Part 50. Everlasting Love

114 4 1
                                    

4 years later...

"Asuka,, Asuka gising na tanghali na anak", 

Nasilaw siya ng buksan ng kanyang ina ang bintana sa kwarto niya, napabangon siya at naikusot ang mga mata, napahikab pa siya at nakaramdam pa ng antok, sobrang haba ng kanyang naging panaginip pero hindi na niya matandaan

"Anak nakalimutan mo na ba Anniversary ngayon ng Papa mo kaya maaga nating dadalawin siya sa kanyang puntod, sige na mag-asikaso kana", ani ng mama niya habang nililigpit ang ilan niyang notebook na nagkalat sa kanyang study table, 

sandali siyang naupo muna sa kama, ngayon nga pala ang anibersaryo ng kamatayan ng kanyang ama, matagal na niyang tanggap na wala na ito,, muli niya naalala ang kanyang panaginip sa kanyang ama, kahit wala na ito ay nananatili ito sa kanyang puso at ala-ala,,

Isang punpun ng puting bulaklak ang inilapag niya sa puntod ng kanyang ama, kasama niya ngayon ang kanyang mama at kuya. Ilang taon nadin ang nakakalipas simula ng iwan sila nito, marahil ngayon ay masaya na ito sa paraiso habang nakatanaw sa kanilang tatlo, naniniwala siya na kahit wala na ito ay patuloy silang ginagabayan nito mula sa kalangitan,, 

"Hanggang sa muli papa, pagsisikapan ko po ang aking pag-aaral upang makatapos sa kolehiyo, malapit narin po akong grumaduate at alay ko po iyon sainyo ni mama"

"Totoo yun papa, mabait at masipag mag-aral ang anak mo,"- kanyang Mama,

"At isa narin siyang binata, binatang dalaga", pang-aasar naman ng kuya niya, nagkatawanan lang sila,, hindi nagtagal ay nagpaalam narin sila sa puntod nito, magaan ang dibdib na umuwi sila na magkakasama, kailangan niya pang maghanda para sa nalalapit niyang graduation, 


***

Napangiti ang binata ng masilayan ang dalaga habang abala na nagdidilig ng kanilang halaman, araw araw niya itong pinagmamasdan mula ng makalipat sila sa bago nilang bahay

"Lagi mo siyang tinatanaw sa malayo, bakit hindi mo siya lapitan", untag sa kanya ni Hiroaki, napapansin din nito ang palihim niyang pagsilay sa dalaga, 

ngumiti lamang siya at muli sumulyap sa dalaga na tapos na sa ginagawa

"Sa tamang panahon Hiroaki,",, 

"Kuya punta na tayong mall!", wika naman ng bata na hinihila pa ang pants niya, 

"basta goodgirl ka Juri, gagala tayo sa mall"

"Yehey, gusto ko po ng ice cream,cotton canty at bagong barbie"

Napangiti siya at inayos ang ilang hibla ng buhok nito, lumaking malusog at masiyahin ang batang si Juri sa pangangalaga nilang dalawa ni Hiroaki, habang abala ito sa kanyang mga negosyo ay siya ang nag aasikaso sa bata, ilang buwan narin naman ay gagraduate na siya sa kolehiyo at matutulungan na niya ito sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo . 

***

Napaangat ang ulo niya mula sa pagkakayuko ng marinig niyang nagkakagulo ang ilan niyang mga classmate, ang sarap na sana ng tulog niya at mayroon siyang panaginip na gustong balikan,, isang kakaibang panaginip ngunit kahit anong gawin niya ay hindi na niya maalala,, 

"Asuka, Asuka ikaw ata ang hinahanap ng lalaki sa labas,," wika sa kanya ni Aki

"Hah? bakit ako?,,"

"Hindi ko alam, labasin mo na bago pa siya malapa ng mga classmate natin",, anito sabay hila sa kamay niya patayo, nagtataka naman na sumunod nalang siya dito, ang totoo ay inaantok pa talaga siya at wala siya sa mood

"Sino ba kase yun Aki baka naman pinagtitripan mo lang ako ah, mananagot ka talaga sakin", 

"Ikaw lang naman ang nag-iisang Asuka Fumiya dito na hinahanap niya eh",

REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon