Part.17 Ang ikalimang tagapagtanggol

38 0 0
                                    

Naagaw ang atensyon nila ng makarinig sila ng kaluslos sa paligid at mga umaalulong na aso, napakapit naman siya sa braso ng binata. 

"Ano yun?"

"Ang mga Asong Lobo,"

"Ano kamo?" 

Bigla naglabasan mula sa itaas ng puno ang mga asong lobo, inatake nito ang mga kasamahan niya, ang mga kabayo ay biglang nagtatakbo, ilan sa mga kasama niya ay nakipaglaban sa mga aso, ang ilan ay nakagat ng mga ito, maging sila ay inatake din ng malaking lobo, pero agad iyun nasuntok ng binata, ngunit meron pang tumalon mula sa itaas na aso  at nakagat nito sa braso ang binata. 

"Ahhrrgg, isa kang tampalasan!!!" nakabawi naman agad ito at muli sinipa ang aso, ngunit nakita niyang dumudugo ang braso nito, nang tanggalin nito ang punit na manggas ay nanlaki ang mga mata niya ng makita ang nagliwanag na marka nito sa braso. 

"Ang marka ni Suzaku!" aniya sabay hablot sa braso nito

"Oy ano bang ginagawa mo!" 

"Ikaw ang isa sa mga tagapagtanggol, sa wakas natagpuan nadin kita!"

"Tabi dyan!!!!" 

Agad siya nitong itinulak kaya sumadsad siya sa lupa, inatake ulit ito ng malaking aso na ngayon ay nakasampa sa kanya at nagpupumilit na siya'y kagatin

"Wag kang tumunganga dyan, gumawa ka ng paraan para makatakas!" 

Nanginig naman siya sa kaba at takot, sobrang daming Asong lobo ang nasa paligid nila, halos maubos nadin ang mga taksil nitong kasama dahil pinanglalapa na ito ng mga aso

"Ahhh!!!!, tulong!!!, tulungan niyo ko!!!!" 

Napatingin siya sa gawi ni Irin na napapaligiran na ng mga Asong lobo, sinisira na nito ang rehas na bakal,, agad niya dinampot ang matalim na sibat at pinaghahampas sa mga ito, 

"Umalis kayo dyan!!! alis !!! alis !!!!" 

Lalo naman nagalit ang mga Asong Lobo sa kanya, lima sa mga ito ang nakapalibot na sa kanya, natatakot man ay mahigpit niyang hinawakan ang matalim na sibat, bahala na kung anong mangyari, 

"Ahhhh!!!!" 

Napapikit siya ng sabay sabay siyang salakayin ng mga ito, 

"Asukaaa!!!" 

Bigla lumitaw sa harapan niya ang binatang si Yukio, kasama si Hiroaki at Houjun, magkatulong ang mga ito na nilabanan ang mga mababangis na Asong Lobo, dali dali niya namang tinanggal ang tali sa kulungan ng dalaga upang makatakas ito, 

"Maraming salamat Asuka" - naluluhang saad nito at agad yumakap sa kanya, bigla niya naalala ang kaibigang si Sara na hindi niya nagawang mailigtas,, maging siya ay napaluha rin, 

"Asuka!!!" agad naman siyang nilapitan at niyakap ng binatang si Yukio,, 

"Sobrang nag-alala ako sayo, akala ko'y hindi na kita makikita" 

"Alam kong darating ka para iligtas ako, salamat Yukio" 

"Ikaw!!! Ikaw ang kumidnap kay Asuka" narinig niyang saad ni Houjun sabay turo sa duguang si Hiroshi, akmang susugurin ito ni Yukio ng pigilan niya, agad niya namang nilapitan ito at gamit ang panyo niya mula sa kanyang bulsa ay itinali niya ito sa dumudugo nitong sugat

"Okay ka lang ba?" 

"Asuka bakit mo siya tinutulungan?" 

"Isa siya sa tagapagtanggol ng Suzaku," aniya sabay pakita niya sa duguang braso nito kung saan naroon ang pulang marka nito,,, 

REBIRTH OF SUZAKU'S SEVEN STARSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon