Si Noriko ay muling isinilang sa katauhan ni Aya, sa pagkakataong ito siya ay ganap na babae na nananatili ang pagmamahal sa dating Emperador. Labis ang kanyang pasasalamat na sa isang katawan ng babae muli siya pinagbigyan na mabuhay. Ngunit kahit isa na siyang ganap na babae angkin niya parin ang lakas at katatagan ng pagiging isang tagapagtanggol ng Suzaku.
Sa katauhan ni Aya nagpatuloy ang buhay ni Noriko . Taon din ang lumipas bago nagtagpo ang landas nila ni Hotohori na nasa katauhan naman ni Kaoru. Isa sa pinakamayaman at makapangyarihan sa bansa ang pamilyang kinagisnan ni Kaoru, siya nadin ang nagpapatakbo at may hawak ng kanilang negosyo.
"Anong iniisip mo Aya",
napatingin siya sa bagong dating na binata at bahagyang napangiti .
"Natutuwa lamang ako Kaoru, ilang taon narin mula ng matagpuan natin ang isat isa"
"Tama ka, alam ko sabik kana ring makita ang iba nating mga kasama. Nararamdaman ko na malapit narin nating silang makikilala",
"Nararamdaman ko na marahil sa pagkakataong ito ay itinadhana na tayo kamahalan, isa nakong ganap na babae at wala ng makakahadlang pa sa pag nanasa ko sayo " may pabirong niyang saad na siyang nagpaiba sa reaksyon nito na parang natatawa.
"Hah???? Ano bang pinagsasabi mo dyan Aya? "
"Hahaha, biro lang Kaoru.. alam kong kahit kailan hindi ko mapapantayan ang pag ibig mo sa nahirang", nakangiting saad niya sabay tapik sa balikat nito. Bahagyang napangiti lamang ang binatilyo at tumingin sa kawalan . Siya naman ang napatitig dito, at bigla naalala na meron pa pala siyang lakad. Kailangan niyang maglibang, at matuon sa iba ang nararamdaman para sa binata.
"Maiwan na muna kita at ako ay may klase pa. Isa pa may date nga pala ako ngayon kaya mahuhuli ako ng uwi.. bye.."
"Uh? Teka Aya!"- habol nito kaya napalingon siya
"Pipigilan mo ba akong wag makipag date???"
"Hindi, ahm ipapaala ko lang na wag ka masyado manakit ng lalaki . Baka may mapilayan kana naman"
"Hah? Mas inalala mo pa talaga sila kesa sakin?"
"Wala silang laban sa lakas mo, at alam ko naman na kayang kaya -"
"Ou na ou na, maiwan na kita,, byeee",
Napangiti nalang ang binata sa papaalis na dalaga. Naalala niya ang una nilang pagkikita ni Aya. Nagpapahinga siya noon sa taas ng puno ng makarinig siya ng ingay. Di kalayuan nakita niya ang maraming kalalakihan na nagrariot. Parang may pinagtutulungan ang mga ito pero isa isang natumba din sa bandang huli.
"Sinabi ko naman kase na wag ako mga pare, babae nga siguro ako pero mas lalaki parin ako sainyo heeeyahhh"- sabay suntok nito sa lalaki, na tumumba din agad pero may mga sumugod pa sakanya at nahawakan siya magkabilaang kamay .
"Pero mas malakas parin kami sayo kahit anong gawin mo hehehe"
"Ito ang gusto ko sa babae pare ang pumapalag"- saad naman ng isa na tumatawa pa sabay hablot ng blouse nito kaya nasira.
"Ahhhh!!!!"
Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang pulang marka sa may gawing dibdib nito .
"Noriko??"- ang marka ng isa sa tagapagtanggol ng suzaku
Agad siyang bumaba sa sanga at sa isang iglap ay naron na siya sa mga lalaki. Laking gulat din ng dalaga ng makita siya.
BINABASA MO ANG
REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARS
FantasyAng aklat ng Apat na tagapangalaga ng Langit at Lupa ay tuluyan ng naglaho. Maraming taon ang lumipas ang tungkol sa Alamat ay muling nabigyan buhay sa kasalukuyang panahon. Muling isinilang ang pitong tagapagtanggol ni Suzaku, Mahihirang muli ang...