SL : 08

1K 107 24
                                    


Elthon

"I was born in US, umuwi kami dito sa Philippines when I was fifteen with my younger sister Lala, she was seven that time. Naka based sa US ang family business namin pero nag decide sila mom na dito nalang mag stay dahil kay lola. She's sick at kailangan aalagaan ni mom. So naiwan si dad sa US pero he takes time to visit us once a month or twice if possible. Dito na kami nagtapos ng pag aaral ni Lala. She's a pediatrician , at ako naman, I just continue our family business. We're exporting branded perfumes. Meron din dito. I was seventeen ng mamatay si lola then after five years, dad died due to heart attack. It was hard especially on my part dahil ako ang lalaki and the oldest. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang sarili ko. Kailangan ako ng negosyo namin sa US, at the same time meron din kaming negosyo dito. But I've decided to stay here. Mom and Lala needs me more at hindi ko kayang iwan sila.. Sila nalang ang meron ako and I love them more than my life. My dad's youngest brother, si uncle Migz..siya ang pinamahala ko sa negosyo namin sa US. Kaya kahit papano, hindi naman napabayaan ang business namin. Sa pagtitiyaga ko and support from my family, napalago ko ang negosyo ko dito. Eh ikaw---anong kwento mo?" 

"Nawalan ka man ng ama. Maswerte ka parin alam mo ba yon?" Sabi nito.

"Paano mo nasabi?"

"May pamilya ka parin. Ang mommy mo saka kapatid mo. May maayos na buhay. Nakapagtapos. Hindi mo problema ang kinabukasan mo. Hindi mo problema ang pamilya mo. Ako----hindi ko alam kung uso ba sa akin ang swerte. O sabihin nalang natin na malas siguro ako sa buhay. Masaya naman kami dati. Nakakapamuhay ng maayos. Buo ang pamilya, hanggang isang araw, sa isang iglap, nawala ang lahat" napansin ko ang bahagyang pag garalgal ng boses nito " Graduating na ako sa high school noon, masaya ako dahil sa wakas, mag ka-college na ko. Matutupad ko na ang pangarap ko na maging isang doctor" tumigil muli ito sandali sa pag ku-kwento. Ramdam kong pinipigilan nito ang umiyak sa harapan ko " Isang hapon galing sa school, umuwi ako sa bahay. Inabutan ko si nanay na umiiyak. Tinatanong ko kung bakit pero iyak lang siya ng iyak. Nalaman ko nalang na iniwan na kami ni tatay ng araw na yon. Kung ano ang dahilan, hindi ko alam. Umakyat ako sa entablado na kapitbahay namin ang kasama kong nag martsa. Isa yon sa pinakamasakit na araw sa buhay ko. May nanay at tatay ako, may kuya, pero nung araw na yon, alam mo yung pakiramdam na mag isa ka nalang. Mag isa sa dapat ay pinaka masayang araw sa buhay mo. Pero hindi pa doon nagtapos ang lahat. Si kuya, naligaw ng landas. Napasama sa maling barkada. Yung dating mabuti, mabait at responsableng kapatid ko, naglaho na. Isa na ngayon siyang tambay. Sugal dito sugal don, madalas pang napapasama sa gulo. At si nanay, nagpatangay siya sa lungkot dulot ng pag iwan sa kaniya ni tatay. Sa una, hindi ko lang makausap, hanggang sa hindi niya na ako nakikilala. Nagsasalita mag isa, at nakakarating sa ibang lugar. Kaya kahit mahal na mahal ko siya, kahit gusto ko na nasa tabi ko lang siya, hindi ko magawa. Nasa isang charity foundation siya ngayon. Kailangan ko kasing magtrabaho para sa kanila,  kahit gusto kong ako ang mag alaga sa kaniya,  hindi talaga maaari. Kailangan niyang magamot. Baka sakali, bumalik siya sa dati huminga ito ng malalim pagkatapos nitong mag kwento tungkol sa buhay niya " yan ang buhay ko El. Magulo, malungkot, walang kasiguruhan, mahirap pero kinakaya"

"You know what. Anyone will be proud of you. Isa na ako don. At kahit wala ang nanay mo sa tabi mo, alam ko proud  siya sayo"

"At ano naman ang pwedeng ika-proud sa isang katulad ko. Hindi tapos ng college, isang dakilang Sales clerk sa mall, waitress sa bar. See----wala di ba" sagot nito.

"Don't down yourself Seph. Alam mo kung bakit proud ako sayo, you're a woman pero daig mo pa ang isang tunay na lalaki. Taken the full responsibility at young age na dapat tatay o kuya mo ang gumagawa. Working two jobs a day. At higit sa lahat, for being a strong woman. Yung mga pinagdadaanan mo, I'm sure kung iba yan, nag give up na sila. Kahit na nahihirapan ka na, sa tingin ko, ikaw yung taong hindi sumusuko. Be proud Seph" nakangiting sabi ko dito.

Lumingon ito sa akin at gumanti ng isang matipid na ngiti.

"Thank you El. Ngayon ko lang ginawa to, yung mag kwento tungkol sa buhay ko sa ibang tao. Kahit sa mga kaibigan ko, hindi ko ikinu-kwento ang naging buhay ko. Ayaw ko kasing kinaaawaan ako. Don't feel pity for me ha, kung hindi, hindi na kita kakausapin" banta pa nito.

"Of course not. Sabi ko nga sayo di ba, proud ako sayo. At iba ang proud sa pity" ginulo ko ang buhok nito "understand"

Muli ay nasilayan ko ang magandang ngiti nito "Yes kamahalan"

"Tsssk drop that kamahalan. Hindi ako hari"

"Opo na. Salamat El"

"So----were friends now" sabi ko.

"Oo naman" Mabilis na tugon nito.

"And----hindi ko pa nakakalimutan yung pinag uusapan natin kanina"

Kumunot ang noo nito "Ano naman yon?"

"Yung sinabi mo na taken ka na pero wala kang boyfriend"

"Ahhhh yun ba. Wala nga akong boyfriend pero taken na. Taken na ang buong buhay ko ng trabaho at responsibildad sa pamilya ko"

"So you mean, ayaw mong mag boyfriend?" Paglinaw ko.

"Hindi naman sa ayaw. Wala lang akong plano. Sa estado ng buhay ko ngayon, saka na muna ang puso. Mas uunahin ko na muna ang pamilya ko. At hanggang hindi tumitino si kuya, hanggat hindi bumubuti ang lagay ng nanay,  malabong pumasok ako sa isang relasyon. Magulo ang pamilya ko, at yung pagpasok sa isang relasyon, alam kong wala ding patutunguhan"

"Palagay mo bakit nagbago ang kuya mo? " usisa ko.

"Si tatay ang nakikita kong dahilan. He admired him so much. Maybe disappointed siya sa ginawa ni tatay kaya iyon ang ganti niya, nagrebelde hanggang sa unti unti niyang sinisira ang sarili niya. Kahit anong salita ko, balewala"

"Don't lose hope. One day, lahat ng inaasam mo mangyayari din yon. I'll be right here"

Tumango na lamang ito.

Sa pag open up niya tungkol sa buhay niya. Mas lalo ko siyang hinangaan.

I'm not just proud of her. I admire her. She's one of kind. And I'll keep and protect her the best way I can.

To be continued...

Yung lalaking ganito...sana in reality meron di ba.

Stolen lives Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon