Nauna kaming dumating sa beach, past nine in the morning. Nag rent na kami ng cottage na kasya ang lahat. We've also rented some rooms dahil mag overnight kami dito. Once lang ito mangyari, yung makakasama ko ang mga kaibigan at pamilya ko kaya I'll make sure na sulit ang pagpunta nila. I already informed them na ganoon ang planned and they all agreed.Almost eleven ng makarating sila. Batian, yakapan...at talaga namang na mis ko silang lahat. At ang nakakatuwa, ang bonding ng mga nanay at tatay ko. Ang tatay lucio at nanay Amari kasama ang mga magulang ko.
At higit sa lahat...ang dalawang anghel na sobrang mahal ko.
"Ninang" ito ang bungad sa akin ni baby El na patakbong lumapit sa akin.
"Hi baby" I showered him kisses and a hug.
"Mama" at si baby Lian. Na yumakap na ng kusa sa leeg ko. I kissed and hug her same kay baby El.
"Sa mga anak palang namin, mukang hindi mo na kailangan pang mag anak" natatawang komento ni Elizabeth.
"True---kulang pa tiyak oras mo" singit ni Les.
"I missed this kids. Sobra" kalong ko silang pareho sa magkabilang hita ko. Habang kwentuhan ang lahat...pero tila ba may hinahanap ang mga mata ko.
"Oy may hinahanap ang isa diyan" inumpisahan na akong tuksuhin ni Elizabeth.
Iniwas ko ang paningin ko at itinuon sa mga bata.
"Magpunta na kayo sa mga kwarto niyo para makapag bihis habang inaayos namin ang pananghalian" sabi ng nanay sa mga ito.
"Let's go baby" pagtawag ni Elizabeth kay baby El.
"Lian come on" Si Les.
"Ang ganda dito no " Si kuya Nick.
"Mas maganda ako" Si Ramin.
"Sipain kita" natatawa nalang ako sa a mga kulitan ng mga kaibigan ko.
Nag kaniya kaniya silang buhat ng mga gamit at pinuntahan na ang kanilang magiging kwarto sa araw na yon na sinamahan ng tatay kung saan lugar. Naiwan kami ng nanay at kuya Dexter na inaapuyan na ang barbecue grill. Ang nanay naman ang nag lalabas ng mga pagkain sa mga food container at ako ang nag aayos ng mga ito sa table.
"Dalin ko muna ito sa kuya mo para maihaw na" hawak ng nanay ang iihawing mga isda, pork marinated, hotdogs at pusit.
"Sige po nay ako na dito" sagot ko.
Sila na ang humarap sa mga iihawin at iginayak ko naman ang magiging sawsawan ng mga iyon.
Nang maramdaman kong parang may tao sa likod ko. Pag lingon ko ay muka ni Zack ang nasa harapan ko.
"I miss you" Bungad nito sabay halik sa pisngi ko.
Tinalikuran ko ito at hinarap ang ginagawa ko.
Bakit ganon ang tibok ng puso ko?
"Galit ka ba?" Pilit nitong tinatanaw ang muka ko na pilit kong iniiwas.
"Hindi" sagot ko bakit ba naiilang ako?
"Hindi?----eh bakit ayaw mo kong tingnan?"
"Hindi nga, kulit nito"
"Na mis mo ko?" Ulit nito.
"Hindi" muling sagot ko.
"Sabi mo eh---pero ikaw. Mis na mis ko----ahm para sayo" May inabot itong bouquet of white flowers at hindi mawawala ang chocolates "sabi kasi nila, white flowers symbolizes sincerity and purity...one dozen of white roses para sa asawa ko. At chocolates para mas maging sweet tayo pag kasal na tayo----asawa ko"
BINABASA MO ANG
Stolen lives
Random#2 Highest rank Fanfiction (12/28/18) Iniwan ng ama. Nagkasakit ang ina. Napariwara ang buhay ng nag iisang kapatid. Hinusgahan... Inakusahan... Ano pa ba ang mga pagdadaanan ni Seph sa buhay? May pinto pa ba para sa kaniya na handang mag bukas upa...