So eto na nga...nag promise ako ng isang pang update...
Weekend...
Seph
Unknown number calling...
Sinagot ko ito at nalaman kong si ma'am Divine pala. They invited me sa birthday ng anak nito. In-suggest ni Lala na ipapasundo nalang ako pero tumanggi ako kaya binigay na lamang nila sa akin ang address. Kahit ano naman daw, pwede kong isuot. Nabanggit ko ito kay Les kaya sinabi nitong pupuntahan ako para pahiramin ng maayos na damit. Sinabi nito na sa mga ganoong okasyon, dapat medyo formal ang damit. Kahit simpleng dress lang basta huwag akong magsu-suot ng jeans and shirt. Nakakapunta kasi ito sa mga ganoong okasyon dahil kay Andrew kaya may idea na ito kung ano ang pwede kong isuot.
Tomorrow gaganapin ang birthday ng anak ni ma'am Divine. Start na din dapat ako sa trabaho ko sa bahay nila Ramin pero nag paalam muna ako kayat pumayag naman ito.
Nang hapong iyon ay dumating nga si Les sa bahay at may mga dalang damit na pwede kong pagpiliian. Simple lang ang mga yon pero sa katulad kong hindi man lang makabili ng maayos na damit, okay na okay yon.
Tinulungan niya akong magsukat at mamili ng babagay sakin.
Preview...credits GoogleIto lang kasi ang sumakto sa katawan ko. Payat ako pero mas payat sakin si Les. Maiksi ang kinalabasan sa akin ng damit niya dahil hanggang balikat ko lamang si Les.
"Hindi ba parang ang iksi naman nito Les. Konting tuwad lang makikita na pinaka tatago ko"
Natawa ito "Eh nakalimutan ko. Giant nga pala ang magsusuot. Pero bagay naman kaya sayo no. Saka look at you, ang sexy mo pala friend. May tinatago ka palang kurba sa likod ng pantalon at t-shirt mo. Ganyan kaya palagi ang isuot mo"
"Pwede ba Les. Kung hindi mo lang suggestion na ganito isuot ko, dapat naka jeans at t-shirt lang ako. Saka alam mong sa bar ako nagtatrabaho, gulo ang hinahanap mo"
"Suggestion lang naman eh. Malay mo, may makakita sayong DOM"
"Ewww Les. Sayo talaga galing yan ha. Oo, pera ang dahilan kaya lahat ng trabaho papasukin ko, pero hindi dahilan yon para pumatol ako sa kung sino sinong mayaman diyan para lang sa pera. Mahirap tayo pero may dignidad tayong iniingatan. Yun nalang ang meron tayo no. At hindi ko hahayaan na mawala pa yon"
"O siya. Wala na akong sinabi. Nga pala, na kausap ko si Kenneth. May trabaho na din daw siya. Sa ZEN company, delivery siya"
"Mabuti kung ganon"
"Eh ikaw. Wala ka pang binabalita sakin. May nakita ka na bang trabaho?" Gusto kong sabihing wala pa kaso alam kong malulungkot ito.
BINABASA MO ANG
Stolen lives
Random#2 Highest rank Fanfiction (12/28/18) Iniwan ng ama. Nagkasakit ang ina. Napariwara ang buhay ng nag iisang kapatid. Hinusgahan... Inakusahan... Ano pa ba ang mga pagdadaanan ni Seph sa buhay? May pinto pa ba para sa kaniya na handang mag bukas upa...