Yung hindi magkasundo ang mga daliri ko at utak ko 😂😂😂
Sabi ko light story lang to eh....anyare
And someone is coming back😊
Unedited ...bahala na kayo 😊
Seph
Isang linggo na ang nakakalipas simula ng arestuhin ako ng mga pulis. Sa likod ng mga rehas, doon ko naranasan ang hirap. Masikip, mainit, maingay, malamok...at ang pagkain na takal lang, sapat na para malamnan ang sikmura ng isang preso.
Hindi na muling nagpakita sa akin sina tita Divine, Elthon at Zack.
Sinabi sa akin ni Les na sa korte nalang kami magkikita. Kasama ang magiging abogado ko. From public attorneys office. Dahil wala naman akong pera.
Madalas akong puntahan nina kuya Nick, Ramin, Les at Andrew...sina nanay Amari at tatay Lucio, pati si Isa na nahihirapan din sa kalagayan ko. Pero ang higit na nagpapa lakas ngayon sakin...ay ang pagbabago ng kuya Dexter. Hindi ko akalain na masusukat ang pagmamahal niya bilang isang kuya para sa akin sa oras ng kagipitan. Mahirap man ang kinakaharap ko...may parte parin ng pagkatao ko ang masaya.
Pero maraming tanong sa isip ko...paanong nangyari ang lahat ng ito? Sa isang iglap, heto na ako sa likod ng mga rehas na bakal. Kasama ang tinagurian ng mga taong kriminal.
Bakit ako ang inakusahan nila sa pag patay kay Lala? Nang dahil lang ba sa nandoon ang mga gamit ko sa loob ng kotse....at kung pagnanakaw ang dahilan, hindi ba dapat nahuli din ang nagnakaw nito, at bakit iniwan nito sa loob ng kotse ang gamit ko?
Ano ang dahilan sa lahat ng mga nangyayari sa akin...at kung planado ang lahat...ang tanong, sino? At bakit? Ano ang kasalanan ko sa kaniya?
Teka...isang tao lang naman ang alam kong may galit sakin....si Zack. Pero hindi eh...hindi niya gugustuhin na mamatay ang girlfriend niya...
Sino ang may gustong sirain ako?
"Ms. Elayda, tumayo ka diyan, may dalaw ka" sabi ng bantay.
Tumayo ako pagkaraan nitong buksan ang pintuan bakal at sumunod din dito papunta sa visiting area.
"Seph" si kuya. Kasama muli sina Les at Andrew.
"Kuya, Les, Andrew" masaya akong yumakap dito pati kay Les.
"Kamusta ka na?" Si Les.
"Ganon parin ang sagot ko Les, hindi mabuti. Lalo pa at hindi ko alam kung paano haharap sa korte pag nagpatawag na ng pagdinig sa kaso ko"
"Seph---maaaring wala tayong ebidensya. Pero isa lang ang alam ko, mananaig parin ang katotohanan" Si Andrew.
"Salamat Andrew. Pasensya na kayo ha, pati kayo nadamay sa problema ko"
"Ano pat kaibigan mo kami. Maaasahan mo ang tulong namin Seph " tugon nito.
"Huwag kang mag alala Seph, hindi ka makukulong. Gago man ako, pero naniniwala parin ako sa taas ( means God ) , hindi ka niya papabayaan" Si kuya Dexter. Ibig kong maiyak habang nakikinig sa kaniya.
"Alam mo kuya, ikaw ang nagpapalakas ng loob ko ngayon. Salamat at bumalik ka na. Ang tagal kong dinasal to" Pag amin ko dito "at napakasaya ko kahit pa madilim ang mundo ko ngayon. Dahil may masasandalan na ako"
"Sorry Seph" kinabig ako ni kuya upang yakapin "Huwag kang mag alala. Hindi na kita iiwanan. At si nanay, huwag mo na siyang isipin, ako na bahala sa kaniya"
"Salamat kuya"
"Ang ganda niyong tingnan. Sarap magkaroon ng kapatid no" Si Les.
"Wala ka mang kapatid, nandito naman ako" paghirit ni Andrew.
"Oo na nga----o siya tama na ang drama. May dala kaming pagkain. Kainin na natin at baka mamaya eh humiyaw na naman yung warden dito"
-
Matt
Matt : hello nay Amari
Amari : oh Matt. Jusko buti naman at napatawag ka. Bakit ba ngayon ka lang nagparamdam?
Matt :sorry nay. Nawala kasi yung cellphone ko. Ngayon lang ako nakabili. Buti nga na I save ko number niyo at ni Seph sa isang papel. Kamusta na po kayo diyan, si Seph po?
Amari : nako Matt...hindi ko masasabing mabuti kami, lalo na si Seph
Matt : bakit po? Anong nangyari kay Seph?
Amari : inaresto siya ng mga pulis nung isang araw. Mga apat o limang araw na yata ang nakakaraan.
Mat : ano po? Pero bakit?
Amari : ang kwento sa akin ni Dexter, nakapatay daw si Seph. Pero hindi malinaw sakin kung paano at sino? Basta ang alam ko lang, hindi na siya nakabalik matapos siyang arestuhin. Ang iniisip ko, baka ikinulong na siya ng tuluyan.
Matt : kaya pala hindi ko siya matawagan. O sige po nay, uuwi po ako.
Amari : o sige Matt. Kailangan ni Seph ang karamay ngayon
-
Elthon
"Anak, ano iniisip mo?" Si mom. Nasa veranda ako ng mga oras na yon at nag iisip.
Iniisip ang mga nangyari...Kay Lala...Kay Seph...sa amin.
Bakit kung kailan mahal ko na si Seph, at kung kailan balak ko nang magtapat sa kaniya, saka pa nagulo ang lahat.
Magagawa nga kaya ni Seph yon?
Pero base sa kwento ni Viveth, posible.
"Wala mom" mahinang tugon ko.
"Iuurong mo ba ang kaso laban kay Seph?
"No mom"
"Hindi nga ba? ---iba kasi ang nakikita ko anak. Mahal kita, mahal ko din si Lala. At ang gusto ko lang anak----sana mas piliin mo ang tama"
Lumingon ako dito "I'm sorry mom. Hindi ko lang kasi matanggap ang nangyari. Mahal ko si Lala, alam mo yan mom-----
"Pero mahal mo din si Seph kaya nahihirapan kang mag desisyon. Aaminin ko sayo anak, galit ako kay Seph. Nasusuklam ako sa kaniya dahil sa ginawa niya. Pero kung ako lang mag isa ang lalaban para sa kapatid mo-----
"No mom. I'm here with you. Masakit man, we're going to find justice for Lala. I-----I don't care about Seph anymore" tila may nakabara sa lalamunan ko nang sabihin ko ang mga huling salitang yon. Pero kailangan kong piliin ang tama. At ang kapatid ko.
I'm sorry Seph..
To be continued...
When the battle is not only whom you are going to choose...
But a battle between the two person you love and also battling to yourself...
BINABASA MO ANG
Stolen lives
Random#2 Highest rank Fanfiction (12/28/18) Iniwan ng ama. Nagkasakit ang ina. Napariwara ang buhay ng nag iisang kapatid. Hinusgahan... Inakusahan... Ano pa ba ang mga pagdadaanan ni Seph sa buhay? May pinto pa ba para sa kaniya na handang mag bukas upa...