Nag gagayak kami ng iluluto para sa tanghalian ng may maalala ang nanay."Seph, ano ba paboritong ulam ni Zack?"
Papaitan, ginisang ampalaya.
"Hi di ko po alam" nakasimangot na sagot ko"Bakit hindi niyo in-interview bago tayo nagluto. Baka hindi makakain ang bisita niyo"
"Hindi ba tumira ka sa bahay niya dati. At ikaw ang nagluluto ng pagkain niya. Natural kahit papano, alam mo ang gusto niya"
"Nay---huwag niyong I-spoil si Zack. Baka mamihasa. Kung ano ang ihain niyo, kainin niya. Kung ayaw niya---edi mas mainam. Para hindi na siya bumalik dito"
"Kahit ano naman kakainin ko. Lalo na kung galing sa pamilya mo" Napalingon ako ng makita ko si Zack sa pintuan ng kusina. Kasunod ang tatay.
"Oh tay, Bakit maaga kayo umuwi. Hindi pa kami nakakaluto ng tanghalian" tanong ng nanay.
"Natapos na namin ni Zack yung pinapa rush sa akin. Mamaya, babalik nalang ako dahil kukunin ng may ari yung sasakyan----Oy toy ( alias para sa mga lalaki sa province ) salamat ha. Magaling pala yan nay sa makina ng mga sasakyan. May tinuro pa yan sakin para mapabilis ako. Kaya natapos namin agad. Akala ko nga aabutin pa kami ng hapon"
"Ganon ba---salamat Zack ha" Ang nanay.
"Wala po iyon. Maliit na bagay lang po iyon"
"Ay teka---ano nga pala paborito mong ulam para malutuan kita. Si Seph ang tinatanong ko, hindi naman daw niya alam" tanong ng nanay.
"Kahit ano naman po kinakain ko. Hindi naman po ako mapili" Anong hindi...ayaw mo ng carbs, ayaw mo ng ma-cholesterol, no to msg. Healthy leaving ka di ba. Minsan ka lang kumain ng bacon at egg pero the next day, garden na ang kinain mo sa takot mong ma highblood. Mas gusto mo, half cooked na gulay. Steamed fish. Magpapaluto ka ng sinigang, pero yung gulay lang ang kakainin mo. Minsan naman, veggie salad lang ang gusto mong dinner.
"Ay mabuti kung ganon. Ipapatikim ko sayo ang lutong Pangasinan" sabi nang nanay na halatang excited na magluto.
"Zack---Magpalit ka muna ng damit. Nadumihan na yang Polo mo. Kaputi pa naman" Ang tatay.
"Okay lang po. Saka wala po akong dalang pamalit" sagot nito.
"Ganon ba---ay Seph. Ikuha mo ng maayos na damit si Zack sa mga gamit ng kuya mo. Yung hindi niya sinusuot. Para makapag palit si Zack bago kumain" utos ng tatay ay siya...nagkalimutan na talaga. Natulungan lang eh...anghel na agad ang tingin niyo.
-
"Si Zack?" tanong ko kay tatay. Nang iwan ko kasi ito ay kasama ng tatay sa sala.
"Nasa likod ng bahay----puntahan mo at ibigay mo yang damit ng kuya mo" utos na naman ng tatay.
Umikot ang eyeballs ko habang papunta sa likurang bahay.
Nakita ko itong nakaupo sa may duyan sa ilalim ng punong mangga.
"Oh damit mo" sabay abot dito ng tee-shirt ng kuya.
Tumayo ito at lumapit sa akin.
"Madumi kasi kamay ko, pwede bang----itinuro nito ang butones ng Polo niya "Ikaw nalang"
What...ako maghububad ng damit niya.
No way...
No way...
BINABASA MO ANG
Stolen lives
Random#2 Highest rank Fanfiction (12/28/18) Iniwan ng ama. Nagkasakit ang ina. Napariwara ang buhay ng nag iisang kapatid. Hinusgahan... Inakusahan... Ano pa ba ang mga pagdadaanan ni Seph sa buhay? May pinto pa ba para sa kaniya na handang mag bukas upa...