"Good Morning Class", agad nagsibalikan sa kani-kanilang upuan ang mga kaklase niyang maliligalig sa biglang pagdating ng Professor nila.
"May bago kayong kaklase, pasok kana hijo"
"Wow, bagong classmate"
"Sana gwapo"
"OMG"
excited naman ang mga kaklase niyang babae habang ang ilan at nag tilian pa sa pagpasok ng isang matangkad na binata. Maputi at singkit na agad dumako ang tingin sa kanya, ilang sandali siya nitong tinitigan at nakaramdam siya ng kilabot dito, parang may kung anong pwersa itong taglay.
"Hi, Ako si Heroji, pwede niyo akong tawaging Hero" sabay kindat pa nito, dahilan para magtilian pa ang mga classmate niya
"OMG ang gwapo"
"Crush ko na siya"
"Can you be my Hero"
"Quite! be nice to him okay" saad ng Professor nila bago ito pinaupo, habang naglalakad ito papunta sa may likod ramdam niya ang tingin na tinutuon nito sa kanya, hindi niya nalang ito pinansin at itinuon nalang ang tingin sa kanyang libro.
Lumipas ang ilang oras nilang klase pero hindi siya nakapakinig masyado, wala siyang maintindihan dahil hindi maalis ang kakaibang awra ng lalaki sa kanyang likuran, pakiramdam niya ay nakatuon lang ang atensyon nito sa kilos niya. Kaya matapos ang klase ay nagmamadali siyang lumbas ng kanilang room, hindi na niya matatagalan pa ang presensya nito, nakakaramdam siya ng pagkabahala. Kailangan niyang mahanap si Kaoru at Aya.
Muntik pa siyang mapatili ng biglang may humarang sa daanan niya.
"Nagmamadali ka ata Miss?"
Nanlaki ang mga mata niya ng makita ito na nasa harapan niya, bakit ang bilis naman ata nitong makasunod sakanya?
"Anong kailangan mo?"
"Totoo nga, nahanap na nila ang kanilang nahirang na Suzaku" may pagngisi pang sabi nito na lalong nagpakilabot sa kanya.
"Isa ka sa mga taga Seryu,,"
"Bingo!"
Napaatras siya, pero nahakbang naman ito palapit sakanya.
"Alam mo na siguro ang dahilan kung bakit ako nandito, para sayo"
"Isa kaba sa mga kumuha kay Sara??? Nasaan siya!"
"Oopps, kaibigan mo pala ang babaeng yon. Kaso wala na siya"
"Wag mo kong lokohin, nasaan siya anong ginawa niyo sa kanya"
"Gusto mo ba siyang makita?" nangingisi pang saad nito sakanya
"Pwede kitang dalhin sa kanya, pero ikaw lang hindi kasama ang mga tagapagtanggol mo"
Nasindak siya ng bigla siya nitong hawakan sa leeg.
"Kayang kaya kitang tapusin sa isang iglap lang pero hindi pa ngayon ang tamang oras dahil may iba pa silang plano"
"Asuka!!!!"
bigla itong napatalon palayo sakanya ng agad dumating sa tabi niya si Kaoru,
"Isa sa mga Seryuuu!"
"Anong kailangan mo dito!!" si Aya,parang kidlat ang pagdating nito at agad nitong nakwelyuhan ang lalaki, napahalakhak lang ito
"Easy guys, hindi ako nandito para tapusin ang nahirang niyo. Hindi pa sa ngayon-" bigla itong tumalsik ng bigyan ng malakas na suntok ni Aya, nanlaki ang mga mata niya hindi niya akalaing ganon kalakas ang kamao ni Aya,
BINABASA MO ANG
REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARS
FantasyAng aklat ng Apat na tagapangalaga ng Langit at Lupa ay tuluyan ng naglaho. Maraming taon ang lumipas ang tungkol sa Alamat ay muling nabigyan buhay sa kasalukuyang panahon. Muling isinilang ang pitong tagapagtanggol ni Suzaku, Mahihirang muli ang...