Part 46. Mga Nawawalang Ala-Ala

28 0 0
                                    

Halos magningning ang mata  ni Aya ng makita sa harapan niya ang pagdating ng nahirang na dalaga kasama ni Houjun at Yukio, sabik na sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap ngunit napansin niyang puno ng pagtataka ang mukha nito,,

"Asuka,, salamat at ligtas ka", 

"Nagbalik kana nahirang na Suzaku", masayang bati naman dito ng batang si Asahiko, isang matipid na ngiti lamang ang ibinigay ng dalaga ito,, 

"Anong nangyari sa kanya Houjun? bakit para siyang tinakasan ng bait?", -Hiroshi,, 

"Upang mailigtas ang buhay niya kailangan burahin ni Hiroaki ang kanyang mga ala-ala na may koneksyon sa bituin ni Suzaku", 

Narinig niyang saad ni Houjun, muli niya naalaala ang sinabi sa kanya ni Hiroaki, sila ang kanyang mga kasama na tinutukoy nito,,

"Babalik din ang ala-ala mo Asuka, at pag nangyari yun maiintindihan mo rin ang lahat, ngunit tandaan mo na ginawa ko ito upang iligtas ka", 

"Ibig mong sabihin hindi niya tayo maalala lahat??"

"Ganun na nga Hiroshi",, 

"Asuka,,okay ka lang ba?",, nilapitan naman siya ng binatang  si Kaoru at sandali siyang niyakap, 

"Patawad ngunit hindi ko kayo maalala", mahina at malungkot na saad niya,, 

"Tatsunori baka mapagaling mo siya ng iyong kapangyarihan?"- Hiroshi,

Lumapit naman dito ang binata, itinapat niya ang kanyang palad sa ulo nito, ngunit sandali ang lumipas ay napailing lamang ang dalaga, 

"Hindi sakop ng aking kapangyarihan na ibalik ang mga nawala niyang ala-ala, pasensya na",  

"Ang mabuti pa ay ihatid niyo muna siya sa kanyang silid upang makapagpahinga, saka natin pag isipan kung paano maibabalik ang kanyang ala-ala", wika naman ni Taikun, 

"Ako ng maghahatid sayo Asuka, gaya ng una nating pagkikita kukwentuhan kita ng lahat ng mga nangyari, nasisiguro ko maaalala mo rin kami ", marahan namang tumango ang dalaga sa sinabi niya, ngunit sandali itong natigilan ng magtama ang tingin nito at ng binatang si Yukio,, 

Bakas din sa mukha ng binata ang labis na kalungkutan sa sinapit ng dalaga, tinapik niya na lamang ang balikat nito. Tahimik silang naglalakad papunta sa silid , pansin niya na hindi komportable ang pakiramdam nito,  ngunit naiintindihan niya dahil hindi biro ang sitwasyon nito.  

"Heto ang silid mo Asuka, wala paring pinagbago.,, Matagal tagal karing inantay ng iyong silid", nakangiti niyang saad ng mapasok sila sa loob, tahimik naman na nilibot nito ang tingin sa paligid, 

Halata ang paninibago nito dahil ilang sandali itong nakatayo lang at hindi ibinababa ang nasa likod nitong palaso. Sandaling binago ng panahon ang dating dalaga, tila wala itong tiwala sa kanyang paligid. 

"Maaari ka ng magpahinga Asuka, wag kang mag-alala ligtas ang silid na ito", 

"Nang una ka naming makita noon wala karing ideya sa mga nangyayari, hanggang sa nagtiwala ka samin ni Kaoru, tinanggap mo ang tadhana na nakalaan sayo ang kumatawan kay Suzaku,, naglakbay tayo upang hanapin ang iba pa nating mga kasama,, si Yukio,, hindi rin biro ang mga pinagdaanan niyo upang muling magkasama,,"

"Yukio??",, bigla pumasok sa isip niya ang mukha ng binata, napailing siya ng mukha ni Hiroaki ang pumapalit na imahe sa isip niya,, 

 "hanggang sa natagpuan natin si Houjun, Hiroshi, Tatsunori at si Asahiko,, alam mo bang ikaw ang tumulong na maisilang ang batang iyon??, 

Hindi ko makakalimutan yung mga paglalakbay natin upang makuha ang aming mga sagradong kagamitan,, pinagsikapan nating lahat upang magtagumpay,, at dahil yun lahat sa tulong mo Asuka",, anito, ngunit bigla siyang nakaramdam ng kakaiba sa paligid, merong papasalakay sa kanila,, 

REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon