"Kahit hindi pa nagbabalik ang iyong alala kailangan niyo ng mahanap ang banal na Aklat upang maisagawa na natin ang ritwal, kailangan mo ng matawag ang Diyos na si Suzaku",, wika sakanya ni Taikun, naghahanda sila ngayon maglakbay upang mahanap ang banal na aklat,
"Naiintindihan ko Taikun,"
"Ehh??, lagi mo bang dala dala ang mga palaso at pana na yan Asuka?", nagtatakang tingin naman ng binatang si Hiroshi sa dala niya na nakasalbit sa likod niya, tumango naman siya dito
"Makakatulong ito sa gagawin nating paglalakbay, ito ang itinuro sakin ni Hiroaki nung mga panahong maraming halimaw ang sumasalakay sa paligid", nakangiting sagot niya dito
"Si Hiroaki,,, may maganda din pala siyang naidulot saiyo", -Hiroshi
"Mabuting tao si Hiroaki, sa kabila ng lahat hindi niya ako pinabayaan,,"
"Osiya tama ng kakapuri mo sa kanya, baka may magselos na",sabay sulyap nito sa binatang si Yukio,
"Ano kaba tumigil kana nga," suway naman ni Aya sa binata
"Hindi magtatagal mawawala din ang mahika ni Hiroaki na siyang nagbura ng iyong mga ala-ala, muli mo ring maaalala ang lahat", saad ni Taikun, napatango lamang siya, umaasa rin siyang muli ng bumalik ang kanyang mga ala-ala, nagawa man burahin ni Hiroaki ang ala-ala niya alam niyang para sa kaligtasan niya lamang iyon, iniisip niya ngayon kung nasaan na kaya ito,,
"Handa na ba ang lahat??" narinig nilang wika ni Houjun,
"Handa na!!!" sabik namang sagot ng batang si Asahiko, napangiti naman siya sa masiglang wika ng bata,,
Nang magliwanag ang mahiwagang mapa isang pwersa ang agad na humigop sa kanila,,
"Ahhhh!!!",
Napamaang siya ng maramdaman na nasa ere sila at pabagsak sa lupa,, narinig din niya ang paghiyaw ng kanyang mga kasama, tiyak malalim ang pagbabagsakan nila,, ngunit nagitla siya ng may itim na nilalang na sumagip sa kanila, ang pusang si choco,,, bigla ang pagsulpot nito upang sambutin sila, saka niya napansin na may pakpak din pala ito
"Okay ka lang ba Asuka??", napatango naman siya sa binata, halos namangha siya sa nakita, hindi lang ito lumalaki kundi may kakayahan din pala itong makalipad,, mula sa itaas ay tanaw niya ang maraming kabayanan sa ibaba,
"Sakto lang ang pagsalo mo samin Choco, akala ko mamamatay na ko", -Hiroshi,,
"Saan tayo patungo??"- Aya
"Sa kaharian ng kadiliman!!"- Houjun
"Wag mong sabihin na naroon ang Aklat??"- Aya
"Sa tingin ko ganun na nga",,,
"Ahhhhhh!!!!"
Napahiyaw sila ng biglang kumilos ito paibaba,
"Ahhh, ano ba choco magdahan dahan ka naman!,,",,
Ilang sandali ay nakababa na sila sa lupa, wala na silang makitang mga tao sa paligid at halos wasak na kabayanan ang nakikita nila.
"Kung hindi natin siya mapipigilan, nalalapit na ang pagkawasak",, -narinig nilang saad ni Houjun
"Tingnan niyo yun!!"- Aya
Halos mapamaang sila sa nakikita di kalayuan,, isang malaking kaharian na nababalutan ng itim na usok,, maulap din ang paligid nito,,
"Maghanda kayo may mga paparating!!!",
Ilang mababangis na asong lobo ang biglang sumalubong sa kanila, agad naman nagbago ang anyo ng pusang si Choco at nagbalik ito sa pagiging higante, inunahan nito sakmal ang mga nagsisugod na Asong Lobo..
BINABASA MO ANG
REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARS
FantasyAng aklat ng Apat na tagapangalaga ng Langit at Lupa ay tuluyan ng naglaho. Maraming taon ang lumipas ang tungkol sa Alamat ay muling nabigyan buhay sa kasalukuyang panahon. Muling isinilang ang pitong tagapagtanggol ni Suzaku, Mahihirang muli ang...