SL : 02

1.6K 122 16
                                    


"Les (short for Leslie ) una nako ha. Baka ma traffic na naman ako. May warning nako kay boss" pagpapaalam ko.

"O sige. Aantayin ko pa kasi si Andrew. May lakad kami. Ingat beh"

Nagmamadali akong lumabas ng mall after magbihis ng shirt at pants.

Saktong paglabas ko naman ay siyang pagbuhos ng ulan.

Ahhh kung kailan ka naman nagmamadali. Mata-traffic talaga ako nito. Masasabon na talaga ako ni boss nito. Buti kung sabon lang, kaso baka may banlaw ding kasama.

Hinagilap ko ang payong sa bag ko saka pumunta sa pedestrian lane. Saktong nabuksan ko na ang payong ko bago pa man ako mabasa ng tubig ulan.

Papatawid na ako ng biglang isang malakas na busina ang narinig ko.

Hinanap ko ang pinaggalingan noon. Isang black BMW ang nasa tapat ko.

Maya maya ay may bumabang lalaki in a black suit. Estimated height, 5'9. Mestizo. Kahit hindi ko pa nakikita ng malapitan, sure ako na gwapo. His manly scent fills my nostrils.

Anghel!!!...naibulong ko sa sarili ko.

"Hey miss, are you trying to kill yourself?" masungit na tanong nito.

Nawala bigla ang sandaling paghanga ko dito. Kung kanina mukang anghel siya, ngayon anghel na may sungay na na.

"Hindi bakit?" Pagtataray ko hindi porket mahirap ako, pwede na akong taray tarayan no.

"Let me see. Cheap brand clothes, bag and shoes. So gimmick mo to" sabi nito na ikinakunot ng noo ko.

"Anong pinagsasabi mo?" Hinarap ko na ito.

"Gimmick! Acting like I was about to hit you. Playing hurt. So you can get money assistance from me" sagot nito na nagpainit ng dugo ko.

"Hoy mister. Huwag ako ang sisihin mo kung mabundol mo man ako. Nagda drive ka habang naka sunglasses, eh wala namang araw. So ikaw ang may problema " ganting sagot ko.

"FYI miss low class. I'm used to drive with this, and so far. I'd never met any accident. Just now, because someone is trying to pull a tricked on me"

"FYI din mister feeling, mahirap ako oo. Hindi ko ikakaila yon pero never kong gagawin ang sinasabi mo. Hindi ko maaatim na magkapera sa maling paraan. Kung tapos ka na sa litanya mo mister feeling, pwede na siguro akong umalis dahil busy akong tao" sagot ko bago siya tinalikuran.

"Poor you. I hope this will be the last time miss low class" malakas na pagkakasabi nito.

Lalong nagngitngit ang galit ko sa mga sinabi niya.

Kapal. Porket de kotse. Akala mo naman lahat ng tao mukang pera.

Mamamatay ka pero ni isang kusing hindi mo madadala sa langit.

Kainis

Lakad takbo para lang mahabol ang jeep na saktong papaalis na. Kesehodang sumabit ako wag lang ang ma late sa trabaho.

Pagkababa ko ng jeep ay natanaw ko na ang manager namin sa club. Si kuya Nick.

"Seph, ilang minuto nalang late ka na. Buti umabot ka"

"Oo nga kuya Nick. Kung hindi patay ako kay boss"

"Don't worry. Wala si boss. O siya magpalit ka na at mag o-open na tayo" utos nito.

"May mga babae talagang akala mo Santa pero santita pala" parinig ni Eaven.

"Anong ibig mong sabihin Eaven?" Segunda ng alipores nitong si Korin.

"Yung akala mo ang linis linis, pero kumakapit din naman sa patalim. Patago kung kumilos" sagot ni Eaven.

Nakikinig lamang ako sa mga sinasabi nito. Alam kong ako ang pinaparinggan ng mga ito. Patungkol sa akin at kay kuya Nick.

"Eaven Eaven Eaven! Nagsisimula ka na naman ng gulo. Para sa kaalaman ng malikot mong utak, lahat ng sinasabi mo kay Seph, ay puro kasinungalingan. Hindi lahat ng babae, papatol sa kung sino sino para lang sa pera at trabaho. Kung ako sayo, paghusayan mo ang trabaho mo kung ayaw mong ikaw ang unang mag bye bye sa inyo " sagot ni kuya Nick.

"May favoritism ka talaga Nick" sagot ni Eaven.

"Hindi favoritism ang tawag don Eaven. Ang tawag don, pagkakaibigan. At iyon ang wala ka dahil ang tingin mo sa lahat ng ka-trabaho mo, kaaway, kaagaw. Magtrabaho ka na at inaantay ka na ng mga parokyano mo" utos ni Nick.

Paismid na pumasok ito sa bar.

"Salamat kuya Nick ha. Dahil sakin, Pati ikaw nadadamay"

"Ay nako. Yung mga katulad non, dapat inilalagay sa lugar para hindi umabuso. O siya larga na para maka quota. Iwasan mo nalang ang grupo ni Eaven"

"Yes kuya Nick. Salamat ulit. Bihis na ko" sagot saka pumasok na din sa bar.

Palalim na ang gabi kaya parami na ang mga costumer sa bar.

Hindi na kami magka mayaw sa pag aasikaso sa mga parokyano ng bar na yon.

Kaunti lamang kasi kaming waitress. Mas lamang ang bilang sa amin ng mga GRO. O yung nagbibigay aliw sa mga costumer.

Ilang beses na din na may nagtangkang ilabas o I-table ako pero hindi nila ako napapapayag. Waitress ako at hanggang doon lang yon.

"Miss" Tawag ng isang lalaki na medyo chubby sa may corner ng bar
"Isang martini" order nito.

"Okay sir coming" nakangiting sagot ko saka kinuha ang order nito.

Pagkabigay ko ng order niya ay bigla niyang hinawakan ang kanang kamay ko.

"Bakit po sir? " tanong ko.

"Upo ka muna. Wala akong kasama" utos nito.

"Nako sir hindi po ako tume-table. Waitress lang po ako dito" magalang na sagot ko.

"Tssssk. Sino niloloko mo. Nasa bar ka kaya huwag kang mag inarte. Pag sinabi kong upo, maupo ka"

Nagpumiglas ako sa pagkaka hawak nito.

"Ayaw ko nga po sir"

"Sinabi niyang ayaw niya di ba. Bakit pinipilit mo" isang lalaking matangkad ang nakita ko sa tabi ko. Kahit medyo madilim, naaaninag kong gwapo ito at maputi.

"Anong pakialam mo. Eh sa gusto ko" sagot ng bastos na costumer.

"May pakialam ako dahil pinipilit mo ang taong ayaw makipag table sayo. Sige na miss, ako na bahala dito"

"Pero---" tatanggi sana ako dahil baka siya ang pagbalingan ng bastos naming costumer.

"It's okay. I can handle this" lumapit ito sa lalaking bastos at kinausap ito.

Pero maya maya lang ay pinatamaan na siya ng suntok sa muka nito.

Mabilis itong tumayo sa sahig at ginantihan ang nanuntok sa kaniya.

Nakailang palitan pa sila ng suntok bago naawat ng mga bouncer sa bar.

To be continued....

Stolen lives Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon