SL : 111

1K 118 84
                                    


Lunch time, usually sa canteen lang kami kumakain. Madalang kami lumabas dahil mas gusto naming makapag pahinga after hours of duty.

"Hey anong meron?" Tanong ko kay Tricia dahil tila may commotion sa canteen. Nauna na kasi ang ibang kasama ko dahil may in-assist pa akong patient.

"Look for yourself" nakangiting sagot nito at iniwan na din ako at nakipag kumpulan na sa iba.

Naiiling na lumapit ako sa mga kasama ko. At doon ko nakita ang dahilan ng kaguluhan.

Nakangiti pang lumapit sa akin ang salarin.

"Hi" and as always, may pa flowers and chocolates na naman ito.

Yung binigay niya kagabi, ibinigay ko sa ibang nurse. Meron ulit ngayon...hay...

Kahit ayaw kong kuhanin, wala akong magagawa dahil nakatingin lahat sa amin ang taong nasa paligid. Pero hindi ako nag thank you.

"Dito ka na" inayos pa nito ang silya na halatang inilaan para sakin.

"Ang sweet naman nang boyfriend mo Seph. May pa lunch for everyone" Si Kaye. Isang nurse.

"Sweet na. Galante pa" Si Riva. Isa ding nurse.

"At gwapo" Si ate Ali. Isang OB.

"Hindi ko siya boyfriend" Pag klaro ko.

"Nanliligaw palang" narinig kong sabi ni Zack mula sa likuran ko.

"Ayiiiiii bagay kayo. Pag ikasal na kayo, invited kami ha" si Tricia. Pinag mulatan ko ito ng mata.

"Pag sinagot niya nako" sagot naman ni mokong  ( si Zack ) "Ahm kain lang kayo" inabot pa nito sa mga kasamahan ko ang mga pagkaing binili nito. 

Pinag serve niya din ako sa plate ko.

"Maupo ka na. Sabayan mo kami" hinila ni ate Ali si Zack para maupo sa tabi ko. 

"Ahm kain ka na----may gusto ka pa bang iba?" Oo..yung umalis ka sa harapan ko. Pati mga kasama ko kinukuntsaba mo para lang makalapit ka sakin.

"Okay---ahm sige ito nalang" sabi nalang nito ng hindi ako sumagot. Ipinag lagay niya ako ng prawns sa plato. Hinimay niya na din ito para sakin.

"Letse---nai-inggit ako" Si Kaye.

"Seph---ang haba ng hair mo, pumulupot sa binti ko" panunukso ni ate Ali.

"May kapatid ka pa ba? Pakilala mo naman samin" tanong ni Riva.

"Meron---

"Talaga?" malaking ngiting tanong muli nito.

"Oo---pero babae"

"Ay ano ba yan? Aanhin ko ang babae" disappointed na sabi ni Riva.

"Naghanap ka pa eh may boyfriend ka na. Isumbong kita" Si Tricia.

"Malay mo lang naman na may kapatid si Zack. Sure ako syempre na gwapo, mabait at sweet kagaya niya" gwapo...oo. mabait, sweet...niloloko lang kayo niyan.

"Magtalo pa kayo----paubos na yung pagkain" Si ate Aura. Hospital director.

Panay ang pukol sa akin ng mapanuksong tingin ng mga kasamahan ko. Paano ba naman kasi...halos subuan na ako ni Zack sa pag aasikaso nito. Kulang nalang...Pati tubig siya magpa inom sa kin.

After lunch, nag paalam na din si Zack.

Buti naman...Kala ko balak niya pang bantayan ako.

Stolen lives Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon