Part.14 Ang Bundok Kalatong

37 0 0
                                    

"Aray!! ang bigat naman!!" daing ng binata ng masubsob siya sa lupa,  pagkalabas niya kasi mula sa mahiwagang sumblero ay may mabigat na bagay na nakadagan sa likuran niya, 

"Ah, he-he-he sorry" 

"Asuka?" -lubos ang pagtataka na napatingin sa kanya ang binata na nakatayo ngayon sa harapan niya, 

"Hahhh??? anong ginagawa mo dito?" takang saad din sa kanya ni Houju, nakaupo agad ito mula sa pagkakadapa

"Ano kaba! diba sabi mo sumama ako" sabay iwas niya ng tingin dito

"hah? may sinabi ba ko? malalagot ako nito kay Kaoru" 

"Delikado ang paglalakbay na ito Asuka, alam mong hindi biro ang haharapin natin sa lugar na ito, at hindi ko kakayanin kung maging ang buhay mo ay malalagay  sa panganib" -seryosong saad ng binata kanya, sandaling natigilan siya sa narinig habang nakatitig dito, pakiramdam niya parang may humaplos sa kanyang puso,, 

"Wala na tayong magagawa, hindi na kakayanin ng aking mahika ang bumalik pa. Dobleng pag iingat na lang ang ating gagawin lalo at kasama ka namin nahirang,, at higit sa lahat hindi ka dapat maging pabigat" ani Houjun, sinamaan niya naman ito ng tingin

"Hindi nga sabi ako mabigat! eh? nasan na si Hiroaki?" aniya ng mapansin na wala na sa paligid ang binata

"Hay, ito marahil ang isa sa magiging suliranin ko,,, hindi dapat tayo maghihiwa-hiwalay,, bukod sa maraming nagkalat ditong kakaibang nilalang marami din ditong mga tulisan" anito habang naglalakad sa direksyon papasok ng gubat, sinundan lang nila ito

"Dito kalang sa likod ko Asuka, wag na wag kang hihiwalay sakin" saad naman ni Yukio habang hawak hawak ang isang kamay niya, tahimik na nakatingin lang siya sa magkahawak nilang kamay, bakit ganito ang nararamdaman niya, labis na nagagalak ang kanyang puso, 

Ilang sandali pa ay nahabol din nila si Hiroaki, nakatingin ito sa apat na magkahilerang malalaking bato, sa loob nito ay may makapal na usok, halong pagkamangha at kaba ang nararamdaman niya papasok sa loob nito. 

"Mukhang may unang sasalubong sa atin kaya maghanda kayo" saad ni Houjun, napakapit naman siya sa braso ni Yukio, ilang saglit ay biglang may lumabas na maraming paniki at agad silang sinalakay. 

Mabilis namang kumilos si Hiroaki, sa isang iglap napabagsak niya ang mga paniki na sumalubong sa kanila, halos mapapikit siya, nakikipaglaban ang tatlo laban sa mga paniki na umaatake sa kanila, 

"ahhh!!" napaupo siya sa isang tabi, isang kapa ang binalot sa kanya ni Houjun 

"Isuot mo yan para hindi ka makagat ng mga paniki!" anito at muling inihampas ang hawak na patpat sa paniki na susugod sana sa kanya. 

Pero halos hindi maubos ang mga ito, lalong dumami ang mga paniki na sumasalakay sakanila, nahihirapan nadin ang tatlo sa pakikipaglaban sa mga ito, nanlaki naman ang mga mata niya ng sakanya papunta ang maraming grupo ng paniki. Kaya napatakbo siya palayo

"Ahhh!!! ahhh!!!" 

"Asuka!!!" 

Kakatakbo ay nadapa siya, isang tunog ng plauta ang narinig niya habang pinagpepyestahan siya ng mga paniki, masakit na nangangagat ang mga ito,,, agad naman sumaklolo sa kanya si Yukio upang bugawin nito ang mga paniki, inakap siya nito upang hindi siya makagat,,, 

"Yukio, yu-yung plauta" aniya, 

"Ahhhh!!!!" napasigaw naman ito, sobrang dami na ng paniki na sumalakay sa kanila, maging ang dalawa ay hindi nadin alam ang gagawin para mapaalis ang mga ito, napapikit siya anong gagawin niya? nahihirapan nadin ang binata protektahan siya,,, mabilis siyang kumawala sa akap nito at tumakbo siya palayo, muli nagsunuran sa kanya ang mga ito, bakit parang siya ang puntirya ng mga paniking ito? 

REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon