I was walking back and forth inside that room after I heard everything.Ano tong nagawa ko? Nagkamali ako?
Hanggang sa napalingon ako sa walang malay parin na si Seph...
Lumapit ako dito at naupo sa vacant chair sa tabi ng kama nito.
Kinuha ko ang kamay nito at dinala sa mga labi ko.
Seph....will you be able to forgive me after what I did to you? Ang laki ng kasalanan ko sayo. I was so wrong. Napakalaki kong gago dahil pinaniwala ko ang sarili kong masama ka. Na ikaw ang pumatay kay Seph. Ang dami kong nagawang kasamaan sayo. Nasaktan kita, physically, verbally, emotionally. You've been kind to me despite of everything that I did. You cared for me and what I have done? I still hurt you. I've been blinded. Hindi ko nakita ang kabutihan mo. Coz all I thought, you're just acting. Then, you save me. I am worthless Seph. Sana hindi mo nalang ako iniligtas. Coz I don't have the face to show you now. Nagkamali ako Seph----I'm sorry. I'm really sorry. Itatama ko ang lahat Seph. At sana pag gising mo---sana you'll give me a chance para magpaliwanag. At mag sorry sa lahat. Babawiin ko lahat ng nagawa ko. Kahit anong sabihin mo, gagawin ko. Mapatawad mo lang ako. Dahil hindi ko kayang mawala ka sakin. Hindi ko kakayanin na malayo ka sakin-----because I love you. I love you Seph...Alam kong ang bilis at hindi tama. Dahil I accused you. Nasaktan kita ng sobra sobra. At alam kong you hate me more than your life. Pero yon ang totoo---I am loving you all along. Nagseselos ako kapag nakikita kitang may kasamang iba, na masaya kang kasama sila. Na nakukuha nila ang attention mo na gusto ko, sa akin lang. I am selfish---alam ko yon. Gusto ko kasi----akin ka lang. Na ako lang yung tiningnan mo, yung papansin mo. Na sa akin ka masaya. Nagagalit ako kasi----kasi pag ako ang kasama mo---parang ang hirap sayo na ngumiti. Alam kong naging masama ako sayo----but believe me. Minahal kita. Hindi ko alam kung kailan at paano? Basta ang alam ko lang, gusto ko, sa tabi lang kita. Mahal kita Seph...mapatawad mo sana ko.
-
Inasikaso ko agad ang pagpapa aresto kay Viveth. At may reward na nakapatong sa ulo nito oras na mahuli ito ng sinuman. She's living like she'd done nothing wrong. Kaya pala siniraan niya sakin si Seph. It's because she intended to do it. At alam ko ang dahilan. Si Elthon. Minahal ni Elthon si Seph. At yon ang hindi matanggap ni Viveth. Dahil gusto nitong makuha si Elthon dahil sa kayamanan nito. At si Seph at Lala ang nakita niyang hahadlang sa mga plano niya para makuha si Elthon. Kaya niya ipinapatay si Lala at si Seph ang mapagbibintangan.
Maybe she planned that long time ago.
And when she find the right time, she make sure na walang maiiwang evidence.
Salamat nalang at nai-record lahat ni Lala ang sikreto ni Viveth. At kay Eaven na inamin ang lahat ng nalalaman niya.
Wala ka nang kawala sa kaso Viveth. We have a strong evidence against you. At sisiguraduhin kong makukulong ka at hindi ka na makakaalis pa sa lugar na yon.
Sa lugar kung saan ka nababagay.
-
Dexter
Dexter : hello Seph
Seph : hello Dexter...si Leslie to
Dexter : oh Leslie. Bakit ikaw sumagot ng cellphone ni Seph? Nasaan ba siya. Ilang araw na siyang hindi man lang tumatawag ah.
Seph : ano kasi---
Dexter : nga pala. Sabihin mo sa kaniya yung good news. Si nanay, nakakapag salita na ulit. Siya kamo ang unang tinawag ng nanay. Sigurado ako matutuwa yon.
Seph : o sige-----sasabihin ko kay Seph pag gising na siya.
Dexter : huh----tulog pa siya. Eh alas tres na nang hapon ah. Saka di ba may trabaho siya ng ganitong oras.
Seph : Dexter----ano kasi. N-nasa hospital kami.
Dexter : hospital? Anong ginagawa niyo diyan?
Seph : na-nabaril kasi si Seph
Dexter : ano?
Seph : Dexter Wait----kalma lang okay. Nung isang araw pa nangyari yon. Hindi ko masabi sayo dahil alam kong mag aalala ka. Saka alam kong iniintindi mo din ang nanay niyo ni Seph. Naoperahan siya para matanggal yung bala sa katawan niya. Okay naman yung operation---kaya lang. Hanggang ngayon hindi parin siya nagigising.
Dexter : ano? Bakit hindi mo sinabi? Wala kaming ka alam alam na muntik nang mamatay ang kapatid ko.
Seph : sorry Dexter. Hindi ko lang di kasi alam ang gagawin ko nung oras na yon.
Dexter : nasan kayo? Pupunta ako ngayon diyan?
Seph : Si-sige. Sent ko sayo kung saan.
-
"Ano talaga nangyari Leslie?"
"Si-si Zack dapat ang mababaril. Pero hinarang ni Seph yung katawan niya para kay Zack kaya siya ang tinamaan ng bala"
"Ano? At nakuha niya pang ipagtatanggol ang lalaking yon. At teka----paanong magkasama sila?" Pagtataka ko.
"Ipapaliwanag ko ang lahat" mula sa likuran ko ay sumulpot si Zack.
To be continued...
One on one...Fight
BINABASA MO ANG
Stolen lives
Random#2 Highest rank Fanfiction (12/28/18) Iniwan ng ama. Nagkasakit ang ina. Napariwara ang buhay ng nag iisang kapatid. Hinusgahan... Inakusahan... Ano pa ba ang mga pagdadaanan ni Seph sa buhay? May pinto pa ba para sa kaniya na handang mag bukas upa...