One month later...Seph
Elthon keeps his promise. Tinuruan ako nito mag drive, do's and dont's. Lahat ng safety precautions.
And slowly, I managed to drive on my own. Back and forth.
And this past few weeks, halos hindi na rin siya nag I-stay sa company. Kaya siguro pinagamit niya sa akin ang kotse niya.
He's always out of town. May mga branches pala itong pinapatayo in different places. At hands on siya dito. Making sure na walang magiging problema.
At si Matt, hindi niya alam ang tungkol sa kotseng pinahiram ni Elthon. Sinabi ko nalang na pinagamit ng kompanya. Ayaw niyang maniwala sa alibi ko.
Sino nga ba ang maniniwala? Eh sa itsura palang ng kotse ni El, halata namang mayaman lang talaga ang makaka afford nito. Kahit sila nanay Amari at tatay Lucio ay hindi makapaniwalang ako ang gumagamit non.
Pero hindi ko ito ginagamit pag pumapasok ako sa bar o kahit pag pumupunta ako sa bahay ni Ramin. Mahirap na. Baka ma carnap pa.
"Seph" si Matt. Araw ng linggo. Wala akong trabaho pero sa gabi, sa bahay ako ni Ramin para alagaan si Bernice. Ilang araw nalang din, babalik na ang nanny nito. Kaya siguro, last day ko na to sa pag aalaga kay Bernice.
"O bakit?" Napansin ko ang dala nitong bag "Saan ka pupunta?"
"Uuwi muna kong probinsiya" sagot nito bago naupo sa sofa.
"Anong meron? May problema ba?" Naupo ako sa tabi nito.
"Nagkasakit kasi si nanay Helen. Yung kapatid ng nanay na nag alaga sakin. Natatandaan mo, kinuwento ko na sayo yon dati"
Naaalala ko ang tungkol doon. Si nanay Helen ang nag aruga sa kaniya ng iwan siya ng totoong nanay niya. At katulad ko, mahirap din ang buhay ng mga ito. Sa tuwing nakakaluwag si Matt, nagpapadala ito ng pera sa tiyahin niya bilang tulong sa mga gastusin.
"Oo, naalala ko. Pero bakit may dala kang bag?"
"Uuwi muna ko sa probinsiya. Gusto kong makita ang lagay ng nanay. Maliliit pa ang mga anak non saka ang balita ko, iniwan din siya ng asawa niya. Kaya pupuntahan ko muna"
"Ganon ba. Ngayon na din ba alis mo?"
"Oo---nagdala lang ako ng kaunting gamit"
"Gaano ka katagal don?"
"Hindi ko pa alam. Pag okay na ang nanay, babalik din ako agad"
"O sige. Pakisabi nalang, pagaling siya ha. Ikaw din, mag ingat ka sa biyahe"
"Salamat. Ikaw---mag iingat ka dito. At saka kahit sana ka pa. Mag iingat ka. Wala ako dito. Pati sa kuya mo, kahit kapatid mo yon, lalayo ka lalo na pag nakainom. Mamaya saktan ka na naman non. At yung tungkol sa nangyari sayo sa bar, iwas iwasan mo muna yang Elthon na yan ha" mga bilin nito.
"Opo na tatang. Tatandaan ko po" tugon ko nalang dito para hindi na niya ako aalalahanin pa.
"Mabuti nang malinaw. Wag mo kakalimutan kumain. Napaka ulyanin mo pa naman"
"Grabe naman to makapag bilin. Para bang hindi ka na babalik"
"Nagpapaalala lang. Tatawag ako sayo ng madalas. Kaya siguraduhin mong hindi palaging patay ang cellphone mo o low bat"
"Matt----sa probinsiya ka lang pupunta. Hindi sa abroad"
"Parang ganon narin yon. Malayo parin ako sayo"
"O bakit parang malungkot ka?" Napansin ko kasi ang pag tamlay ng mga mata nito.
"Hindi ah" pagtanggi nito.
"Sos hindi daw. Kanina lang kumikinang yung mga mata mo. Ngayon biglang nag iba----mami mis mo ko no" panununkso ko.
"Bakit ikaw, hindi mo ba ko mami miss" balik tanong nito.
"Syempre naman no. Mami miss kita. Wala nang mag papaalala sa akin palagi, wala nang bibisita sa akin kahit dis oras ng gabi " Natawa ito sa sinabi ko "Walang mag aalala sakin kung nakauwi na ba ko, kung kumain na ba ko, at higit sa lahat, walang magpapa salubong sa akin gabi gabi"
Binatukan ako nito.
"Yun lang pala mahalaga sayo. Yung pasalubong ko"
Ngumiti ako.
"At ang pinaka higit sa lahat, kung magtatagal ka don, wala na kong makakausap. Wala akong mapagsasabihan ng problema. Walang bibili ng gamot ko pag may sakit ako. Wala akong kasabay mag breakfast. At alam mo kung ano ang mami mis ko sayo----wala nang magpapa tawa asa akin. Kahit baduy mga jokes mo, mami miss ko" Ewan ko kung bakit nakaramdam ako ng lungkot sa pag alis ni Matt. Siguro dahil nasanay ako ng palagi siyang nandiyan.
"Edi mami mis mo nga ako"
Umirap ako dito "Obvious ba. Syempre naman. Balik ka agad ha"
"Oo naman---hindi din naman ako sanay na hindi ka nakikita. Kahit na ayaw ko naman talaga sayo, mami mis parin kita "
"Sama mo Matt"
"Joke lang. Syempre hahanap hanapin ko ang presence mo. Kahit na yung pritong hotdog o sausage na palagi mong niluluto para sakin dahil wala namang choice" Kinurot ko ito sa braso "Basta babalik ako agad. Wag ka magpapapasok ng lalaki dito ha"
"Opo na nga. Kumain ka na ba?" Pag iba ko.
"Oo----sa apartment"
"Ganon ba. Kala ko pa naman makakasabay kita mag breakfast" saka ako nag pout.
"Arte neto. Tara na nga, kahit busog ako sasabayan parin kita kumain" saka ako hinila papuntang kusina.
Hindi ko alam kung gaano siya katagal sa probinsiya, kaya susulitin ko na ngayon habang magkasama kami.
I'm going to mis him.
His laughed, his jokes, kahit pa ang pang bubwisit niya sakin.
"Nandito pa ako, wag mo muna akong isipin" bumulong ito sa akin. Nakatulala na pala ako.
"Sira. Mami miss ko lang yung ganito. Uwi ka agad ha" muling bilin ko.
"Feeling ko tuloy, para mo akong asawa na mag a abroad. Pakasalan mo na kaya ako" biro nito.
"Kahit kailan talaga hindi ka makausap ng matino" kumuha ako ng pritong hotdog saka isinaksak sa bibig nito.
Nagtawanan kami. Yung parang wala ng bukas.
Yun bang pakiramdam mo, baka huli na yon.
To be continued...
What's your premonition?
BINABASA MO ANG
Stolen lives
Random#2 Highest rank Fanfiction (12/28/18) Iniwan ng ama. Nagkasakit ang ina. Napariwara ang buhay ng nag iisang kapatid. Hinusgahan... Inakusahan... Ano pa ba ang mga pagdadaanan ni Seph sa buhay? May pinto pa ba para sa kaniya na handang mag bukas upa...