"Mag-iingat kayo mga kasama, ilang sandali nalang naman ang inaantay ko at magiging ganap na kong bata" saad sakanila ng sanggol na si Asahiko habang karga ito ni Tatsunori,
"Bakit hindi kapa ba ganap na bata sa lagay mong yan?" -Hiroshi,,, bigla naman umiyak ang sanggol kaya hinila nya ang tenga ng binata
"Ikaw talaga inaaway mo pa ung bata!"
"Ahray naman tenga ko!"
"Aalis nalang kasi mang-aasar pa"- Aya,,
"Ang ibig kong sabihin ay hindi nako magiging pabigat sainyo bilang sanggol, makakasama narin ako sa susunod niyong paglalakbay" muling saad ni Asahiko,,
"Ah ganun ba,, osige kumain kalang ng madami para pagbalik namin ay isa kanang binata"
"Mag-iingat kayo,, at wag kayong mag-alala samin nasisiguro kong maaalagaan akong mabuti ni Mama Aya"
"Ang cute naman,, instant nanay agad ang peg ko" nangingiting saad naman ni Aya,, iniabot naman ni Tatsunori ang sanggol sa bisig ng dalaga,
"Ikaw na munang bahala sa kanya,"
Nagpaalam na sila sa dalawa na naiwan sa templo, kailangan na kasi nilang maglakbay para hanapin ang kagamitan ng mga tagapagtanggol. Unang hahanapin nila ang banal na espada ng sinaunang Emperador na si Hotohori. Nagpasyang sumama ang lima kasama ng kanilang nahirang, naiwan naman si Aya para sa sanggol na si Asahiko,,
"Handa naba ang lahat?" - wika ni Houjun habang nakaharap sa malapad na mapa,
"Handa na Captain!" - Hiroshi,,
"Okay tayo na!"
Muli silang hinigop ng isang pwersa papasok sa loob ng mapa, dadalhin sila nito sa lugar kung nasan naroon ang hinahanap nila. Isa isa silang bumagsak sa lupa, agad naman siya nasalo ni Yukio, nagkangitian pa sila ng magtama ang tingin nila,,
"Hoy, tama ng titigan parang kayo lang tao dito ah?" singit sa kanila ni Hiroshi kaya agad silang dumistansya sa isa't isa
"Sos, mga nahiya pa" hirit pa nito
"Tumigil kana nga Hiroshi, lakasan mo ang pakiramdam mo dahil may paparating" - Houjun
"Anong sabi mo? wag mong sabihing mga asong lobo na naman yan??"
"Mga bubuyog!!!!"
Nanlaki ang mga mata nila ng sobrang daming bubuyog ang papalapit sa gawin nila, napatakbo naman palayo ang binatang si Hiroshi,,,
"Wag kayong hihiwalay sakin, kaya ito sanggain ng aking kapangyarihan"- ani Houjun,,, kaya lumapit sila sa tabi nito, ngunit napalayo sa kanila ang binata,,
"Si Hiroshi baka kung mapano siya" ani ng dalaga
"Ilang sandali lang ay mawawala din ang mga ito, ewan nalang kung ano ng nangyari sa isang yun" - Houjun,,
Unti-unti rin namang nawala ang mga naglalakihang bubuyog, kaya hinanap na nila sa kakahuyan ang binata,
"Hiroshi!! nasan ka!!"
"Hiroshi !!!!"
"Na-nandito ako!!!"
Napatakbo sila sa gawi nito na nakalugmok sa lupa, halos mamugto ang mukha nito dahil sa dami ng kagat ng mga bubuyog,,
"Naman!! anong itchura yan??" - nangingiwing saad ng dalaga,,
"Mukang malala ang lagay niya,," ani naman ni Tatsunori
"Kaya mo bang tumayo?" inalalayan naman ito ni Yukio
"Mabuti nalang at kasama natin si Tatsunori, may pasyente agad siya" -Houjun
BINABASA MO ANG
REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARS
FantasyAng aklat ng Apat na tagapangalaga ng Langit at Lupa ay tuluyan ng naglaho. Maraming taon ang lumipas ang tungkol sa Alamat ay muling nabigyan buhay sa kasalukuyang panahon. Muling isinilang ang pitong tagapagtanggol ni Suzaku, Mahihirang muli ang...