Part 41. Paglalakbay sa Banal na Batis

24 0 0
                                    


"Sa kabilang dako ng gubat na toh matatagpuan natin ang banal na batis, kakailangan natin ito para sa gagawing ritwal na pagtawag kay Suzaku", ani Houjun habang naglalakad sila sa matalahib na gubat

"Dito rin ako kumukuha ng pang gamit sa pag gagamot ko, na inilalagay ko sa mahiwagang sisidlan na ito" wika naman ni Tatsunori

"Wow, ang gandang sisidlan naman niyan Tatsu, tiyak mahal ang bentahan niyan"- Hiroshi

"Hindi ko ito pinagbibili, sagrado ang bagay na ito Hiroshi",,

"Aheheh, sabi ko nga eh", kamot ulong sagot ng binata

"Iba na naman trip nito" -Aya

"Kung gayon malapit na talaga natin matawag si Suzaku, isa nalang ang kulang natin ang aklat",  - nagagalak namang wika ng nahirang na dalaga, ngunit may kakaiba siyang napansin mula sa kalangitan,,

"Tama ka,"

"Ano ang bagay na yun?" nagtatakang itinuro naman ng dalaga ang lumilipad na bagay na lumilipas sa itaas at may bitbit na liwanag

"Isa iyang uri ng alitaptap na nanghuhuli ng mga ligaw na espiritu", -Houjun

"Nyeee? Espiritu yang mga dala dala nila??, sigurado kaba dyan? at san naman dadalhin ng alitaptap na yan ang mga espiritu na nahuhuli niya?"- Aya, 

"kadalasan ginagamit ito upang bumuhay ng matagal ng patay",

"Ano??? hindi kaba nagbibiro dyan?", -Hiroshi

"Isa lang ang may kayang gumawa ng bagay na yun, ang mangkukulam na si Agane na naninirahan sa malayong bundok ng kalatong gumagawa siya ng pigura ng tao gamit sa abo at niluluto niya ito upang maging tao,, saka niya lalagyan ng espiritu upang mabigyan buhay ang obra niya",

"Sa tulong ng mga alitaptap na iyan nakakalikom siya ng mga ligaw na espiritu", muling saad ni Houjun, pakiramdam niya may masamang maidudulot ito sa kanila,, 

"Bakit kailangan niyang bumuhay ng matagal ng patay?"- Aya

"Ginagawa niya ito  noon upang makatulong sa digmaan, ang mga binubuhay niyang pigura ng tao ay kadalasan mga sundalo,, "- Houjun

"May dahilan naman pala siya, ngunit hindi yun sapat para muling buhayin ang mga tao na matagal ng nahimlay", Kaoru, 

Nakaramdam naman siya kilabot ng maalala ang kanyang panaginip kamakailan, isang matandang babae na may bitbit na isang sisidlan, bigla ang pagkabog ng kanyang dibdib, anong nangyayari bakit ganito kalakas ang pintig ng puso niya, sandali siyang napahinto sa kanyang kinatatayuan, may kung anong bagay na nagpapakaba sa kanya pero hindi niya matukoy kung ano.. 

"Asuka? okay ka lang ba?" - nag-aalalang wika sa kanya ni Yukio, napailing naman siya at agad inalis ang agam agam sa sarili, 

"Uhm wala naman,, masyado lang akong namangha na may ganitong bagay dito sa bayan", 

"Natatakot kanaba Asuka? hahaha", pang-aasar sa kanya ni Hiroshi, natahimik naman siya, hindi lang takot ang kanyang nararamdaman kundi mayroong kakaibang bagay sa kanyang pagkatao na hindi niya maipaliwanag. 

"Ahray! masakit yun Ayaa!!!"

"Nang-aasar kana naman kay Asuka,", 

"Hehe, okay lang Aya, hindi naman ako natatakot",  aniya, ngunit isang malakas na pag ihip ng hangin ang nagpainda sa kanila, kasabay nun ay ang pagsulputan ng mga taong manikin sa paligid nila,, 

"Ano ang mga yan????" -Aya, 

"Ang mga likhang tao ni Agane!!!!",, -Houjun,,, 

Muli ang pagbundol ng kaba sa dibdib niya, nakita niya nalang na nakikipaglaban sa mga taong manikin ang kanyang mga kasama, mabilis namang napupuksa nila ito  ngunit isang braso ang bigla humila sa kanya mula sa itaas,, 

REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon