"Dahil wala pa si Hiroshi, naisip kong mag book sa isang resort para naman makapag relax tayo", nangingiting wika ni Aya sa pagitan ng kanilang pagkain.
"Wow talaga ba Aya??, kelan? kelan???"
"Asuka baka nakakalimutan mong may hahabulin kapang ilang Exam,," singit naman sa kanya ni Yukio, medyo nalungkot siya ng maalala ang tatlong Subjects niya pa. Sa paki-usap nila ng binata ay pumayag ang prof niya na bigyan siya ng Special Exam,,
"Hay, naman.."
"Ang Kill Joy mo naman Yukio, hindi kana naaawa dito kay Asuka,, tingnan mo yung mukha oh muka ng natalo sa sabong ha.ha.ha"- Aya,,
"Gusto ko din sumama Aya para magrelax, naboboring na ko sa leksyon na ibinibigay sakin ni Taikun", saad naman ng batang si Asahiko,,
"Wag kang mag-alala bata, isasama talaga kita,, alam ko ang pakiramdam mo",
"Kailan kaya babalik ang lalaking yun, baka nawili na siya at nakalimutan na tayo", - Houjun
"Babalik din yun, wag muna ngayon dahil sakto lang ang ticket ko sating pito hohoho", sabay paypay nito sa hawak na mga papel
"Wow,,, pwede ba tayong sumama Yukio?? doon nalang ako magrereview", untag niya muli sa binata, nagpaawa epek pa talaga siya, napatitig naman sa kanya ang binata alam niyang hindi siya nito matitiis,
"Hindi ka naman niya matitiis Asuka, dahil pag hindi ka niya sinama ako ang magsasama saiyo", nangingiti namang saad ni Kaoru bago tumayo,,
"Ehh??"
"Oh ano Yuki?", -Aya
"Hay, may magagawa paba ako,,"- sagot naman ng binata,,
"Asus, sempre ayaw mong si Kaoru ang magsasama dito kay Asuka hahaha",
"Hindi ko rin naman talaga matitiis si Asuka, lalo pag ganyan ang itsura niya sakin,," anito lalo naman siyang natuwa sa narinig kaya halos magningning ang kanyang mga mata dito
"kaya sasama na kami.. Tama karin sa dami ng paglalakbay na ginawa nating magkakasama ngayon palang tayo makakapagrelax habang hinihintay natin ang pagbabalik ni Hiroshi",,
"Yey!!!,, salamat Yukio,, napakabait mo talaga", nakayakap na saad ng dalaga sa braso niya,, nangingiting sinulyapan niya ito, masaya ang binata na nakikitang may ngiti sa labi ang dalaga at minsan lang din naman sila makapasyal sa nakakarelax na lugar.
"NANDITOOO NA KOOO!!!!",
Lahat sila ay napalingon sa biglang pagbukas ng pinto, malapad ang ngiti ng binata na sinalubong ang kanyang mga kasama,,
"Hiroshiii???"
"Salamat naman at nagbalik ka"- Houjun
"Saktong sakto lang pala ang dating ko, may pagkain", sabay upo nito sa bakanteng upuan katabi ng kay Aya,
"Nagbalik kana Hiroshi, sakto lang ang dating mo dahil magrerelax tayo"- Asahiko, abala naman sa pagsandok ng pagkain ang binata,,
"Oh, kumaen ka ng marami Hiroshi, mukang ang layo ng nilakbay mo" Yukio
"Tama ka Yuki, at gutom na gutom talaga ako", anito sa pagitan ng pag nguya
"Dahan dahan at baka mabulunan ka, kakagaling lang ng sugat ni Tatsu",- Houjun,, sunod sunod lang ang ginawang pagsubo nito
"Hindi ka naman gutom na gutom niyan?" Asuka,, sabay lapag ng tubig sa harapan nito, agad naman nitong ininom sabay lunok ng nginunguya at muli ulit sumubo ng manok
"Bakit naman nagbalik ka agad, magrerelax pa sana kami habang wala ka",
"Pwede pa naman tayo magrelax ngayong nandito na ko Aya,, pwera batok hah",
BINABASA MO ANG
REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARS
FantasyAng aklat ng Apat na tagapangalaga ng Langit at Lupa ay tuluyan ng naglaho. Maraming taon ang lumipas ang tungkol sa Alamat ay muling nabigyan buhay sa kasalukuyang panahon. Muling isinilang ang pitong tagapagtanggol ni Suzaku, Mahihirang muli ang...