SL : 57

952 103 84
                                    


Seph

Napaupo ako sa upuan ng makaharap ko ang sinasabi nilang totoong may kasalanan sa krimen na ibinibintang sa akin.

"Hindi ito totoo" sabi ko sa kaharap ko.

Nakayuko lamang ito ay ni ayaw akong tingnan.

"Sumagot ka? Bakit?" Naiiyak na tanong ko. Hinawakan ko ang mga kamay nito na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

Unti unti itong nag angat ng paningin.

"Seph "

"Bakit Matt?" Umiiyak na tanong ko.

Tumayo ito at lumipat sa kinauupuan ko.

"Seph----hindi ko hahayaan na maranasan mo ang pinagdaanan ko sa loob ng selda"

"Matt, hindi mo dapat ginawa to. Wala kang kasalanan"

"At wala ka ding kasalanan Seph. Alam ko yon"

"Pero bakit mo inako? Bakit Matt?"

"Seph makinig ka. Naranasan ko ang hirap ng buhay dito. Lalaki ako, babae ka. Maniwala ka, hindi mo kakayanin. At mas gugustuhin kong ako ang nandito kaysa ikaw----

"Matt, hindi ako papayag. Kaibigan kita, at hindi ko hahayaan na ikaw ang magdusa sa problemang kinakaharap ko"

"Makinig ka muna sakin Seph. At gusto ko maintindihan mo. Ginagawa ko to dahil sobra sobra na ang paghihirap na pinagdaanan mo. At hindi na tamang pagdaanan mo pa ang paghihirap na makulong sa kasalanang alam nating hindi ikaw ang gumawa. Nandito na ko, huwag kang gagawa ng dahilan para bumalik pa dito. At ito ang gusto kong gawin mo.  Kung gusto mong makaalis ako dito"

"Anong gagawin ko?"

"Alam kong may taong may galit sayo kaya nangyayari ito sayo ngayon. Ang lahat ng ito----frame up. Gumagawa siya ng paraan para mawala ka sa landas niya. Sigurado akong malalaman niya na nakalaya ka na. At hindi siya titigil hanggat nandiyan ka. Kaya mag doble ingat nga. Hanapin mo kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito Seph. Kilala ka niya at alam kong malapit lang Seph siya sayo"

"Pero Matt---

"Seph----kung gusto mo akong makaalis dito. Hanapin mo ang taong dapat na narito. Pero mag iingat ka. Hindi natin alam ang mga kaya niyang gawin. Nagawa niyang ibaling ang sisi sayo sa krimeng ginawa niya. At posibleng mas higit pa doon ang kaya niya. Huwag mong ipapahalata na nag iimbistiga ka. At kung maaari, magpatulong ka sa ibang kaibigan mo. Mainam na yung hindi ka nag iisa. At isa pa, walang problema kung makulong ako. May record na ko. At walang umaasa sa akin katulad mo. Pag nakulong ka, paano ang nanay mo?"

"Pero Matt----

"Wala nang pero pero Seph----hindi lang buhay mo ang dapat mong isipin. Nandiyan ang nanay mo na umaasa sayo. Kaya huwag ka nang kumontra pa. Walang mawawala sakin. At kaya ko ang buhay dito"

"Bakit mo ginagawa ang lahat ng to Matt?"

"May malalim na dahilan Seph. At hindi ko kayang sabihin sayo ngayon. Dahil ayaw kong maging iba ang dating sayo ng pagtulong ko"

"No Matt. Sabihin mo sakin. Kilala mo naman ako di ba? Ano ang dahilan mo? At hindi ako aalis dito hanggat hindi mo sinasabi"

"Seph please---kung ano man ang dahilan ko, hindi ko pa kayang sabihin sayo"

"Matthew Gallego----balik na sa selda" Tawag ng warden.

"Matt!" Pagpigil ko dito.

"Basta tandaan mo, lahat gagawin ko para sayo" Yumakap ito ng mahigpit sakin bago tuluyang lumayo.

"Matt " habol ko pa dito.

Lumingon ito saka ngumiti. Kumaway  pa ito bago tuluyang mawala sa paningin ko.

Matt bakit? ...muli akong naupo dahil pakiramdam ko, nanghihina ako. Tamang nakalaya ako, pero ang kapalit naman ay ang pagka bilanggo ni Matt.

Bakit ba kailangang may magsakripisyo para sa kalayaan ko

Bakit palaging may kapalit?

-

Elthon

Elthon : hello officer

Police officer : Mr. Grey, regarding po sa kaso na isinampa niyo laban kay Ms. Elayda, may gusto lang akong ipaalam.

Elthon : yes officer, ano yon?

Police officer : nakalaya na po si Ms. Elayda ngayon lang.

Elthon : what? How? I mean----paanong nakalaya? How is it posible?

Police officer : sumuko na po ang totoong sangkot sa pagkamatay ng kapatid niyo na si Ms. Grey. At hindi na po namin pwedeng I detain dito si Ms. Elayda dahil makakasuhan po kami pag nagkataon.

Elthon : so who's the culprit?

Police officer : isang nagngangalang Mathew Gallego.

Elthon : si Matt?

Police officer : kakilala mo po ba ang nasabing lalaki?

Elthon : can we meet Mr. Officer?

Police officer : yes Mr. Grey. Whatever the time you want.

Elthon : thanks officer. Before dinner. I'll sent you the place.

Police officer : see you then Mr.  Grey.

Paanong si Matt ang nakapatay kay Lala kung si Isa ang kasama niya nung gabing yon?

Or is it----he's claiming the responsibility for my sister's death in exchange...Seph will be acquitted.

Pwedeng ganon nga?

-

I asked Zack to come with me that night.

"What were you saying over the phone earlier----I didn't get it?" tanong nito while walking inside that resto. The meeting place that I chose.

"We'll both going to find out this night" sagot ko.

Hindi nagtagal ay dumating na din ang may hawak ng kaso ni Lala. Police officer Renz Valdez.

"Good evening Mr. Grey, Mr. Badger"

"Have a sit Renz" sabi ko dito.

"What is this all about Renz?" Si Zack.

"Well Mr. Badger, nasabi ko na to sa phone kanina kay Mr. Grey----Ms. Elayda has been acquitted" at nakita ko ang pagkunot ng noo nito Zack. Same as my reaction as I heard the news.

"Acquitted? How? Since when?" Sunod sunod na tanong nito.

"Just this morning Mr. Badger, Mr. Grey. Sa tanong na paano? May lalaking pumunta kanina sa presinto at inaming siya ang sakay ng kotseng pag aari mo Mr. Grey----at sinumpaan nito na ang lahat ng pinagtapat niya ay totoo at handa nitong harapin kung ano man ang maging hatol sa kaniya"

To be continued...

Matt o Matt...you're one of a kind.

Stolen lives Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon