SL : 116

821 127 52
                                    


Kinagabihan, tinawag ako ng kuya mula sa kwarto at gusto daw akong makausap ng nanay at tatay. Kahit hindi ako magtanong, alam ko na kung tungkol saan yon. Tungkol sa pagparito ni Zack. Hanggang ngayon, naglalaro parin sa isip ko ang mga sinabi nito. Kung gaano niya ako kamahal. Kung gaano siya nagsisisi. Na handa itong gawin ang lahat para lang matanggap ko siya sa buhay ko. Gusto kong maniwala...pero bakit may takot akong mag tiwala? Bakit kahit nararamdaman ko na totoo ang mga sinasabi nito, hindi mawala ang pagdududa ko...pagdududa na hindi ko alam kung saan nanggagaling.  Tama siya, nagkamali siya at humingi ng tawad. At inamin niyang mahal niya ko. Pero ano ang kasiguruhan ko na oras na tanggapin ko siya, hindi ako masasaktan. Hanggang ngayon, nakatanim parin sa puso't isip ko ang mga ginawa niya. Na patawad ko na siya. Pero nandoon parin ang bakas ng nakaraan. Paano kung saktan niya muli ako. Paano kung kailan mahal ko na din siya, saka ko malalaman na hindi pala totoo ang lahat. Hindi ko na kakayanin.

"Maupo ka anak" hinawakan ng nanay ang kamay ko para tumabi dito. Kaharap ang tatay at ang kuya.

"Kinausap kami nung Zack. At humingi ng tawad sa lahat ng nagawa niya sayo" pauna ng tatay.

"Inamin niya sa amin ang lahat. At nakita ko anak na nagsisi talaga siya" sabi ng nanay habang hinahagod ang buhok ko.

"Nay..Tay..paano niyo malalaman ang sensiridad ng isang tao kung ngayon niyo palang siya nakaharap at nakausap"

"Alam ko nagdududa ka sa kaniya. At alam ko din, may galit parin diyan sa puso mo. Kahit anong tago mo...nakikita namin yon sa mga mata mo. Kahit pilitin mong maging masaya pag kaharap mo kami, hindi maikakaila anak na malungkot ka. Naabot mo na ang pangarap mo. Maayos na din ang buhay natin. Pero yan puso mo anak, malungkot at umiiyak. Kung si Zack ang magiging dahilan para lang bumalik ang dating Seph na kilala namin...bakit hindi mo subukan na tanggapin siya. Hindi ko sinasabing tanggapin  mo agad siya para makasama mo..ang sa akin lang, hayaan mong ipakita niya sayo na seryoso siya. Na kaya niyang gawin ang lahat katulad ng sinabi niya para lang mapatunayan na mahal ko niya" payo ng nanay.

"Paano kung saktan niya lang ulit ako. Hindi man pisikal,  pero yung puso ko. Paano kung pagkatiwalaan ko siya tapos sa huli...hindi pala totoo ang lahat" sagot ko dito.

"Anak makinig ka----lumapit sa akin ang tatay "lahat ng tao, nagkakamali. Nakakagawa ng mga bagay na hindi nila inaakalang magagawa nila. Lalo na sa kaso ni Zack. I kinuwento niya sa amin ang pinagdaanan niya kaya inakala niya ganon ka din. Nasaktan siya, natakot mag tiwala. Dumating pa yung pagkakataon na nasangkot ka sa pagkamatay ng nobya niya. Kaya inisip niya na totoo ang lahat ng maling paratang niya sayo. Pero anak, nakita kong totoo ang mga sinasabi niya. Makikita mo yon sa mga mata niya. Nagkamali siya at nagsisisi at handang itama ang lahat. Ang kailangan niya lang ay isang pagkakataon. Pagkakataon na ibinigay din ng Diyos sa amin ng nanay at kuya mo. Ibinalik niya ang nanay mo, itinuro ang tamang daan sa kuya mo, at ako, nakalaya ako sa kulungang walang rehas dahil kay senyor. At ikaw, nalaman din ang totoo na inosente ka. Maaring mahirap ang pinagdaanan mo, masakit. Pero lahat tayo, dadaan sa ganyan. Iba't ibang sitwasyon nga lang. Nilikha tayong mas mataas ang isip kaysa sa puso. Ang isip, ginagamit para makapag desisyon tayo ng tama. Para hindi magka mali. At alam kong iyon ang nanaig sayo. Ang isip mo ang pinakikinggan mo. Dahil ayaw mong masaktan. Tama ka, hindi ka nga masasaktan kung hindi mo siya tatanggapin sa buhay mo. Pero ang tanong ko anak...ang katotohanang hindi masasaktan, ano ba ang magiging kapalit. Magiging masaya ka ba? Sugal ang buhay anak. Kahit ano pa yan. Kailangan mong sumugal. Dahil hindi mo malalaman kung mapagtatagumpayan mo ang isang laban kung hindi mo susubukan" mahabang paliwanag ng tatay.

"At sa nakikita ko anak kay Zack...hindi ka niya susukuan. Dahil inamin niya sa amin na nagkita na kayo sa Manila. Iniwasan mo raw siya. Kaya pala umuwi ka bigla dito. Kung laro lang sa kaniya ang lahat ng ito...hindi niya na kami haharapin pa. Hindi ka niya susundan dito. Hindi siya magpapaliwanag, hindi siya hihingi ng kapatawaran at basbas para umakyat ng ligaw sayo. Gustong niyang mag simula sa tama. At kung iniisip mong basta nalang namin siya pinakinggan----nagkakamali ka. Nakarinig muna siya sa amin ng mahabang sermon. Bilang magulang mo, syempre nasaktan din kami sa mga ginawa niya noon. Pero tao siyang humarap satin---harapin din natin siya bilang isang mabuti tao din"

"Kung pumayag kayong umakyat ng ligaw yong Zack na yon kay Seph----sisiguraduhin kong hindi magiging madali ang pag dadaanan niya" Pag singit ni kuya.

Binatukan ito ng tatay.

"Kahit kailan ka talaga----wala pa ngang sagot ang kapatid mo, may nakahanda ka nang pagpapahirap" sermon ng tatay.

"Ikaw ang kuya----gabayan mo ang kapatid mo.  Hindi yong ikaw pa ang kailangang gabayan ni Seph" dagdag na sermon ng nanay.

"Aminin niyo nga----ampon niyo lang ba ko. Wala na akong sinabing tama ah" reklamo ng kuya.

"Oo---kaya mag balot balot ka na. Hanapin mo mga totoo mong magulang" sagot ng nanay.

"Nay naman---hindi ka na mabiro"  nilapitan ito ng kuya saka nilambing.

"San mo ba pinaglihi yang anak mong yan?" Tanong ng tatay.

"Nagtanong ka pa. E sayo ko pinaglihi yan. Si Seph sa akin syempre. Mabait at maganda"

"Wehhh----kaya pa hindi ko makita yung ganda ni Seph nay" biro ng kuya.

"Lintik na batang re----halika nga" piningot ng nanay ang tainga ng kuya.

At napuno ang aming gabi ng tawanan.

Nagsimula sa seryosong usapan na nauwi sa kulitan.

Ano nga ba ang gagawin ko...tungkol kay Zack?

To be continued...

Everyone might hurt you, anyone might leave you...but your FAMILY  stays forever Loving You...

Stolen lives Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon