"Wahh, ang ganda ng gown mo Asuka,," namamanghang wika sa kanya ni Aya matapos niyang lumabas sa bihisan, naghahanda na kase sila para sa gaganaping Masquerade Party.
Napangiti naman siya at agad tiningnan ang sarili sa salamin, sakto at bagay sa kanya ang gown na napili ng binata. Kulay puting silk ito na malapad ang bukad paibaba, pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa.
"Magaling din pala mamili ang isang yon noh?, ayaw niya rin ng labas kaluluwa",
"He, he ang ganda rin ng gown mo Aya, bagay na bagay sayo"
"Salamat Asuka, kahit alam kong mas maganda ang saiyo ahaha, tayo na nga at puntahan ang mga kumag na yon",
Tumango naman siya at magkasama silang pinuntahan sa kabilang silid ang kanilang mga kasama, pagkabukas palang ng pinto ay nagkakagulo gulo na ang mga ito
"Ayoko nga kase niyan! nasasakal ako dyan" - hiyaw ni Hiroshi kay Houjun habang kinakabitan siya ng neck tie
"Ano kaba ito ang kaparehas niyan, si Tatsu nga nakakaadjust!"
"Ayaw lang magreklamo ni Tatsu noh!"
Napakamot ulo naman si Tatsu sa kanilang dalawa,
"Hayaan mo na siya kung ayaw niya, mamaya hindi pa sumama ang isang yan eh" saad naman ni Aya
"Wow babaeng Hercules ikaw naba yan? binatang binata ka ah" - Hiroshi
"Masasaktan kana naman sa ginagawa mo" - Houjun
"Ang gaganda niyo sa inyong kasuotan mga binibini" nakangiting bati naman sakanila ng batang si Asahiko, maayos na nakasuot narin ito ng kanyang Tuxedo
"Ang cute cute mo naman Asahiko,," sabay pisil ni Aya sa pisnge nito,
"Ahhh"
Napangiti naman siya ng lapitan siya ng binata, humahanga na tiningnan siya nito suot ang maganda niyang gown galing dito.
"Bagay na bagay sayo Asuka, ikaw lang ang nakikita kong maganda"
"Hoy, Yukio naririnig kita! anong sabi mo???" hirit naman ang dalaga dito kaya nagtawanan sila
"Parehas kayong sobrang ganda"
"Yan nadali mo, bilisan niyo na mga kasama magpi-pictorial pa tayo!"
"Okay naba toh? hindi ba kahiya hiya ito?" ani naman ni Houjun
"Ano kaba ngayon kapaba nahiya e suot mo na yan?"
"Ah, he, he, he minsan lang magsuot ng ganito ang mga monghe" - kamot ulong saad ng binata,,
"Gusto kong maging masaya ang gabing ito Asuka na kasama ka" - nangingiting saad naman sa kanya ng binata, saka hinawakan ang kanyang kamay
"Ako rin Yukio, first time ko ito at masaya ako na kayo ang kasama ko,, Salamat nga pala dito sa suot ko"
"Sa susunod damit pang kasal naman ang ipapasuot ko sayo," nag init naman ang pisngi niya sa sinabi nito, pero nasasabik siyang dumating ang araw na yon.
"Oh game na game na!!! isang picture muna ng magkakasama!!" - sigaw sakanila ng dalaga, sumunod naman sila at nagtungo sa kani kanilang pwesto, bale silang dalawa ni Aya ang nakaupo, nasa bawat gilid ang dalawang binata, si Yukio sa gilid niya at si Kaoru naman sa gilid ni Aya, katabi ni Yukio si Hiroshi at Houjun, sa kabila naman ay si Tatsunori bitbit ang batang si Asahiko.
"One,,, twoo,,, three, smile" ***
Isang magandang larawan na tanda ng magandang ugnayan ng kanilang pagkakaibigan.
BINABASA MO ANG
REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARS
FantasyAng aklat ng Apat na tagapangalaga ng Langit at Lupa ay tuluyan ng naglaho. Maraming taon ang lumipas ang tungkol sa Alamat ay muling nabigyan buhay sa kasalukuyang panahon. Muling isinilang ang pitong tagapagtanggol ni Suzaku, Mahihirang muli ang...