Part. 6 Ang Pagtatagpo ng dating Magkasintahan

63 0 0
                                    

"Taikun!!!!" humahangos na nagtatakbo siya at hinahanap kung nasaan ang matanda. Pero ilang silid na ang pinasukan niya hindi niya makita ni Anino nito

"Taikun nasaan ka!!! Tandang Taikun!!!!"

"Ano ba ang isinisigaw, sigaw mo? Ang aga aga napakaingay mo" -

Muntik pa siyang mapatili ng bigla itong lumitaw sa harapan niya, bakas sa itsura nito na kakagising lang nito, at mukang wala ito sa mood makipag usap

"Ah, ahehehe. nakakagulat ka naman akala ko multo"

"Ano ba kailangan mo," masungit na saad nito

"Meron tayong kailangan puntahan, wag kana muna magsungit diyan"

"Ayoko" - sabay talikod nito

"Eh? pero nakapangako nako sakanila na dadalhin kita doon"

"Wala akong kailangan sa kanila"

"Pero kailangan nila ang tulong mo"

"Wala akong maitutulong, ikaw ang nahirang na suzaku kaya ikaw ang gagawa ng paraan para sa tungkulin mo" - mariin at masungit na sagot nito bago tuluyang naglaho na parang bula

"Eh? ang sungit naman nun?, hays " pasalampak na naupo siya sa sofa. Sakto naman ang paglabas ng kagigising lang na si Aya na humihikab pa

"Akala ko nananaginip lang ako na nandito kana Asuka, ang aga mo yata??"

"Pano ng gagawin ko Aya? pano ko matutulungan si Tatang"

"Tatang?"

"Nakita namin siya kaninang umaga ni Kaoru at sinundan, nagbabakasakali lang naman ako na baka matulungan siya ni Taikun"

"Hmm mahirap kase pakiusapan ang matandang Taikun, alam mo na nagmemenopause na kase ang Lola mo hohoho"

"Aya??"

"Hmm bago mo problemahin yan Asuka, diba may klase ka ng 7:30?"

"Hah? ahhh, ou nga pala! naku po maiwan na kita Aya, kita tayo mamaya " agad siyang napatayo at nagtatakbo palabas, 7:20 na sa relo niya at first subject niya.

Hindi naman siya nalate pero hinahapo na napaupo siya sa upuan niya. Pagtingin niya sa sulok tahimik na nagbabasa ng libro si Kaoru, hindi man lang siya sinabihan nito?

Isang oras ang first subject niya, walang laman ang isip niya kundi ang Matanda at si Taikun,

"Tama!"

"Huh?"

Halos magtinginan mga kaklase niya ng sa gitna ng katahimikan ay bigla siyang nagsalita, maging ang professor niya na napaharap pa sa kanila. Napayuko naman siya at kunwaring nagbubuklat ng libro.

"Anong iniisip mo? " napatingin siya ng biglang lumapit sa kanya si Kaoru, nagliligpit na siya ng gamit niya at kakalabas lang ng teacher nila

"Sa ngayon hindi ko pa alam, siguro kakaen muna ako" aniya sabay tayo at nagpaalam na dito, hindi naman na ito nakahabol pa sa kanya. Hinanap niya si Aya pero may klase pa ito, hapon na ang sunod niyang klase, matagal siyang tutunganga kaya naisipan niyang balikan si Taikun.

"Taikun??"

mukang mahihirapan na naman siyang hanapin ito, sa laki ng loob ng templo saan kaya ito nagsumuot?. Hanggang sa napadpad siya sa harap ng pinto ni Taikun, kakatok sana siya pero nakaawang ito.

Marahan siyang pumasok sa loob, inihanda na niya ang sarili sa pagsigaw nito sakanya pag nahuli siya nito. Normal na ata dito ang laging nakasigaw lalo pag tinatawag nila itong tanda.

REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon