6 amGising na ako...at hindi ko maintindihan kung bakit.
Parang excited na ewan...
Naghilamos, nag toothbrush, inayos nang bahagya ang buhok. At nagbihis ng maayos ayos.
Teka...bakit ba ako nag aayos?
Eh nasa bahay lang ako...nakakalabas nga ako ng naka pajama at walang suklay suklay.
Ano bang nangyayari sakin...
Mabilis akong lumabas ng banyo at nag diretso sa kusina.
"Morning nay" masayang bati ko dito bago ito niyakap.
"Morning anak"
Nagpalinga linga ako na parang may hinahanap. Lumapit ako sa mesang kinakainan namin at binuksan ang mga lalagyan ng pagkain.
Hotdog, fried rice, tuyo...sukang sawsawan.
"May hinahanap ka ano" panunukso ni nanay.
"Wala nay. Tiningnan ko lang yung almusal dahil nagugutom nako"
"Alam ko kapag gutom ka. Kumukuha ka agad ng plato at lalantakan ang pagkain sa mesa"
"Medyo gutom lang nay...hindi pa naman gutom na gutom"
"Wag ka na ngang magpa lusot September. Alam ko naman na yung luto ni Zack ang hinahanap mo. At saka yung nagluto mismo---pero wala siya ngayon"
"H-hindi nay ah" Eh bat nauutal na naman ako. Pero bakit nga wala siya. Akala ko ba kahit matagal at mahirapan siya, hindi siya susuko.
"Kita mo na. Tama ako---tumamlay ang muka mo ng sabihin kong wala siya dito" narinig ko ang mahinang pagtawa ng nanay.
"Ang tatay" Pag iba ko sa usapan.
"Ang bilis mo ibahin ang usapan. Halata ka na nak. Ang tatay mo nasa bayan, may bibilin daw na pyesa, sumabay sa byahe ng jeep ng kuya mo------------pati si Zack" Napalingon ako kay nanay si Zack? Kasama ni tatay at kuya
"Yung mata mo biglang nag liwanag. Narinig mo lang ang pangalan eh"
Sino ba talaga ang anak ng nanay...ako ba o si Zack?
"Sumama sa kuya mo. Gusto daw niyang makita kung paano ang mamasada ng jeep"
-
Dexter
Pagka alis ng tatay ay pumila na ako sa paradahan ng jeep...kasama parin si Zack na tahimik lang naman.
"How long you're going to wait here?" Heto na naman po kami...Mas mahirap intindihin ang salita mo kaysa sa panahong pa bago bago.
"Zack---pakiusap lang. Pag ako kasama mo, magtagalog ka. Nakakaintindi ako pero sumasakit ulo ko pag nadidinig kita"
"Sorry----ang ibig kong sabihin. Gaano ka katagal pumupila dito. Kailangan bang punuin yung jeep mo bago umalis"
"Hindi---iba patakaran dito. Bente minutos. Ke puno o hindi, kailangan ko nang umalis. Medyo nakakainis nga lang"
"Bakit?"
"Nakikita mo yung jeep na parating na yan" itinuro ko ito kay Zack "Sa kabilang baryo nakatira ang may ari niyan. Yan lang ang jeep na palaging puno pag umaalis. Hindi ko alam kung bakit. Hindi rin ako nangangahas magtanong. Medyo mainitin kasi ang ulo niyan. Mahilig sa basag ulo. Marami na nga ang naiinis diyan dahil siya ang iniintay ng mga pasahero. Kaya yung mga katulad ko, kahit kaunti, pinag titiyagaan"
Napansin kong bababa ito ng jeep.
"O San ka pupunta?"
"Aalamin ko kung bakit? Don't worry, hindi ko naman siya kakausapin"
Nakita kong sumakay ito sa jeep ni Roger.
Makalipas lang ang limang minuto at bumalik na ito.
"Oh anong nasagap mo?" tanong ko agad dito.
"May free WiFi ang jeep niya kaya marami ang gustong doon sumakay"
Napatango nalang ako.
"After this, huwag ka munang mag byahe. May pupuntahan tayo"
"Saan?"
"Malalaman mo mamaya"
-
"Bayad kuya" Si Zack ang kumukuha ng bayad ng mga pasahero at siya na din ang nagsusukli.
"Saan po kayo bababa?" tanong ni Zack.
"Pwede bang sa puso mo" anang bakla.
"Hindi po pwede eh" nakangiting sagot ni Zack.
"Ay bakit naman?" Tanong ng bakla.
"May nag mamay-ari na po nito"
"Ay sayang----sige na nga. Diyan lang ako sa barangay Pilo"
"Magkano hanggang don" tanong nito sakin.
"Kinse"
"Sukli mo ganda" biro nito sa bakla.
"Baka hindi na ako bumaba. Huwag mo akong tawaging ganda pogi"
"Foreigner ka no?" tanong naman ng isang babae.
"Half British half pinoy ma'am"
"Halata kasi sa physical features mo. So kapatid ba ni kuyang driver yung babaeng mahal mo"
"Yes ma'am"
"Bayad po, makikiabot kay kuyang pogi" Lakas nito sa mga babae ah...
"Salamat ate---saan po kayo bababa?" Muling tanong ni Zack.
"Kung saan ka, pwede ba?"
"Nako ma'am, hindi po pwede"
"Huwag mo nalang sabihin" biro ng babae.
"Kahit hindi ko po sabihin. Kasama ko po ang kuya niya saka loyal to ma'am"
"Swerte naman ni ateng" komento ng isa pa.
Naiiling ako sa takbo ng usapan sa loob ng jeep...
Gwapo naman nga kasi si Zack kaya hindi ako magtataka kung marami ng babae ang magka interest dito.
-
Huling byahe ay hindi na ako pumila. Pinuntahan namin ang lugar na sinasabi ni Zack.Pinakabitan niya ito ng WiFi at parang pina renovate.
Marami siyang pinaayos at nang matapos, halos hindi ko nakilala ang sarili kong jeep.
"Ang ganda----salamat Zack"
"It's okay----bukas. Pupusta ko, mapupuno na ang jeep mo"
"Aasahan ko yan. So pano, tara na. Hapon na"
"Sige----para makita ko na si Seph"
"Gaano mo kamahal ang kapatid ko" Naitanong ko habang nasa byahe kami pauwi.
"Kung gaano kahalaga sa inyo si Seph----doble yon sakin. Kinaya kong mag antay ng walong taon para sa kaniya. At kaya kong mag intay ng matagal pa hanggang sa mahalin niya ako. At maasahan niyo na hinding hindi ko na siya hahayaan pang masaktan. At hinding hindi ko siya susukuan. Mahal ko si Seph-----higit pa sa buhay ko"
To be continued...
You've got an ally...wuhuuuu!
BINABASA MO ANG
Stolen lives
Random#2 Highest rank Fanfiction (12/28/18) Iniwan ng ama. Nagkasakit ang ina. Napariwara ang buhay ng nag iisang kapatid. Hinusgahan... Inakusahan... Ano pa ba ang mga pagdadaanan ni Seph sa buhay? May pinto pa ba para sa kaniya na handang mag bukas upa...