Part.3 Stars of Suzaku

109 3 0
                                    

Pagdating sa Cafeteria ay wala masyadong estudyante pero sa labas palang ay rinig na nila ang ingay nito sa loob. Nadagdagan pa lalo dahil sa mga bagong saltang estudyante ng University.

Matamang nakaupo ang dalawa ng may maramdaman silang ibang presensya. Parehas silang nagkatinginan ni Aya ng makita ang paparating papasok sa loob ng Cafeteria. Sobrang lakas ng taglay na presensya  nito, na halos lahat ng estudyante sa loob ay nakuha nito ang atensyon. Ngunit ibang presensya ang kanilang naramdaman dito, kundi malakas na taglay na kapangyarihan.

"Isa sa mga Seryu", mahinang saad ni Aya, bakas din sa mukha nito ang labis na pagtataka. Kung ganoon ay hindi lang sila ang naglakbay sa mundong ito kundi maging ang mga Seryu. Hindi pa nila matukoy ngayon kung sino ito, pero isa sa sinisigurado nila na may taglay itong lakas na higit pa sa lakas nila.

Simula ng mapadpad sila sa panibagong mundo ay hindi na ganoon kalakas ang taglay nilang kapangyarihan. Marahil dahil sa isa ito sa naging kapalit upang makapaglakbay sila sa kasalukuyan. Upang manumbalik ang kanilang kapangyarihan ay kailangan nilang mahanap ang kanilang nahirang na Suzaku.
Sa oras na magawa nitong makumpleto ang pitong sagisag ni Suzaku babalik ang kanilang lakas ngunit ang hindi nila matukoy kung ano ang magiging kapalit nito. Bukod pa dito may babala si Taikun sa namumuong pwersa ng kadiliman at ang muling pagkabukas ng aklat ng langit at lupa kung saan panibagong kabanata ang nagbukas. 

Nang makalabas ng cafeteria ang lalaki ay tumayo nadin si Kaoru para sundan ito, ngunit nahagip ng paningin niya ang isang babae na nagpatigil sandali sakanya. 

"M-Miaka",,, mahinang bulong niya, hindi siya pwedeng magkamali, ito ang nahirang nakikilala ito ng kanyang puso. Malakas ang pakiramdam niya sa presensyang dulot nito ngayon di kalayuan sa kanya.
Ngunit sa tingin niya ay hindi lang siya ang nakaramdam sa presenya nito kundi ang lalaki kanina na ngayon ay mataman naring nakatuon ang tingin sa dalaga. Mapanuri ang tingin nito sa dalaga kaya naman mabilis siyang kumilos, kailangan niyang mailayo ito dito. May pagtataka man ay dali niyang nilapitan nito at hinila ang braso patakbo.

"Wow, mukang masarap ang sandwich nila dito Asuka, tapos ang dami pang pag pipilian na Drinks" napatango lang siya sa tinuran ni Aki, hindi nya nga alam kung anong bibilhin niya e pero nagulat nalang siya ng may mabilis at malakas na humablot sa braso niya. Sa isang iglap ay nasa labas na sila at malayo sa cafeteria. Pagtingin niya sa paligid ay nasa palibot na siya ng kakahuyan malapit sa field ng University, kung saan wala masyadong estudyante. 

Nagtatakang napatingin siya sa taong humila sakanya, ganon nalang ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Sino toh? bakit pakiramdam niya kilala niya rin ito, kagaya nung lalaki na nakasalubong niya isang araw.

"Anong nangyari? papanong??"

"I'm sorry kung nabigla kita, pero gusto lang kitang ilayo sandali"

ilang sandaling natigagal siya dito, bukod sa ang amo ng mukha nito ay ganda din neto este gwapo .Akala niya kanina ay babae ito dahil sa haba ng buhok pero ng magsalita ay lalaki pala ito.

"La-Lalaki ka ba o Babae? " naguguluhan niyang saad dto, saka niya lang napansin na naka pants nga pala ito at hindi naka palda, napakamot tuloy siya ng ulo kasabay naman ng pagngiti nito

"T-Teka, pano mo nagawa yon? bakit? uhm bakit mo ko dinala dito? tsaka panong???" hindi niya alam kung ano ang sasabihin pero naguguluhan siya sa nangyare. bakit siya nito hinila palayo at paanong sa isang iglap ay andun na sila sa kakahuyan malayo sa mga estudyante. bigla naman sumeryoso ang itchura nito habang nakatitig sakanya. Yung mga mata nito pamilyar sakanya, parang nakita na niya hindi nya lang alam kung saan at paano, kumikirot ang ulo niya pag pinilit niyang alalahanin

REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon