Part 26. Ang Apat na Tagapangalaga ng Aklat ng Langit at Lupa

28 0 0
                                    

Genbu- (Black Tortoise of the North) Ang Hugis Pagong na may Kambal Ahas, siya ang nangangalaga sa emperyo ng Kenkun sa bandang hilaga, taglay niya ang kapangyarihan ng taglamig, walang hanggang buhay at ang kapangyarihan ng lupa. 

Siya ang Diyos ng Pananampalataya,

Mayroon siyang pitong bituin " Black Warriors", na siyang sumisimbolo sa kanyang kapangyarihan, oras na mahirang ang kumatawan ng Genbu at makumpleto ang pitong tagapagtanggol nito magagawaran ng tatlong kahilingan ang dalagang makakatawag dito.

Byakku- (White Tiger of the West) Ang puting Tigre, siya ang nangangalaga sa emperyo ng Sairou sa bandang kanluran, taglay niya ang kapangyarihan ng taglagas, metal  at kapangyarihan ng hangin. 

Siya ang Diyos ng Kabutihan, 

Mayroon siyang pitong bituin "Celestial Warriors", na siyang sumisimbolo sa kanyang kapangyarihan, oras na mahirang ang kumakatawan sa Byakuu at makumpleto ang kanyang pitong sagisag, magagawaran ng talong kahilingan ang dalagang makakatawag dito.

Seiryyu- (Blue Dragon of the East) Ang Asul na Dragon, siya ang nangangalaga sa emperyo ng  Kutou sa bandang Silangan, taglay niya ang kapangyarihan ng Tagsibol, ulan at kapangyarihan ng Tubig.

Siya ang Diyos ng Digmaan,

Mayroon siyang pitong bituin "Celestial Warriors"na siyang sumisimbolo sa kanyang kapangyarihan, oras na mahirang ang kumakatawan sa Seiryu at makumpleto ang kanyang pitong bituin, magagawaran ng talong kahilingan ang dalagang makakatawag dito.

Suzaku- (Red Phoenix of South) Ang pulang ibon, siya ang nangangalaga sa emperyo ng Konan sa bandang Timog, taglay niya ang kapangyarihan ng Tag-araw, pag-ibig at kapangyarihan ng nag-aalab ng Apoy. 

Siya ang Diyos ng Pag-ibig,

Mayroon siyang  pitong bitun "Celestial Warriors" na siyang sumisimbolo sa kanyang kapangyarihan. Upang matawag ang Diyos ng pag-ibig, kailangan makumpleto ng kumakatawan sa kanya ang pitong tagapagtanggol ni Suzaku, kapalit ang tatlong kahilingan at malakas na kapangyarihan. 

Sila ang apat na Tagapangalaga ng Aklat ng Langit at Lupa, ang bumabalanse sa kapayapaan,  ng mundo, ngunit isang negatibong enerhiya na may malakas na kapangyarihan ang nag nanais makuha ang kapangyarihan ng apat na tagapangalaga. 

Si Devonaire

Siya ang Reyna ng Kadiliman, nabuo siya sa negatibong pag-iisip at puso ng tao. Galit at poot ang nagbibigay sa kanya ng malakas na kapangyarihan. Malaki ang pagnanais niyang maghari sa mundo, hindi lamang sa loob ng Aklat ng Apat na Diyos kundi sa Mundo ng mga mortal. Ang kanyang kaharian ay nakakubli sa ilalim ng lupa, sa pag gapi niya sa mga bituin ng tagapangalaga ay unti unti niyang mapapaangat ang kanyang kastilyo sa taas ng lupa. Oras na makuha niya ang lakas at kapangyarihan ng mga tagapagtanggol magagawa na niyang matawag ang Apat na Tagapangalaga ng Langit at Lupa. 

REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon