Part.20- Ang Lunas sa karamdaman ni Juri

29 0 0
                                    

"Malapit lapit na tayo sa tuktok ng bundok kalatong, sa wakas makukuha narin natin ang halamang gamot"- 

narinig niyang saad ni Houjun, napalingon naman siya sa gawi nito  at sandaling nagtama ang tingin nila ni Yukio, agad siyang umiwas ng tingin dapat lang siguro na iwasan na niya ito, pagkatapos nilang makuha ang halamang gamot babalik na sila at babalik na ulit ito sa piling ni Juri. 

Tila napansin naman nito ang pag-iwas niya,, magdamag niyang pinag isipan ang bagay na ito hindi dapat siya maging makasarili, may tungkulin pa siyang hanapin ang dalawa pa sa pitong bituin ni Suzaku kaya simula pa kaninang umaga pag gising niya tiniis niya ang sarili na gawin ang pag-iwas dito ,nabigla siya ng hablutin nito ang isang kamay niya,,,

"Asuka, may problema ba?"- agad siyang umiwas ng tingin dito

"W-wala naman, tayo na" aniya at inunahan itong lumakad, hinabol naman siya nito

"Asuka sandali, akala ko ba okay na tayo? galit kapa rin ba sakin?" 

"Hindi ako galit sayo Yukio, hayaan mo nalang ako" natigilan naman ito sa paglakad, tila nabigla sa isinagot niya, hindi niya naman matiis kaya humarap siya dito at nilapitan ito

"Pasensya kana Yukio, okay lang talaga ako marami lang akong iniisip"

"Gaya ng pag-iwas mo sakin simula kaninang umaga?"- puno ng hinanakit na sabi nito, napansin din pala nito ang ginagawa niyang pag-iwas , ayaw niyang gawin ito pero dikta ng isip niya ay kailangan, ayaw niyang makasira sa relasyon nito at ni Juri,,,

"Sagutin mo ako Asuka" 

"Tayo na Yukio, naiiwan na nila tayo mas importante na makakarating na tayo agad sa tuktok para makuha ang halamang gamot ni Juri,,, isipin mo muna ngayon si Juri" aniya, narinig niya naman ang mahinang pag buntong hininga nito, patalikod na sana siya ng muli ito magsalita

"Meron lang sana akong ibibigay sayo,kanina ko pa gustong iabot to, kaya lang iniiwasan mo ko,, gusto kong tanggapin mo ito. Pasasalamat ko ito sa ginawa mong pagtulong samin" sabi nito sabay kuha nito sa kamay niya at inilagay nito sa palad niya ang isang kahon,, napakurap naman siya,,, 

"Gusto ko rin malaman mo Asuka na masaya akong nakasama ka sa paglalakbay nating ito, at dito ko napatunayan na hindi ka lang mahalaga sakin kundi ikaw din ang matagal ng hinahanap na parte pagkatao ko,," 

Naiwan siyang nakatanga sa sinabi nito, hindi niya maintindihan pero nagagalak siya sa narinig, napatitig siya sa kahon na nasa palad niya, bubuksan na niya sana ng isang kamay ang bigla kumuha dito

"Wow, patingin" 

Nanlaki ang mata niya ng makitang hawak na ito ni Hiroshi

"Hoy!, akin na nga yan" sabay agaw niya dito,,, napakamot ulo naman ito

"Buksan mo na patingin ng laman, baka ginto ang inalay sayo ni Yukio" 

"Kung ano mang laman nito, wala kana dun noh" aniya at nauna ng maglakad dito

"Ang damot mo naman,, bakit ayaw mo pa buksan?" 

"Hindi ito oras ng pagbubukas ng regalo" 

"Sungit naman!" 

Natawa nalang siya dito ng unahan siya nito sa paglakad, patakbo pa itong humabol kay Yukio sabay akbay pa nito dito

"San kaba kumukuha ng mga ginto? baka pwede mong ituro sakin" 

"Hah? binigyan lang ako ni Kaoru"

"Sino naman si Kaoru? isa din ba siya sa tagapagtanggol ni Suzaku" 

"Hindi lang siya isa sa tagapagtanggol, siya ang dating Emperador na si Hotohori" 

"Ang Emperador, tiyak mayaman siya wahh, tingin mo bibigyan niya rin ako ng ginto??" napakamot ulo naman ang binata,,, 

REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon