Marahan niyang ibinaba ang bitbit niyang palaso, katatapos lang nilang mangaso ng binata at kasalukuyan silang nasa itaas ng bundok, mula dito ay tanaw ang malawak na karagatan at nangingitim na ulap sa kalayuan"Napakagandang tanawin,," nangingiting wika niya, ngunit bigla naman ang pagyanig ng lupa kasabay ng pagliparan ng maraming ibon,,
"Anong nangyayari Hiroaki?", aniya, napalapit sa gawi niya ang binata,, matagal ang naging pagyanig ng lupa at kasabay ang ilang pag biyak biyak nito
"Tuluyan ng naiangat ang kaharian ng kadiliman,"
"Anong ibig mong sabihin?,,"
"Bumalik na tayo Asuka, mahirap kung aabutin tayo ng dilim sa daan",
sumunod naman siya dito at agad niyang dinampot ang kanyang palaso, muli siyang tumanaw sa madilim na kalangitan, mukhang may nagbabadyang bagyo. mabilis siyang humabol sa binata at kumapit sa braso nito,
"Nagugutom na ako, ipagluluto mo ba ko ulit ng masarap mong kaldereta?"
"Hindi kaba nagsasawa sa mga luto ko?",
"Hindi,, Naalala ko dati marami kang niluto saking mga paborito kong ulam, the best talaga ang mga luto mo Hiroaki", masayang wika niya habang binabaybay nila ang daan pauwi
"Wala namang pagkain na hindi masarap pagdating saiyo, kahit kapeng walang asukal ay pasado sa panlasa mo", nangingiting sagot naman ng binata,,
"Ehehe",
Bigla naman ang pagbuhos ng malakas na ulan kaya nagsitakbo sila para sumilong sa isang kubo, pinunasan naman ng binata ang basa niyang buhok at mukha,
"Baka magkasakit kana naman,"
"Salamat sa pagiging mabuti mo sakin Hiroaki,, kung hindi dahil sayo hindi na ko mabubuhay pa",, mahinang saad niya dito, ilang buwan na ang nakakalipas ng maaksidente siyang mahulog sa malalim na bangin, at ang binata ang nagligtas ng buhay niya,,
"Tayo na", aya nito sa dalaga ng humina ang pagpatak ng ulan, mabilis rin naman silang nakabalik sa kanilang tinutuluyan.
***
Muli nila naramdaman ang malakas na pagyanig ng lupa kasabay ng unti unting pagbitak nito,
"Mga kasama tumingin kayo sa labas!" saad ni Asahiko kaya nagmadali silang nagtungo sa tinuturo nito.
Habang nagpatuloy ang pagyanig at pagbiyak ng lupa isang bagay ang napansin nilang unti unting umaangat sa ilalim ng lupa.
"Masama ito, naiangat na ng Reyna ng madiliman ang kanyang palasyo" - Houjun,
Napamang lahat sila sa nasaksihang pangyayari, nasa kalagitnaan ngayon ng siyudad nakaangat ang isang malaking palasyo, kung saan napapaligiran ng itim na ulap ang paligid nito. Nagkagulo ang maraming tao kasabay ng pagkawasak ng ilang mga nakatayong building.
Nagtamo rin ng ilang pagsabog sa paligid, halos mapuno ng usok at mga nagkakagulong mamamayan ang kanilang nasasaksihan, hindi mapaliwanag ng mga nasa katungkulan ang biglang pag angat ng isang palasyo na nagdulot ng ilang pagkawasak ng mga building.
Hindi lang iyon ang kanilang suliranin dahil nagsimula narin maglabasan ang ibat ibang klase ng halimaw na nagliliparan sa himpapawid, nagsisimula ng mamiminsala ang mga ito sa mga tao. Walang nagawa ang gobyerno kundi ilikas ang mga tao sa siyudad, nagkalat din ang ilang mga sundalo upang makipaglaban sa mga naglalabasang mga halimaw, ngunit walang laban ang armas ng mga ito.
"Kailangan niyo ng matagpuan ang nahirang wala na tayong panahon" - wika ni Taikun mula sa kanilang likuran, tuluyan na nilang mapipigilan ang pag-angat ng palasyo ng kadiliman
BINABASA MO ANG
REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARS
FantasíaAng aklat ng Apat na tagapangalaga ng Langit at Lupa ay tuluyan ng naglaho. Maraming taon ang lumipas ang tungkol sa Alamat ay muling nabigyan buhay sa kasalukuyang panahon. Muling isinilang ang pitong tagapagtanggol ni Suzaku, Mahihirang muli ang...