Part 27. Buhay at Kamatayan

45 0 0
                                    

Isang itim na usok ang unti unting bumabalot sa katawan ng dalaga, wala parin itong malay at patuloy ang kanyang panghihina. 

"Anong nangyayari sa kanya Houjun? ano ang kulay itim na usok na yan?" takang saad ni Aya

"Asuka!!!" agad itong nilapitan ng binatang si Kaoru ngunit hindi siya nakalapit sa dalaga, tila may pwersa na nakaharang para hindi nila malapitan ito

"Hindi maaari, ang kulay itim na usok na iyan"- 

"Bakit ganto!!! ahhggg" - maging si Hiroshi ay tinangka din lapitan ang dalaga ngunit nabigo din ito

"Peste!! ano ba ang harang na iyan? bakit hindi natin malapitan si Asuka?" - inis na saad muli nito

"Ang nilalang ng kadiliman, ang buhay ng nahirang ang nais niya! masyado siyang malakas kaya hindi natin magawang makalapit" 

"Ano ang pwede nating gawin Houjun??? hindi natin pwedeng pabayaan si Asuka,, baka kung mapano siya!" 

"Kailangan niyang makaligtas,, siya lang ang makakagawa nito"

"Anong ibig mong sabihin??"- Aya

"Nasa kanya kung magpapadaig siya dito, ang magagawa lang natin ay magdasal ng sama sama,, kailangan maramdaman niya na nandito tayo sa tabi niya upang hindi siya tuluyang sumuko at magpaubaya sa kasamaan" 

Agad naman nagsikilos ang apat na tagapagtanggol, naupo sila at taimtim na nagdasal para sa kanilang nahirang. Itinuon nila ang isip at puso sa dalaga nanababalutan ng itim na usok,, unti unti namang lumabas ang kanilang espiritual na lakas, ang kulay pulang liwanag na siyang bumalot sa katawan ng nahirang, patuloy na nag-lalaban ang pulang liwanag at itim na usok sa katawan ng dalaga. Muling nakaramdam ito ng paghihirap, 

"Sumama ka sakin nahirang na Suzaku, kaya kong alisin ang iyong labis na paghihirap" 

narinig niyang saad ng isang boses ng babae, hindi niya malaman kung saan ito nang gagaling

"Sino ka? nasaan ang mga kasama ko?" 

"Hindi na mahalaga kung nasaan ang mga kasama mo, isipin mo ang iyong kaligtasan, kung ipagkakaloob mo sa akin ang iyong sarili makakalaya ka sa iyong pagdurusa"

Puno ng puting usok ang nakikita niya sa paligid, hindi parin nawawala ang panghihina ng katawan niya, ngunit naguguluhan siya kung sino ang babaeng kumakausap sa kanya,, at pilit siyang isinasama. 

"Hindi pwede, kailangan ako ng mga kasama ko hindi ko sila pwedeng talikuran" 

"Kung ganoon ay mananatili ang iyong paghihirap, hindi magtatagal ay sasalubungin mo na si Kamatayan" 

"Sino kaba? ano bang pinagsasabi mo?" 

"Hindi kana maililigtas ng iyong mga kasama, dahil ang buhay mo ay patapos na" 

"Hindi totoo yan!!! manahimik ka!!! magkakasama naming tatawagin ang Suzaku, at alam kong hindi nila ako papabayaan!!!" malakas niyang sigaw dito, saka niya napansin ang pulang liwanag na bumabalot sa kanyang katawan, mainit at inaalis nito pansamantala ang kanyang panghihina,, 

"Asuka lumaban kaa!, Asuka!!!!" 

Tinig ni Yukio ang nagpadilat sa mga mata niya, hinihingal na napabangon siya,,, kasabay ng paglapit ng kanyang mga kasama,, 

"Asuka!!!" 

"Okay ka lang ba?" 

"A-Anong nangayari?" nagtatakang saad niya dahil bakas sa mga ito ang pag-aalala

REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon