Ilang araw ang lumipas ngunit walang Yukio na nagbalik para sa kanya. Isang linggo niya rin itong hindi nakikita sa kanilang paaralan. Nag-aalala na siya, ngunit maging ang mga kasama niya ay hindi maramdaman ang presensya nito,
"Asuka halika na, male-late na tayo niyan" - narinig niyang katok sa kanya ni Aya,, malungkot na sumulyap siya sa harap ng salamin,
"Nasan kana Yukio?"
"Asuka?"
Agad niya dinampot ang kanyang bag at lumabas na ng silid. Pilit ngiti na sinalubong niya si Aya,,
"Hindi kana naman siguro nakatulog noh? tingnan mo mukha ka ng panda" - anito habang palalabas sila ng templo
"Hindi ko lang maiwasan na hindi mag-alala sakanya,, kase sabi niya ay babalik siya,,, pero hanggang ngayon" tuluyan na siyang napaluha pero agad niya ring pinunasan bago pa mahalata nito
"Naiintindihan ko Asuka, pasensya kana kung wala kaming magawa para mahanap si Yukio,, pero naniniwala ako na babalik din siya,,, kailanman ay hindi bumabali ng pangako ang isang tagapagtanggol ng Suzaku" - napangiti naman siya sa isinaad nito
"Salamat sa pagpapalakas ng loob mo Aya, sana ay okay lang siya"
"Malakas si Yukio, hindi siya basta basta magpapatalo sa mga kalaban"
Isa lang ang nasa isip niya, marahil ang binata ay naroon pa sa templo ng Seryu, baka ikinulong nila ito upang hindi sila makumpleto. Hanggang sa kakaisip niya ay narating na nila ang silid niya,,
"Magkita nalang ulit tayo mamaya okay?"
anitoTumango lang siya sa isinaad nito at tahimik na siyang pumasok sa loob, wala pa naman ang iba niyang kaklase habang ang iba naman ay abalang nagkukwentuhan. Lutang parin ang isip niya kung nasaan na ang binata at kung ano na bang nangyari dito. Nais na sana niya itong puntahan sa templo ng mga taga Seryu ngunit binalaan siya ni Taikun na wag gagawa ng ano mang hakbang na hindi nila alam dahil sa panganib na nakaabang. Hanggang natapos ang kalahating araw niya sa pakikinig ng lesson na hindi niya naman maintindihan, maigi nalang at walang nakapansin sa pagiging lutang niya.
Nagliligpit na siya ng kanyang libro sa bag ng mapansin niya ang pagkumpulan ng ilan niyang kaklase
"Si Kaoru ba yun??"
"Siya nga gurl! anong ginagawa niya dito?, grabe ang gwapo niya talaga"
"Baka may hinihintay siya?, kanina pa yan nakatayo dyan e,,,"
"Omg,, hindi kaya Jowa nya???"
"May Jowa na siya??? ang swerte naman!!"
"Omg nakatingin siya dito gurl!, ako ata ang tinitingnan niya" - kinikilig pang saad ng isa, napatingin naman siya sa gawi ng pinag uusapan ng mga ito, nakita niya na naroon ang binata at matamang naghihintay,,
kumaway naman ito sa kanya.
"Omeged,,, kinawayan niya ko gurls!!!!" tarantang sabi pa ulit ng kaklase niya, nagtilian naman ang mga kasama nito na nagkahagikhikan pa ng tawa.
Isinuot na niya ang bag at lumabas na ng silid nila, nginitian naman siya ng binata pagkalabas niya kaya lalo nagtilian ang mga classmate niya at ang iba naman ay nadismaya.
"Hindi ko akalain na sikat ka pala Kaoru" - nangingiting wika niya dito habang naglalakad sila sa pasilyo
"bakit mo naman nasabi?"
"Yung mga classmate ko sa Calculus, hangang hanga sila sayo. Hindi nga sila makapaniwala na ako ang hinihintay mo" -
"Hindi ko naman sila napansin, pero natutuwa ako sa paghanga nila" sagot lang nito, natigil naman siya paglakad ng may mahagip ang mga mata niya di kalayuan, bigla kumabog ang dibdib niya ng makilala ang lalaking naglalakad palapit sa gawi nila, parang tumigil ang mundo niya ng muli niyang masilayan ang mukha nito,,
BINABASA MO ANG
REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARS
FantasyAng aklat ng Apat na tagapangalaga ng Langit at Lupa ay tuluyan ng naglaho. Maraming taon ang lumipas ang tungkol sa Alamat ay muling nabigyan buhay sa kasalukuyang panahon. Muling isinilang ang pitong tagapagtanggol ni Suzaku, Mahihirang muli ang...