SundayNakalabas na ng hospital ang nanay at laking pasasalamat ko dahil malaki na ang itinaba nito. Nakakakain na kasi muli ito ng maayos...but still, hindi parin siya nagsasalita.
Pero okay lang...as long as hindi lang siya magkasakit ulit.
Nag drive parin si kuya ng jeep para da may pang gastos. Ayaw niya na iasa sa akin ang lahat. Since may private nurse ang nanay...na nasa kasunduan namin ni Zack.
Si Zack...after that night na magkasagutan kami ng makita niya kami ni Ramin, iniwasan ko na siya. The more kasi na nagkaka usap kami, nagkakaroon lalo kami ng pag aawayan. At hindi ako sanay sa ganon. Na kahit hindi kami magka ano ano, na kahit hindi kami okay, ayaw ko lang na palagi kaming nag aaway ng dahil sa mga maling akala nito. And yung nangyari sa boracay...hindi ko makalimutan.
I just helped someone, hindi ko naman inaasahan na bigla nalang akong magka leg cramps...it him who saved me. Sabi ng mga nakasama namin sa boracay.
"You know what you did. You helped someone and put yourself into trouble"
When I tried to do good things...he sees it the other way.
Maybe...Mas mainam pang wala nalang akong gawin. Para wala na siyang masabi pa.
-
Eaven
"Bakit ka makikipag kita kay Viveth?"
"Edi hihingi ng pera. Para saan pat alam natin ang baho niya. Takot lang niya na isumbong natin siya sa pulis" Si Korin.
"Pero ako ang tumarbaho hindi ikaw. At bayad na ko. Kaya wala na kaming utang sa isat isa"
"Gaga---gamitin mo nga utak mo. Kaya mong paikutin yang Viveth sa mga kamay mo. Alam mo ang ginawa niya, mapera siya, edi perahan mo para magka pera ka"
"Hindi tayo mag katulad Korin. Muka lang akong pera, pero hindi ako gahaman tulad mo"
"Ay ewan ko sayo. Basta makikipagkita ako sa kaniya. Kung ayaw mong sumama edi wag. Pag nagka pera ko, baka hihingi ka"
"Isaksak mo yang pera sa baga mo"
Nakairap pa ito ng umalis.
Huwag ka sanang ipahamak ng kasakiman mo Korin...
-
Tatlong oras na ang nakakalipas simula ng umalis si Korin. At kinakabahan ako para dito. Gaga siya pero siya lang ang kaibigan ko. Ang nasasandalan ko sa lahat ng oras.
Linggo at wala naman kaming pasok sa bar. Lumabas ako ng apartment at inintay siya sa malapit na tindahan.
Pero kalahating oras na ang nakalipas ay wala parin ito.
Pabalik na ako sa apartment ng may humintong tricycle.
Si Korin ang sakay non....
Pero napansin ko ang mabagal nitong paglalakad...
"Korin" tawag ko dito.
Lumingon ito...hindi pala niya napansin na ako yong nasa tindahan.
"Eaven" pati ang boses nito ay mahina.
Napaluhod ito kaya tumakbo na ako para tulungan siya.
"Nang nang----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makita ko ang dugo sa kamay nito. Nakaitim ito na jacket kaya hindi ko alam na may sugat ito "Anong nangyari?"
"V-viveth---m-mag i----ngat ka. C-cellphone Lala" Yun ang huling sinabi nito bago tuluyang nawalan ng malay tao.
Humingi ako ng tulong sa mga taong naroon para madala siya sa hospital.
BINABASA MO ANG
Stolen lives
Random#2 Highest rank Fanfiction (12/28/18) Iniwan ng ama. Nagkasakit ang ina. Napariwara ang buhay ng nag iisang kapatid. Hinusgahan... Inakusahan... Ano pa ba ang mga pagdadaanan ni Seph sa buhay? May pinto pa ba para sa kaniya na handang mag bukas upa...