklat ni Suzaku

26 0 0
                                    


"Ahhhrrrgghh", malakas na tumalsik sa malaking pader ang binata, napahawak siya sa kanyang tagiliran na nadaplisan ng matatalim na kuko nito,, 

"Bakit hindi kapa magbago ng iyong wangis, ipakita mo sakin ang iyong anyong halimaw",, 

"Wag kang magmadali halimaw, baka pagsisihan mo",,

"Isa kapa ring hambog Yukio, tatapusin na kita kasama ng mga kasamahan mo,,, hahhh!!!"

Muli siyang inatake pasugod ng halimaw,, mabilis siyang umiilag sa bawak pag atake ng suntok nito, malakas na nahagip ito ang poste ng palasyo dahilan para mawasak ito,tumalon siya ng mataas at nasipa niya ito ng malakas sa mukha, ngunit muli naman  nahagip ng kalmot nito ang kanyang likod, naramdaman niya ang pagpatak ng kanyang dugo, nangingisi naman na dinilaan ng halimaw ang dugo mula sa kuko nito. 

"Lalo akong nasasabik na tapusin ka Yukio, labis akong natatakam sa lasa ng iyong dugo,,",, 

Inihanda niya ang sarili sa anumang sandali na muling pagsalakay nito, kakaiba ang nilalang na ito sa mga nakalaban niya, kaya nitong sabayan ang kanyang pambihirang lakas. 


***

"Sagradoonggg Alabb!!!",,, 

Sabay na bumagsak sa sahig si Aya at Kaoru, agad naman itong nilapitan ni Hiroshi,,

"Okay lang ba kayo??"

"Salamat sa tulong mo Hiroshi",

"Wag muna kayo magpasalamat, ang dami pa nilang nakaabang sa atin",, 

Napatayo sila sa muling pagdagsa ng mga halimaw, 

"Heyaahhh!!!", 

Malakas na hinagis ni Aya ang isang halimaw patungo sa maraming kasamahan nito,, patuloy naman sa pakikipaglaban si Kaoru gamit ang kanyang Espada, bakas na sa mukha ng binata ang hapo at pagod ngunit malakas ang potensyal nito upang sugpuin ang mga kalaban,, 

"Kailangan nating makapasok sa loob ng palasyo, nararamdaman ko ang panganib sa nahirang at kay Yukio", wika namang saad ni Houjun, 

"Mahihirapan tayo sa sobrang dami ng mga nilalang na ito, tila wala silang kaubusan",, 

"Dapaaa!!!"

Halos sabay silang napadapa ng marinig ang sigaw ni Hiroshi, isang naglalaglab na apoy ang inilabas ng pamaypay na bakal nito,, 

"Ang takot sa puso ng bawat nilalang ang nagpapalakas sa mga halimaw na ito, "- Houjun

"Ano ng gagawin natin Houjun, mauubos lang ang lakas natin makipaglaban sa mga halimaw na toh"- Aya,, 

"Lumapit kayo sakin, susunod tayo sa kanila",,

Agad silang lumapit sa tabi ng binata, itinungkod nito ang kanyang Shakoju sa lupa, sa isang iglap nabalutan sila ng pulang liwanag at inilutang sa ere. inilipad sila nito papunta sa bukana, ng kaharian, nagkagulo naman ang mga halimaw at mabilis silang sinundan ng mga ito, 


***


"Hindii!!!!, Yukio!!!!!",, 

Nagbagsakan ang kanyang mga luha matapos makita ang sinapit ng binata habang nakikipaglaban sa mabangis na halimaw,parehas na malakas at hindi nagpapatalo ang bawat isa sa kanila ngunit bandang huli nagapi ng malaking halimaw ang binata napaluhod ang duguang katawan nito habang kagat kagat ng halimaw ang kanyang kaliwang balikat 

REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon