"Iligtas mo ang aking katawan Asuka,, pakiusap"
Napadilat siya ng muling marinig ang isang malamyos na tinig,, marahan siyang napabangon mula sa pagkakahiga, muli niyang naalala ang pagtalikod sa kanya ng binata, hindi parin siya makapaniwala sa mabilis na pagbabago ng nararamdaman nito.
Hindi niya pa alam kung nasaan na ngayon si Aya at Kaoru, natagpuan na kaya ito ng binata?,
Ang lalaking minamahal ni Aya ay walang iba kundi si Kaoru, ito ang tinutukoy nito na labis nitong minamahal.
"Aya,, patawarin mo ako", muli na naman ang pag amba ng kanyang luha, naisipan niyang tumayo at magbihis upang hanapin ang kanyang mga kasama.
***
Napalingon siya sa biglang pagdating ni Yukio, hindi siya bulag upang hindi makita ang mali na nangyayari sa pagitan nilang lahat, hindi rin siya manhid upang hindi maramdaman ang sakit na nararamdaman ngayon ng dalaga.
"Nais mo raw akong makausap Taski,"
"Alam mong Hiroshi na ang ngalan ko ngayon Yukio",
napatawa naman ito
"Ano ba ang nais mo, hinihintay na ko ngayon ng ating nahirang na Suzaku",
"Hindi ko akalain na madali kang mapaikot ng isang huwad na babae Yukio",
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Alam kong may mali na nangyayari sayo ngayon, pero wala naba sayo lahat ng isinakripisyo ni Asuka upang mabuo tayong pito?,,"
"Ang lahat ng paghihirap niya sating paglalakbay upang makuha ang ating mga kagamitan, malapit na nating matawag si Suzaku dahil yun sa kanya",,
"Isa lang ang nasa isip at puso ko ngayon Taski,, si Miaka,, wala ng mas iba pang mas mahalaga sakin kundi ang kapakanan niya. Hindi na mahalaga sakin kung hindi matawag ang Suzaku,, ang nais ko lang ay ang makasama siya", mahinahong sagot nito
"Isa kang hangal Yukio!!!!!", sabay inambahan ito ng malakas na suntok ng binata, napaupo naman ang binata sapo sapo ang dumugo niyang labi,,
"Isa kang walang kwenta!!!, sinaktan mo na naman ang damdamin niya hindi ka karapat dapat sa pag-ibig ni Asuka !!!!"
Akmang ihahampas dito ng binata ang kanyang bakal na pamaypay ng bigla itong harangin ng umiiyak na dalaga,,
"Wag mo siyang sasaktan Hiroshii,, paki-usap",, lumuluhang saad nito sa kanya
"Asuka,,,"
Napatayo naman agad ang binata,,
"Tapos na ang usapang ito Taski, wala nakong magagawa kung hindi ito matanggap ng iyong kalooban", sabay lakad nito paalis,,
"Hibang na siya, hindi ko alam kung anong ginawa sa kanya,,pero hindi ito maganda kanina ko pa hindi mahanap ang iba nating mga kasama",
Ngunit hindi siya napakinggan ng dalaga, tahimik lang itong umiiyak habang nakatanaw sa papalayo na binata,
"Ano ba Asuka!!!, wag mo pagpapaniwalaan ang sinasabi ng hibang na yun,,"
"Pero Hiroshi,,,"
"Naman!!!, gusto mo bang tapusin ko nalang siya para matapos na ang kahibangan ng ugok na yun??"
"Si Yukio,,,"
"Hindi siya ang kilala kong Yukio, hindi siya ang lalaki na nagmamahal sayo,, isa siyang hibang na mabilis mapaikot,," sabay lakad niya papalayo, kailangan niyang hanapin ang iba pa niyang mga kasama,
BINABASA MO ANG
REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARS
FantasyAng aklat ng Apat na tagapangalaga ng Langit at Lupa ay tuluyan ng naglaho. Maraming taon ang lumipas ang tungkol sa Alamat ay muling nabigyan buhay sa kasalukuyang panahon. Muling isinilang ang pitong tagapagtanggol ni Suzaku, Mahihirang muli ang...