SL : 126

1K 121 35
                                    


"Nay, bakit hindi niyo pa tinatawag ang tatay, kanina pa yon umiinom" sabi ko sa nanay ng gabing yon. Pasado alas nuebe na at alam kong mga lasing na yon. Hindi ko alam na may plano palang magsi-inom ng alak ang mga kasama namin.

"Kow eh hayaan mo na. Minsan lang naman sagot nito.

Kasama namin sa kwarto ang lahat ng mga babae. Sina Les at Elizabeth kasama ang mga anak nila at si nanay Amari.

"Les---hindi niyo pa ba aawatin ang mga yon sa pag inom" sita ko dito.

"Hayaan mo sila. Pagbalik sa trabaho hindi na nila magagawa yan"

"Oo nga Seph. Minsan lang naman sila magka sama sama kaya hayaan mo na" dagdag ni Elizabeth.

"Pag hindi naman nila kaya na, kusa namang magsisi tigil  ang mga yon" Si nanay Amari.

Narinig kong may nag text, at sa phone yon ni Elizabeth.

"Nako tara na, mga lasing na daw. Hindi na makatayo " sabi nito.

Lahat kami ay lumabas at pinuntahan ang mga kalalakihan.

Nang malapit na kami ay pinatigil ako ng nanay sa tapat mismo ni Zack, pero nakatalikod ito. Sa itsura nito ay alam kong lasing na siya dahil para na itong mabubuwal sa kinauupuan nito.

"Anak makinig ka" sabi ng nanay sakin.

"Zack, lasing ka na ba?" Si kuya.

"Lha-shing---hi-hindi pa" Hindi nga lasing. Utal lang magsalita.

"May itatanong kami sayo---sagutin mo ng maayos" Ang tatay.

"Shi-sige tay"

"Tatay na tawag sayo" sabi ng tatay Lucio. Nagsikuhan pa ang mga ito.

"First question----bakit masama ang first impression mo kay Seph?" Si Elthon ang nagtanong.

"Dah---hil kay Chanty" pautal na sagot  nito.

"Ano bang ginawa sayo nung Chanty?" Si Ramin ang sumunod na nagtanong.

"Nil--niloko niya a-ako. Mukha shang perahh. Minahal-minahal ko shiya tap-tapos ayun---pera lang gus--gusto niya"

"Kaya inisip mo na ganon din si Seph?" Si kuya Dexter ang nagsalita.

"O-oo. Ak-akala ko ganon din din shiya"

"Mahal mo ba siya?" Sunod na nagtanong si Les.

"M-mahal na mahal na na mahal"

"Bakit mo siya minahal?" Si Elizabeth.

"Dahil dahil mahal ko siya. Sha shiya lang nan-nandito" itinuro nito ang tapat ng puso niya.

"Gaano mo kamahal ang anak ko?" Ang tatay na ang nagtanong.

"G-ganito" Pilit itong tumayo at gumawa ng isang malaking bilog gamot ang mga braso niya "kit-kita niyo to. Sha ang mundo ko" at saka ito muling susuray suray na naupo.

"Hindi mo na ba siya sasaktan?" Si kuya Nick ang sunod na nagtanong.

"Hin-hinding hindi. Pag sha saktan ko---ku-kunin niyo sha sakin...peh-pero hindi pwede. Dah-dahil hindi ko yon shasaktan---mahal ko yon eh. Mahal ko yon---di ba tay" tumingin pa ito kay tatay at nag thumbs up sign.

"Seph---narinig mo bang lahat" tanong nang nanay Amari.

Tumango ako.

"S-seph? N-nasan asawa ko?" Pilit tumayo si Zack at hinanap ako.

Nang makita niya akong nasa bandang likuran niya ay pilit niya akong inabot kaya nagtumba ito.

Tutulungan sana ito nila kuya pero pinigilan ko.

Stolen lives Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon